bc

Billionaire's Innocent Maid

book_age18+
116.9K
FOLLOW
611.2K
READ
love-triangle
sex
forced
playboy
comedy
bxg
humorous
others
virgin
novice
like
intro-logo
Blurb

(Completed Story)

"Take off your clothes!" seryoso niyang utos sa dalaga.

"Hala, sir hindi po ako naiinitan!" inosente nitong sagot.

"Godda**it dalian mo na.. nagagalit na ang leon ko sa'yo" saad niya pagkatapos ay mapang-akit na tiningnan ang dalaga.

Napakunot ang noo niya nang biglang nanlaki ang mga mata nito at nanginginig pa habang inililibot ang tingin sa buong kwarto niya.

"Hala sir! May alaga pala kayong leon dito sa kwarto?" sambit nito at kumaripas na ng takbo palabas.

"Baliw ka talaga Tanya... Baliw!" inis niyang saad at dumiretso na lamang sa CR at doon pinakalma ang galit na galit niyang Leon.

Falling for a Billionaire

-Billionaire Romantic Suspense

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Tanya! Dinala mo na ba kay Senyorito ang wine sa kwarto?" tanong ni Ate Cora ang pinakamayordoma na katulong dito sa mansion. "Hala ate nakalimutan ko po!" "Batang 'to oh! Oh s' ya ako na ang magdadala.Tulungan mo na lang si Mayla sa kusina!" sambit nito. Bago pa lamang ako rito sa mansion. Wala pa'kong isang linggo. Hindi ko pa nga nakikita si Senyorito Josh. Ang sabi nila rito ay napakagwapo ng aming amo. Maaga kasi itong umaalis sa mansion at minsan ay hindi umuuwi. Nakatoka ako sa paglilinis ng mga kwarto sa Mansion. Ang kwarto ng mga magulang ni Senyorito Josh at ang kwarto mismo ni Senyorito. May isa pang kwarto rito sa mansion, Ang kwarto raw ng babaeng kapatid ni Senyorito pero bawal pumasok ang ibang tao rito kahit na sariling kapamikya ay ayaw papasukin ng anak na dalaga. Nasa ibang bansa raw ito ngayon at bihira na rin umuwi sa Pilipinas. Disiotso anyos pa lamang ako. Galing probinsya. Nakatira ako sa lola ko pero noong namatay ito ay naisipan kong maghanap ng trabaho dito sa Maynila. Swerte nga ako dahil mababait ang naging mga amo ko. Noong una ay sa kapatid ni Senyora ako nagtrabaho. Kina Senyora Gisella Lopez pero inilipat ako rito kasi umalis ang isang katulong ng mansion na ito. Nakapagtapos ako ng highschool pero dala ng kahirapan ay tumigil ako sa pag-aaral. Hindi ko na nakilala ang nanay ko dahil sanggol pa lamang raw ako ay umalis na ito at hindi na bumalik pa. Hindi ko rin kilala ang tatay ko. Ang sabi nila banyaga raw dahil may lahing banyaga ang itsura ko. Napakaganda ko nga raw ang sabi nila. Napakahirap ng buhay namin ng lola ko noon. Nakatira kami sa bundok. Malayo sa kabihasnan. Kaya nang dumating ako sa Kamaynilaan ay tuwang tuwa sa'kin ang mga kasamahan ko dahil napakaignorante ko raw. Totoo naman kaya hindi ako nagagalit. Nagpapaturo na lamang ako sa kanila. "Hoy Tanya... Malulunod na ang halaman sa'yo! Halika na nga sa loob. Magmeryenda muna tayo!" Tawag ni Ate Mayla ang Chef ng mansion. Nakaupo kaming apat sa mesa. Si Ate Cora, Si Ate Mayla at si Perla ang labandera. " Hay, may bago na namang babae si Senyorito! "saad ni Ate Cora. " Hindi naman nakakapagtaka na mahilig talaga sa babae si Senyorito. At ang mga babae naman naku! Nagpapaanod rin sa pambobola. "sabat ni Ate Perla. " Naku naman, tingnan niyo naman si Senyorito. Napakagwapo at ang katawan niya parang masarap... Minsan nga nung napadaan ako sa kwarto niya. Narinig ko ang ungol nilang dalawa grabi ha! "kinikilig na saad ni Ate Mayla. " Hoy kayong dalawa! Tumigil nga kayo! Baka marinig kayo nina Senyora..Isa pa, may bata pa oh!! nguso sa'kin ni Ate Cora. "Ate okay lang hindi naman ako nakakarelate sa inyo.Paano ba umungol ate?" wala sa wisyo kong tanong. Natawa silang tatlo sa tanong ko. "Mamaya pumunta ka sa kwarto ni Senyorito. Idikit mo ang taynga mo sa pinto. Tiyak marami kang matututo." saad ni Ate Mayla. "Ha? Ah eh sige... Para matuto naman ako. Ayaw kong maging ignorante!" saad ko naman. Nagtawanan sila ulit. "Nakow Tanya... Nakakatawa ka talaga. Nagkanobyo ka na ba?" tanong ni Ate Perla. "Aba'y wala po. Ni wala nga akong kaibigan eh. Ayaw nilang makipagkaibigan sa'kin dati kasi hampaslupa raw kami ng lola ko. Kaya hanggang hiscul ay bahay-eskwela lamang ako." sagot ko sa kanila. "Kaya pala napaka-inosente nitong batang 'to!" "Hayaan mo, ipapasyal kita ulit sa Mall sa dzfating na linggo!" "Talaga Ate Mayla?" sabik kong tanong sa kanya. Si ate Mayla ang pinaka - kalog sa' min. Bata pa si Ate. Beinte tres anyos pa lamang ito. "Oh sige na.. Balik trabaho na tayo!" saad ni Ate Cora. Ipinagpatuloy ko na ang paglinis ng bakuran at swimming pool. Kapag tapos ko na ang aking trabaho ay sa labas ng bakuran na ang toka ko. Pupunta na sana ako sa swimming pool nang makarinig ako ng tawanan. Nagtago ako sa isang mayabong na halaman at pinagmasdan ang dalawang pares na naliligo sa pool. Napakaganda ng babae. Nakasuot ito ng pulang one piece at hanggang balikat ang kulay blonde nitong buhok. Napakaputi rin nito at napakakinis rin. Pinagmamasdan ko ang lalaking kasama nito. Ito na siguro si sir Josh. Oo nga naman totoong napakagwapo nito. Parang bida ito sa isang pelikulang pinanonood ko dati sa television ng kapitbahay namin. Napakatangkad nito. Napakaputi at ang magkabilang pisngi ay namumula-mula. Napakatangos ng ilong nito at ang labi ay manipis. Makapal ang kilay nito na nababagay sa magagandang mata na humuhulmang bituin sa gilid kapag ngumingiti. Hinalikan nito ang babae sa mga labi. Napaawang ang bibig ko at parang gumagalaw rin ang aking mga labi habang nakatingin sa kanila. Hinalikan rin ni Senyorito ang leeg ng babae. Luh? Ibang klaseng magtanggal ng libag nitong babae. Napailing na lamang ako. Napatili ako nang biglang natumba ang malaking halaman at natumba ako at nagpagulong - gulong at naramdaman ko ang lamig ng tubig sa pool nang tuluyan na'kong nahulog rito. Iwinagayway ko ang aking mga kamay dahil hindi ako marunong lumangoy. Ito na siguro ang katapusan ko. Mamamatay na siguro akong ignorante sa lahat ng bagay. Naramdamam ko ang matigas na bisig na yumakap sa akin at iniahon ako mula sa pool. "Are you out of your mind?" inis nitong saad habang nakatingin sa aking mukha at ibinaba nito ang mga mata sa aking dibdib. Manipis na puting t-shirt lamang ang suot ko. Wala pala akong suot na bra. Narinig ko ang malakas na pagtawa ng babae mula sa aming likuran. Tumayo ako at itinakip ang aking dibdib gamit ang aking mga kamay. "Sorry po senyorito...." "What's your name again?" "Tanya po Senyorito." "Okay Tanya. Now get lost at huwag ka nang mangdistorbo dahil magbabasketball pa kami ng girlfriend ko!" "Wow.. Talaga po? Pwede po manood?" "Fuck..Hindi pwede!" " Ay.. Sige po.. Pero sa susunod po tayo rin po ang maglaro ah. Favorite game ko po 'yan eh"! " " You' re such a headache Tanya pumasok ka na baka matutuluyan ka! " Napakasuplado naman ni Senyorito. Para makikilaro lang naman. Gwapo sana pero suplado.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
78.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
163.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
71.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
111.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook