Chapter Four

1840 Words
"You heard her, Sage." "Jeia, ano ka ba. Para sa'yo 'yan, kunin mo na. Nakakahiya kay Sir." "Ano'ng nakakahiya?! He's been constantly giving me those and I keep on declining. Ayaw niyang tumigil! What's do you want me to f*cking do?" Roane sneaked to look at Mr. Mijares and she saw him talking in a hushed voice with the delivery girl. Tumaas ang kilay niya nang umalis ang babae. "Jeia, 'wag mo nang pahirapan yung tao. Pinapahiya mo ng principal." Gigil ang boses niya nang bumulong. "Hindi ko na kasalanan 'yon. Eh sa mapilit eh. Sinabi ko nang ayoko, ayoko, AYOKO. Period. Stop talking me out of it. Hindi 'yan gagana. Tss. Alis na ako, I'm getting more irritated in here." Walang lingon-likod itong umalis at binangga pa ang balikat ng lalaki sa pintuan. Oh my God. This stone-hearted girl. May araw ka rin. Makikita mo ang katapat mo. Hindi sang-ayon si Roane sa ugaling pinapakita ng kaibigan sa principal nila ngunit wala na siyang magagawa. Humingi siya ng paumanhin kay Mr. Mijares bago ito tumalikod at sumunod sa kaibigan niyang bato. Umiiling siya habang pinapanood ang dalawa. Tsk tsk. "Out. I'm busy." Sage gave out a loud sigh. "In a minute, Jeia. I want to talk to you." "Ayoko kaya umalis ka na. I still have many things to do and classes are nearly done." Nilabas niya ang lesson plan at ang mga activities ng mga batang kahapon pa niya na-check. She just wants to be busy, ignoring the principal himself. Welcoming himself, Sage sat on the sofa and looked at her. "Then I won't disturb you... Hayaan mo na lang ako dito. Gusto lang kitang matitigan ng ganito, don't mind me. Tuloy mo lang ang ginagawa mo." Malakas niyang ibinagsak ang record book sa mesa niya, buti na lang hindi nabasag ang glass. "Mr. Mijares. What the hell do you f*cking want? I'm actually running out of patience and you following me around is damn annoying." May pagtitimpi sa boses niya. Konting-konti na lang talaga ang natitirang respeto niya sa lalaking'to at kung sisimutin pa niya, hindi na alam ni Jeia ang gagawin. Sa kabila ng mala-tigre niyang mukha, nakuha pa ring ngumiti ni Sage. "You're so damn pretty when angry, Ms. Diego." Natigilan siya sa tinawag nito. How can he still call her 'Ms.' when she already have her son? Yes, wala siyang asawa but... Paano nga ba dapat? Mrs. Diego? Eh hindi naman Diego ang apelyido ng Papa ni Robi. "What? You like me now?" "Hah! Ang kapal talaga ng mukha mo 'no? Hindi kita gusto at hindi kita magugustuhan!" Natulala lang siya ng ilang sandali, gusto na daw niya ito? Pfft. Sumilay ang mapanuksong ngiti ni Sage. "Really? Then what if one day you'll like me?" Hindi pa ito tapos pero napapamura na si Jeia sa isip niya. Ano ba'ng hinahabol-habol ng binata sa kanya at bakit ang kulit nito? "Get. Out. Sage Mijares." Hindi siya bayolenteng tao pero gugustuhin niyang maging isa kapag hindi pa siya tantanan nito. "Why do you hate me so much?" Even if he's emotionless, marahan pa rin ang paraan ng pagtatanong nito. Matagal nang gustong itanong ni Sage 'yon sa dalaga dahil sa palagian nitong pagtataray at pagiging mainitin ng ulo tuwing kinakausap niya. "Fine. Ako ang lalabas." At nag-martsa na nga ang babae paalis. Hindi ito sumunod sa kanya kaya napabuntong-hininga siya sa pasasalamat. Nang chineck niya ang oras ay limang minuto na lang bago ang huling klase niya kaya doon siya dumiretso. Oras na ng uwian nang makita niya ulit ang binata sa labas ng opisina nito, kausap na naman ang babaeng si Farah. Hindi niya pinagtuunan ng pansin ang mga ito kahit nararamdaman niya ang titig ng lalaki sa kanya. Akala niya, magiging tahimik na ang buhay niya sa eskwelahan pero isa itong malaking pagkakamali. Kinabukasan, may babae na namang pumasok sa classroom niya para hanapin amg letseng lalaki. "Hi! Have you seen Sage? Tita told me he's going to be at the gate but he's not there. The guard didn't let me in-" "You can find him in the first building, Miss. No need to narrate." She replied, almost irritated. Narindi si Jeia sa matinis at maarte nitong boses kaya gusto na niyang lumabas ito. "Oh! Thank you!" Umangat ang ulo niya at tumaas ang kilay niya sa damit nitong halos kita na ang kabuuan ng dibdib nito. Spaghetti strap pa man din at mas maiksi pa kaysa sa notebook niya. Tss. Typical type. Ibinalik niya ang tingin sa ginagawa. "Your activity will be the last this December. Malapit na ang Christmas kaya dapat maipasa ninyo 'yan bago kayo mag-break. Magsisimula na tayong mag-decorate ng classroom sa susunod na araw kaya dapat mas maaga kayong matapos. Okay?" "Yes Ma'am Jeia." Mabuti nalang at mas mature mag-isip ang mga estudyante niya. Graduating na kasi ang mga ito at malapit nang tumuntong sa hayskul. Hindi naman siya gaanong nahihirapan sa trabaho niya dahil ine-enjoy naman niya iyon. Passion niya kasi talaga ang magturo ng mga bata. "Mom, have you seen my AMG cup? I kind of lost it." Naghalukat si Robi sa bag niya at ang bag ng Mama niya. Aligaga ito at nakakunot-noo. "What cup and where did you put it?" Naki-kalkal na rin siya sa bag. Pati ang ilalim ng table niya at ang drawer ay binuksan niya. "The one you gave me last Christmas. I can't seem to find it. I thought I put it here! We played a while ago but it's gone." Kaya pala aligaga ito. Robi's to go cup was her gift to him and everything she gave him is a treasure. Mahalaga lahat sa anak ang binibigay niya kaya naman iniingatan nito lahat ng iyon. Ngayon lang may nawala. Ngumiti siya. "Baka nandyan lang 'yan. Did you check your classroom? Baka naiwan mo doon." Or sa bleachers, pero ang sabi naman nito ay wala doon. "I already went there. None." He circled the sofa and the table. Sinuri din nito lahat ng bookshelves doon pero wala talaga. "Hayaan mo na kung wala. Maybe someone borrowed it and forgot to give you back." "But that's mine!" Naiiyak na napaupo ang bata at nangingilid ang luha. "Hey, it's fine. Bibili nalang ulit ako ng bago. Uhm?" Hinagod ni Jeia ang buhok nito at pinatahan. Minsan lang ito umiyak at kadalasan ay hindi gaanong seryoso para kay Jeia. Robi just loves her so much and even the smallest thing is very important to him. "B-but that's AMG!" Suminghot ito. "That's very expensive..." Tuloy pa ng bata. Napangiti siya sa anak at tinulungan itong punasan ang luha nito. Yes. It was an AMG to go cup from Mercedes Benz which she even bought and have it shipped here in the Philippines. Mabuti nalang may kakilala siya sa ibang bansa kung saan niya ito kinuha. Hindi biro ang presyo nito pero dahil nakita niya ang kagustuhan ng anak ay binili niya pa rin. Jeia saw him scrolling in her phone and awe-stricken with the Mercedes Benz brand. Wala siyang balak bumili ng sasakyang ganun kaya kahit yung bottle lang na limited ang maibigay niya. Mangiyak-ngiyak ang anak niya nang tanggapin nito ang regalo noon. She can't ever forget how he cried and hugged her so tight, giving her kisses. "Mom,let's look outside please? Maybe- maybe I left it in the swing...or the court! Mom, we need to find it!" Malakas na deklara nito. Gusto din niyang maibalik 'yon dahil sayang ang pinambayad niya kaya pumayag na siyang lumabas para mahanap. "It's not here!" sigaw ni Jeia mula sa swing. "Not here either..." May mga bata pa'ng naglalaro doon kaya sinubukang magtanong ng babae. "Bata, may nakita ka bang itim na lalagyan ng tubig dito? O kahit saan?" "Wala po kaming nakita Ma'am. Albert, may nakita ka daw ba?" Malakas na tawag nito sa kasama. She looked at the other boy hopefully. "Kararating ko lang po dito. Hindi ko po alam Ma'am." Her shoulders slumped. "Ako po Ma'am, nakita ko po kanina!" Isang batang babae ang lumapit at hinila ang laylayan ng damit niya. Nagpasalamat siya sa lalaki at yumuko. "Hi, ganda. Saan mo nakita ang baunan ng tubig?" Marahan niyang tanong. Nag-pout ang bata at pinaglaruan ang bunny ears sa ulo nito. "I saw a man picking it up po. Nanonood po siya sa amin kanina, tapos po uhm...kinuha niya po 'yun." "Man? Ano'ng itsura niya? Pwede mo bang ilarawan sa akin?" Maraming parents ang pumupunta doon para bantayan ang kanilang mga anak kaya hindi niya masisiguro kung sino sa kanila. "Gwapo po!" Agad na sabi nito. Natawa siya. Maraming gwapong tatay, gwapo rin ang mga anak. "Lagi mo ba siyang nakikita dito-" "Are you looking for this?" "Siya po 'yun Ma'am! Yung gwapo!" May tinuro ang bata sa likod niya kaya lumingon siya. His navy blue polo was the first thing Jeia saw. Tumaas ang tingin niya at sinalubong ang mga mata nitong banyaga ang kulay. "Hi, Miss?" Jeia stood and gave him a small smile. Mabait at maamo ang mukha nito kaya walang rason para magtaray. "Yes, Miss. Hello, are you one of the parents?" Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ng lalaki. "I'm Darwin." "Jeia." Matangkad ito at may kapayatan. Maputi din na nababagay sa buhok nitong itim na itim. His eyes were blue and the trimmed stubble in his chin made him looked more handsome. "Oh No. I'm just here to fetch my niece. Gusto ko kasing i-surprise siya." Namangha siya dahil marunong pala itong magtagalog. Slang ang pananagalog nito pero diretso at hindi masyadong masama pakinggan. "Ah. Ikaw pala ang nakapulot ng water bottle ni Robi?" "Yes. One of the kids said someone left it here so I went around to give it but you're also looking for it..." Hinanap ng mga mata niya si Robi para sana sabihin ang magandang balita pero hindi na naman niya makita. Baka naghahanap pa ito. Darwin handed the bottle to her as they sat down. Tutal wala na namang klase si Jeia at naibalik na ang hinahanap nila ay nakipagkwentuhan muna siya. He seems fine naman. "Thank you ha? Umiyak kasi kanina ang anak ko kaya hinanap namin. Good thing you're here." "No problem. Hinihintay ko lang ang uwian nila. By the way, where's your son's father?" Hilaw ang ngiti na binigay niya. "Patay na." "Oh. I'm sorry." Paumanhin nito. She nodded at him. Sighing, Jeia stared at her hands as they sat on the bench, a meter apart. "Mom, have you found it?! Mr. Mijares here wants to—oh!" Natigil si Robi sa pagtakbo palapit nang makita ang ina na may kasama. Behind him is an emotionless Sage, nakataas ang kilay sa kanila. This is the first time she saw the girl talk to a man without raising her voice or rolling her eyes. Robi's eyes flashed with joy when he saw what she's holding. "My Benz!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD