Chapter Three

2147 Words
*BLAG* The hinges of the door nearly fell when someone opened it recklessly. He accidentally pressed the keyboard a little hard when he looked up and saw a hot-looking Jeia entering his office. "Hey, beautiful. To what do I owe you for this rather pleasant surprise uhm?" He smiled brightly and stood to usher her towards the chair across his table. Tinaggihan ni Jeia ang alok nito, bagkus ay tinaasan niya ito ng kulay at kalmadong nagsalita. "Ano ba talaga ang pakay mo sa anak ko at laging siya ang kinakausap mo? Robi is only two so I don't buy your bullsh*t." "Ms. Diego, I am a professional and anything I do is only a formal interaction. I'm trying to build a good relationship with all of you and also trying to be a better president here. Hindi ba dapat magpasalamat ka? Billionaires like me these days are not as good as me. Lalo na sa itsura." He chirped. He's not trying to be cocky but to lighten up the mood. Para kasing nagiging mainit ang loob ng opisina niya kahit gumagana naman ang aircon. "Magpasalamat? Sa pagpapagawa mo ng school, yes thank you, pero ang sinasabi ko ay ang anak ko! I don't want to see you two talking again, didn't I told ypu that? Tapos kanina, I saw you again! Ano ba?! Hindi ka ba makaintindi? Ako ba talaga ginagalit mo?" "Jeia I-" *Knock knock* Napalingon silang dalawa sa pinto. Sage cursed in his head as he called the person in. "Oh. Hi Jeia. Hi Sir..." Oh sh*t. Jeia's lips twisted in a disgusted manner as the other woman batted her heavily mascaraed eyelashes at the president. "I'll get going, Mr. Mijares. Don't forget what I said." Nilagpasan niya ang babaeng panay ng hila sa blouse niya pababa para mas lalong makita ang boobs nito. "Wait. Jeia-" Pabagsak niyang hinila ang pinto bago pa bumalik ang inis sa lalaki. She's sure that that girl has another motive and she doesn't give a f*ck if they decide to do it inside his office. Sage Mijares was always rumored to be the conspicuous playboy of all the billionaire bachelors and she couldn't agree more. Nakita niya ito minsan sa reserved parking lot ng school na bigla na lang natumba habang binubuksan ang kotse. She thought he's having some blackouts or something but f*ck- the man is just effin' drunk and couldn't even stand on his own. Tinulungan niya itong tumayo at pinaupo sa driver's seat. "Ugh. You're f*cking heavy." "Iajsbqjsit-" "Shut up." May mga sinasabi pa itong hindi niya maintindihan pero hindi niya pinansin. Luminga-linga siya para sana magpatulong sa mga guards pero wala siyang nakita. "Oh my God. Ano'ng gagawin ko sa'yo?" Umilaw ang cellphone phone nito sa dashboard at nabasa niya ang 'mom' na naka-rehistro kaya agad niya itong sinagot, na sana hindi na lang. "Sage, where are you? Basta ka na lang umalis sa party without even meeting your fian-" "Uh-this is not Sage, Ma'am. He's here in the uh- school, drunk... Hindi po niya kayang mag-drive at wala po siyang kasama umuwi-" "Oh my God! You wait for me there, we're coming." Narinig niya ang natatarantang ginang na kinausap ang isa pang lalaki, this guy's Dad. "Dude, you're lucky." Sinara niya ang pintuan ng sasakyan at sumandal dito habang nag-aabang. As much as possible, she doesn't want the guy's mom to see or even meet her. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa niya sinagot ang tawag. Tss. Ilang sandali pa nang marinig niya ang mahina ngunit sunod-sunod na katok sa may bintana, galing sa loob. She quickly opened the door and she cursed b****y hell when he vomited upon opening it. F*ck. Jeia covered her mouth as it splattered on her shoes. What the f*ck! Tinakpan niya ang ilong at iniwas ang tingin habang nakawahak sa balikat nito. Hindi siya makalayo dahil baka mangudngod ito sa semento kapag binitiwan niya. "H-heyyy mishh. Prettyy~" He slurred and grinned, his eyes are not entirely open as he look at her. Kung hindi lang siya nakapag-pigil, nasipa na niya ito. Walking to her car, she grabbed some baby wipes and cringe as she wiped her shoes. The smell was disgustingly putrid. Ngumingiwi siyang bumalik kung nasaan ang lalaki, hindi nawala ang amoy ng sinuka nito. Nakabukas pa rin ang pinto kaya kitang-kita niya ang mukha ng lalaking nakasubsob sa manibela. He is even hiccuping! For goodness sake. A few minutes later, a shiny Benz parked in front of her and an elegant woman came out. Sumunod ang kamukha ng lalaking lasing, si Mr. Mijares, walang emosyon ang mukha. "Sage! Son, what happened to you?!" Natataranta ang ginang nang makita nag anak sa driver's seat na nakahiga ng walang malay. Tumango siya sa matandang Mijares. "What happened, young lady?" Akala niya hindi siya nito papansinin pero nagulat siya nang magtanong ito. "I just saw him nearly passed out so I helped him. Wala po siyang kasama kaya ako po ang sumagot ng tawag niyo." As a respect, she gave him a small coy smile earning one back. "Thank you for the help. Kung ibang babae siguro ang nakakita sa kanya, baka ginahasa pa siya. He could be fooled." He laughed. Jeia's eyes bulged in shock at the same time embarrassed, a little. Does he mean something? "Stop it, Fabro! Hinding-hindi 'yan mangyayari dahil meron na si Terri. I won't allow him to marry anyone who's not Terri." Tumaas ang kilay niya. I thought arranged marriage was obsolete? Thought wrong. Sabagay, milyonaryo nga naman sila kaya ayaw nilang makapag-asawa ang anak ng isang babaeng wala namang maitutulong pinansyal sa kanila. "You! Umuwi ka na, babae." Appalled by the woman's hostility, she just nodded curtly and turned around. Not even a f*cking thank you?! "'Kay." "Letia... She helped your son." Dinig niya ang mariing bigkas ng asawa. Mrs. Mijares snorted. "Fabro, my son is irresistible so any woman is willing to help... Pero hindi mo alam kung may ibang motibo ang babaeng 'yan. They are all the same, pera lng ang habol sa anak natin..." Hindi na niya narinig nag iba pa nitong sinabi but she's sure that it was all abasement. Naiinis siya dahil sa pangmamaliit nito sa mga tulad niyang hindi mayaman pero nagmagandang-loob na nga para tulungan ang anak nito pero wala man lang siyang natanggap kahit 'thank you' man lang! Hah! Hindi porke mayaman sila ay magugustuhan na niya ang anak nitong lassinggero! She swore to herself never to help a Mijares again. Kahit sila pa ang pinaka-mayaman, hindi siya luluhod sa Mijares na 'yon! Isasampal niya sa Mama nito na hindi siya maghahabol sa pera nila. They can baby their f*cking son for all she cares! Bad trip tuloy siya buong araw. Naalala lang ni Jeia ang pangyayaring 'yon ay mas lalo siyang naiinis sa lalaki. Kahit ipakasal nila ng lalaking 'yon sa kahit na sino, wala siyang pakialam! Insensitive assh*le! "Hi, Miss Jeia!" Nag-angat siya ng ulo sa pumasok. Oh? Ang bilis naman yata nila? Farah in her short pencil skirt entered her classroom. Ito yung babaeng iniwan niya kanina sa opisina ni Sage ah? Yung feeling close kahit practice teacher pa lang naman? "Yes?" Hindi siya tsini-tsismis na masungit na guro kung walang nakakatikim ng ugali niya. "Uh are you busy?" They both glanced at the empty chairs. Jeia raised a brow. "Why? You need something?" Nawala ang ngiti ni Farah. "I won't beat around the bush, Miss. May gusto ka ba kay Sage?" Sage? She's calling him Sage? Sa'n na yung formalities kanina? "Miss Farah..." Diniinan niya ang pangalan nito. "As you know, I have a very handsome son already and even if his father is not around, I'm not in the mood to fancy anyone." Namutla ang kausap sa malamig niyang tono. Jeia already dropped the emotions in her face a long time ago, intimidating the girl. "M-miss, I like Sage very much. Gusto ko lang m-makasigurado na wala akong kaagaw. You know, I'm possessive like that." WOW. The confidence- minus the nervous voice. Fool. "Do I look like I f*cking care, Miss?... And remember your place, Farah. Don't come firing at me with a damn trash and you can't even handle a backfire. Tsk tsk. Go marry him and vanish from my sight, you're giving me an eyesore." Sikmat niya na nagpatalon sa dalaga at dali-daling lumabas. How dare she? She massaged her forehead. Hindi lumilipas ang isang araw nang walang Sage Mijares na nagpapasakit ng ulo niya. "Mom? You okay? I heard your angry voice..." "Oh I'm fine son. Have you ate your snacks yet? May binili ako kaninang palabok, gusto mo?" Robi was confused, her face a while ago betrayed the smile in her face right now. He heard her arguing with someone so he didn't enter until a girl came out with her face pale. Her Mom takes everything seriously kaya hindi siya nagtataka kung namumutla ang babae kanina. It's different from what he heard though... If only his Dad was here. "Sabay po tayo, Mom. It's been a long time." Siniglahan niya ang boses at inayos ang lamesa ng Mama niya. He never questioned his Mom because he knew that mother knows best and bringing him to the world is enough to give her all the love and trust of a son to her mother. Thankfully, wala ng principal ang nakita niya sa sumunod na mga oras. "Roane, tapos ka na ba sa lesson plan mo para bukas?" Hinatid niya kanina ang anak sa classroom nito bago pinuntahan ang kaibigan niya sa kabilang dulo ng school. DSMS covers a voluminous compound with one two-story building for the elementary school. Malaki ito pero ang itaas ay mga guro lamang ang gumagamit. Hindi pinapayagan ang mga bata sa kadahilanang malaki ang posibilidad na mahulog sila sa hagdan. Medyo mababa ito pero malikot ang mga bata kaya hindi na ipinagamit ito. The President's office is built on the front side of their building. Nakaharap ito sa lahat ng departments at may second floor pa ito na mas mataas sa elementary kaya kitang-kita ang lalabas sa mga classrooms. Elementary and High school compounds are separated by a row of shrubs as a divider. Magkatabi lang ang mga ito pero mas malawak ang high school departments dahil mas marami ang buildings doon. "Yup. Nire-review ko na lang. Why? May sasabihin ka?" Kapag pinupuntahan kasi siya ng kaibigan ay alam na niyang may problema na naman ito. "None. I just wanna relax..." Sumalampak si Jeia sa sofa ng opisina nito. "Oh? It has nothing to do with someone we know then?" She kept silent. "Come on, J. Humor me. Is it Robi?" Dahan-dahang tumango si Jeia. "Damn. I'm getting good at this." Tumatawang sabi ni Roane. Siya lang kasi ang nakakaalam sa problema ng dalaga. "Sabi ko naman kasi sa'yo patulan mo na eh. Hindi ka naman tinatantanan kaya siguradong totoo yon." "Roane...hindi ka nakakatulong, tss." Pinakialaman niya ang flower vase sa harap at pinagdiskitahan. "Huy, masira mo 'yan. Bigay pa 'yan ni hon kahapon lang. Alam kong marami kang ganyan pero akin 'yan eh. You're not treasuring his flowers kaya nabubulok na, hmft." Hindi pa nga nag-iinit ang pwet ko sa upuan nang may kumatok na naman! Ano ba'ang meron ngayon at katok ng katok ang mga tao?! "Ano 'yon?" Si Roane. Sumungaw ang ulo ng isang babaeng naka-cap. Tigagal si Jeia. "You?!" "Ah hehehe hello po ulit, Ma'am Jeia, Ma'am Roane. Hehe ikaw po ang sadya ko Ma'am pero wala ka po sa classroom niyo kaya nagtanong po ako." Nagsimula nang mag-init ang ulo ni Jeia. Sumbrero pa lang nito, alam na niya ang sasabihin niya. "Oh Jeia daw. Delivery." Tinapunan niya ng malamig na tingin ang kaibigan niyang tumatawa na. "Ma'am sa'n ko po ba ilalagay ito-" "IBALIK MO 'YAN SA BUMILI AT UMALIS KA NA!" Dahil sanay na ang delivery girl kay Jeia, nag-iwas na lang ito ng tingin. "Hindi po pwede Ma'am eh. Bayad na po ito kaya hindi na pwedeng ibalik." "Eh di ikaw na mag-uwi niyan! Or you can throw it in the trash outside, tsk." "Hoy Jeia, grabe ka naman. Ikaw na nga bibigyan ng bulaklak eh aarte ka pa." "You gave that to her." Nanlaki ang babae sa doorway nang ituro niya si Roane na gano'n din ang ekspresyon. " P-po?" "Bingi ka ba?! Sabi ko bigay mo 'yan sa kanya." "What's happening here?" Isang malagom na boses ang narinig nila. "Oh ayan na pala ang bumili. Ayusin mo magpasalamat Jeia." Siko sa kanya ng kaibigan. "Eh Sir, ipinapatapon po kasi ni Ma'am ang bulaklak na bigay niyo." His face hardened. " What?!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD