Chapter 6 : Huli ka Kirsten

1170 Words
CHAPTER 6 KIRSTEN NAGISING akong masakit na masakit ang ulo ko. Dahil siguro ito sa alak na pinagsaluhan namin ni Noel. Mabilis akong tumingin sa lalaking nasa tabi ko, tulog pa rin ito. Halos inumaga na rin kaming dalawa. Nakatulog ito matapos nang may nangyari sa amin. Umusog ako sa kaniya at hiniga ko ang ulo ko sa balikat nito. "Goodmorning, Mahal," bati ko sa kaniya kahit na mahimbing pa rin ang tulog ng lalaking mahal ko. Natigilan ako nang maisip ko si Markus. Nawawala na ba talaga ako sa sarili ko? May kasama akong iba, samantalang nobyo ko si Markus. Muli kong tinuon ang tingin ko sa mukha ni Noel— sa puso ko wala pa ring nagbabago. Malakas pa rin ang atraksyon na binibigay nito sa akin. Tulad nga ng sabi ko, labis ang pangungulilang naramdaman ko rito. Pero paano naman si Markus? Iyon ang narinig kong tanong sa isip ko. Wala akong magagawa kung hindi ko man lang magawang kalimutan si Noel, sa haba ng panahon na paghihiwalay naming dalawa. Mahal ko ito at walang mali sa nararamdaman ko para sa kaniya. Nobyo ko lang si Markus. Wala akong kahit na ano'ng pananagutan dito kung sakali man tuluyang mahulog ulit ang loob namin ni Noel sa isa't isa. Hindi ko rin naman masisisi ito kung bakit, mas nauna kong minahal ang lalaking kasama ko ngayon, kaysa sa lalaking pinangakuan ko ng panghabambuhay na pag-ibig. Bigla ako nakaramdam ng guilt feelings. Paano na lang kung malaman ni Markus ang lahat ng 'to? Ano ang sasabihin ko sa kaniya? Mapapatawad ba ako nito. Mabilis akong umiling-iling. Hangga't maaari naniniwala akong hindi makakarating sa kaalaman ni Markus 'to— malaki ang tiwala sa akin ng boyfriend ko at panghahawakan ko 'yon. "Ang aga mo naman gumising, Baby," pukaw ni Noel sa tumatakbo kong isipan nang magising ito sa tabi ko. Komportable pa rin akong nakayapos sa hubad nitong dibdib. "Pinagmamasdan lang kita. Hindi na rin ako halos makatulog, Baby," sambit ko sa kaniya. "Gusto ba ng mahal ko ang breakfast in bed?" may panunudyong tanong sa akin ni Noel. Malaya nitong pinalakbay ang daliri nito sa gitna ng dibdib ko. Kapwa pa rin kami hubad sa ilalim ng kumot na nagsisilbing tabing naming dalawa. "Napagod ka yata kagabi," tugon ko sa kaniya. "Sino ang napagod ha!" Mabilis akong hiniga ni Noel nang patihaya, tinanggal nito ang kumot kaya kapwa na nalantad ang kahubaran namin. "Kumain kaya muna tayo," aniya ko rito. Pero sa halip na tumugon ito, mabilis na hinuli ni Noel ang nakaaawang kong labi. Pinagsaluhan namin sa isa't isa ang isang matamis na halik. Nandoon pa rin ang pananabik namin sa isa't isa. Nagsimula na rin lumakbay ang kamay ni Noel sa buong katawan ko. Natigil ito sa gitna ng aking dibdib. "Mahal.." "I want you, Kirsten. Gusto kita, everything about you gusto ko." "Mahal kita, Noel." "Pero may boyfriend ka," tugon sa akin ni Noel matapos kong sabihin sa kaniyang mahal ko siya. "Hindi naman problema si Markus. Wala siyang malalaman sa kung ano man ang mayroon tayong dalawa. Itatago ko 'to hangga't kaya ko, magtiwala ka sa akin." "Kaya 'yan ang gusto ko sa 'yo e. You're willing to do everything just for me," ani sa akin ni Noel. Muli nitong hinuli ang nakaawang kong labi sa kaniya't hinalikan ng mariin. Tama akong mahal ko ang lalaking 'to. Kung mangyari man ang panahong malaman ni Markus ang lahat ng tungkol sa amin, hindi ko hahayaang mawala ito sa akin. Kung kinakailangan mamili ako kay Noel at kay Markus, wala akong pipiliing iba kundi ang lalaking kasama ko ngayon ang mangingibabaw sa akin. Sigurado ako sa bagay na 'yon, dahil ang ligayang nararamdaman ko ngayon sa romansa man o sa aming pagsasama kay Noel ko lamang ito nararamdaman. °° MARKUS "KAMUSTA ANG HANGOVER MO?" bungad na tanong sa akin ni Ate Martha. Pinsan ko itong madalas nagawi sa bahay namin kung nasa ibang bansa ang mga magulang ko, tulad na lamang ngayon dahil kaaalis lang ni mommy at daddy papunta sa Bangkok. Ang sadya nila d'on ay para sa isang pangmalakihang conference tungkol sa negosyo nilang furnitures sa kalakhang Manila at ibang panig ng probinsiya. "Ang sabi sa akin ni manang uminom ka raw. Halos inumaga ka na nga raw." Sinundan niya ako nang tingin hanggang sa makaupo ako sa paharap sa kaniya sa breakfast round table namin dito sa bahagi ng Lanai sa bahay. "Babae ba?" untag nitong tanong sa akin. "Manangg..." malakas kong tawag kay manang sa loob ng bahay namin. Nakaramdam ako ng gutom nang makita ko ang agahan nitong pancake at isang mainit na kape na umuusok pa sa harap nito. "Si Kirsten ba?" tanong sa akin ni Ate Martha. Wala naman akong tinatago dito, halos lahat alam nito ang tungkol sa akin. Malapit kong pinsan si Ate Martha, nag-iisa itong anak kaya wala na akong choice, aniya sa isip ko. Pero mabait si Ate Martha, mapagkakatiwalaan sa lahat ng ganap ko sa aking buhay. Hindi rin lingid sa kaalaman niya ang relasyon naming dalawa ni Kirsten. Sinabi ko na ito noon pa sa kaniya, wala akong tinago rito— kilala rin ito ng nobya ko. "Trip ko lang," tugon ko sa kaniyang iniwas ko ang tingin ko. Ayaw kong sabihin dito ang tungkol sa nakita ko at sa kasama ni Kirsten. Walang dapat may makaalam n'on, gusto kong protektahan ito. "Sigurado ka?" "Sigurado ako!" "Hindi mo gawain ang maglasing ng walang dahilan, Xavier," ani nito sa akin. Bukod kay mommy isa si Ate Marha sa tumatawag sa aking Xavier. Kilala na rin siguro ako nito kaya hindi man lang magawang maniwala sa akin. "Ano'ng nangyari? Ano ang ginawa sa 'yo ng babaeng 'yon?" ani sa akin ng kaharap ko. Hindi naman lingid sa akin na ayaw nito kay Kirsten noon pa man, kahit na ilang beses na rin silang nagkakaharap na dalawa hindi iyon naging daan para maging malapit ang loob nila sa isa't isa. "Nothing, Ate.." "I don't believe you." "Maniwala ka sa akin! Wala kaming problema ni Tin at kahit na ano pa ang mangyari hindi kami magkakaroon ng problema tulad ng iniisip mo." "Sigurado ka? O, baka naman pinagtatakpan mo lang ang babae mo, Xavier." "Sigurado ako, Ate." Tiningnan ako nito ng mariin. Sinundan ko ng tingin ang kamay nitong dinampot ang cellphone niya sa ibabaw ng mesa paharap dito. "Then. How can you explain this..." Lihim akong napalunok nang makita ko ang tinutukoy nitong larawan sa sarili nitong selpon. Nagbalik ang tingin ko sa kaniyang puno ng pagtatanong kung bakit siya nagkaroon ng mga larawan ni Kirsten sa harap ng condominium unit nito sa Baltaw sa bahagi ng Cubao. "Hindi mo ako mapagsisinungalingan, Xavier. It happen na alam ko ang karakas ng babae mo!" anito pa sa akin. Muli kong tinuon ang tingin ko sa cellphone nito. Hindi ako pweding magkamali sa maliwanag na kuha sa kasama ni Kirsten sa larawang nasa harap ko. "Isa siyang ahas na nagbabalatkayo, na kapag nakahanap ng tyempo magbabalat na, Xavier.."

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD