Chapter 5 : Kasawian ni Markus

1037 Words
MARKUS NAKARAMI na ako sa iniinom ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang mga nakita ko. Hindi ko lubos maisip kung paano nagawa sa akin ni Kirsten ang lahat ng 'to. 'Kailan mo pa ako niloloko, Kirsten?' ang mapait kong tanong sa aking sarili. Kagabi lang magkasama kaming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng pandidiri— may nangyari sa amin ni Kirsten nagdaang gabi at hindi ko magawang hindi isipin na baka may nangyayari din sa kanilang dalawa ng lalaking 'yon. Napakuyom ang mga kamao ko. Paano nagawa ni Kirsten sa akin ang lahat ng 'to? Paano niya naatim na lokohin akong walang kamalay-malay? 'Kailan pa? Kailan pa, Kirsten?' paulit-ulit kong tanong. Tunay na masama ang loob ko sa mga nangyari. Nasa akin sana ang lahat ng karapatan para sugurin ito at basagin ang mukha ng lalaking kasama niya. Nandoon lang ang takot sa puso ko na baka tuluyang mawala sa akin ang babaeng mahal na mahal ko. Oo mahal ko si Kirsten at kahit na ano ang mangyari mananatili ang pagmamahal ko sa kaniya walang kahit na sino ang makakapagpabago n'on. Isa pang lagok ng alak ang ginawa ko. Wala akong plano tumigil sa pag-inom hanggang sa hindi ko maramdaman ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Kirsten is my first love at hindi ko matatanggap kung ito rin ang magiging una kong kabiguan. Sinumpa ko sa sarili ko noon pa man na wala akong kahit na sino pang mamahalin maliban sa kaniya. Napakuyom ang mga kamao ko sa naisip. Paano pala kung hindi na pareho ang nararamdaman namin ng babaeng nangako rin sa akin ng walang hanggang na pagmamahal? 'Nagkulang ba ako, Tin? Sumobra ba ako?" mga tanong na tanging ako na lang ang nakakarinig. Gusto ko man itanong ito sa babaeng mahal ko ngayon hindi ko magawa. Nandoon ang isipin na baka kasama nito ang lalaking 'yon. 'Sino siya sa buhay mo, Kirsten?" bagay na gusto kong malaman mula sa kaniya. Nagpahid ako ng luha gamit ang likod ng palad ng kamay ko . Masakit na masakit sa akin 'to! Pero hindi ko magagawang tanungin si Kirsten tungkol sa bagay na 'to. Hahayaan ko siya sa ngayon, hanggang ito na mismo ang umamin ng mga bagay sa pagkakamali niya. Hindi ko isasaalang-alang ang relasyon namin sa kung ano man ang nakita ng aking mga mata. Naniniwala akong walang ginawa na kung ano man si Kirsten na pweding ikasira ng relasyon naming dalawa. Ikakasal kami nito ay yon ang pareho naming pangarap sa isa't isa. Hindi ko babalewalain ang lahat ng 'yon. Sa ngayon iisipin ko na lamang na wala akong nakita. 'That's the best thing that I have to do! Hahayaan kita, Kirsten. Alam kong hindi mo magagawnag masira ang lahat ng pangako natin sa isa't isa. Babalik ka sa akin, Mahal. At 'yon ang mahalaga! Tatanggapin pa rin kita, na parang walang nangyari," daing ko pa sa aking sarili. °°°°° MARIE MADILIM na ang paligid. Malalim na rin ang gabi. Hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Nandito pa rin ako sa baba nag-iisa. Wala naman akong maraming iniisip sa ngayon, ang gusto ko lamang ay mapag-isa siguro. Tapos ko na rin ang binabasa kong nobela. Nakakalungkot ang ending at hindi man lang nagkatuluyan si Celine at Wade. Grabe naman kasi ang ginawang pagtataksil ng lalaki sa kwento. Masyadong mabait si Celine na asawa nito, ni hindi man lang silang nagawang ipakulong ni Megan kahit nasa kaniya na ang lahat ng karapatan. "Ako kaya, kapag ba ako nagkaroon ng asawa tulad ni Celine at lokohin ako. Mapapatawad ko pa rin ba siya?" tanong ko sa aking sarili. Bahagya akong nalungkot at sa kaliwang banda nandoon ang takot. Paano pala kapag nangyari sa akin 'yon? Masakit ang bagay na 'yon. Niloko si Celine na walang kalaban-laban kahit nasa kaniya naman na ang lahat. May mga lalaki talagang hindi makuntento at may mga babae naman na kahit may asawa na pumapatol pa rin. Pambihira, ika ko. Nagpasya na akong isara ang pinto ng bahay namin. Ayaw ko ng mag-isip ng mga bagay-bagay ngayon at baka mangyari din sa akin ang nangyari kay Celine. Iniiwasan ko 'yon. Dahil kung may magmamahal man sa akin, gusto ko yong katulad ng tatay ko— na kahit wala na ako mamahalin niya pa rin ako. Katulad na lamang ng nanay ko, matagal na itong wala sa amin ni tatay pero nandoon pa rin ang pagmamahal ng ama ko para dito. Napailing-iling ako. Siyempre, ayaw ko naman na mangyaring hindi ako magiging masaya pagkatapos ng lahat o ang asawa ko ang hindi magiging masaya kapag nawala ako ng maaga. Gusto ko pa rin kung sakali pareho man ang sitwasyon namin, maghanap pa rin siya ng mamahalin niya at magpapasaya sa kaniya. Hindi katulad ng tatay ko na sa haba ng panahon, nagmukmok siya. Hindi niya binigyan ng pagkakataon ang sarili niya maging masaya. Ayaw kong mangyari 'yon. Nagpasya na akong umakyat sa silid ko. Pasado alas-nuwebe na rin ng gabi at wala na rin naman akong gagawin dito sa labas. Mabuti na 'yong sa taas na lang ako at baka maisipan ko pa magbasa ng ilang kwento. Marami akong pocketbook na binili sa bayan ng umalis ako at halos lahat ng 'to panulat ni Bam Gregorio. Ang susunod kong babasahin ay Desire's Desire— tingin ko kasi malungkot din ang buhay ng babae sa kwento. Maaga siyang naulila sa buhay at naging karibal niya ang matalik niyang kaibigang si Clarissa sa fiance nitong si Henry. Masaklap din ang kapalarang 'yon. Mabuti na lang at wala akong matalik na kaibigan dito sa Isla, maliban na lang sa mga batang tinuturuan ko. Ayaw ko rin mangyari sa akin 'yon, na magiging karibal ko sa buhay pag-ibig ang matalik kong kaibigan. Posible kasing dalawang bagay ang mawala sa 'yo— pagkakaibigan at isang relasyon sa taong mahal mo. Kapag dumating man sa buhay ko ang pagkakataong magmamahal ako sa unang pagkakataon. Gusto ko pa rin yong pareho kaming malaya at walang kahit na sino ang magiging involve sa kung ano ang magiging relasyon naming dalawa. Ayaw ko 'yong naagawan, nang-agaw at higit sa lahat ayaw ko yong aagawin ko sa ibang tao. Hindi lang ako magiging masaya. Iyan ang paniniwala ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD