HALIK NI HUDAS

1046 Words
MARIE UMUWI na ako sa bahay namin. Bumungad agad sa akin ang katahimikan. Sabi ko na nga ba nasa taas na si Papa, agaw pansin din kasi ang malinis ng mesa at nakahanda ng plato ko. Hindi talaga ako kailanman nakakalimutan ng tatay ko— he always make sure na makakain ako ng maayos kapag nauna siya. Kaya kahit na ano'ng mangyari hindi ko magawang iwan ang ama ko, kahit pa may maraming opurtunidad ang dumating sa akin sa labas ng Isla na 'to. Hindi ko kaya iwan si Papa—siya na lang ang mayroon ako at hindi ko makakaya kung may mangyaring masama sa kaniya. Pinilig-pilig ko ang ulo ko nang may bahagya akong taong naalala. Hindi ko na siya dapat naiisip pa, matagal na siya wala sa huwesyo ko at ayaw ko na siyang maalala. Malulungkot lang ako at isa 'yon sa ayaw kong maramdaman. Nakaka-bad vibes lang, sambit ko. Tumuloy na lang muna ako sa munting sala namin. Mamaya na lang ako kakain, ani ko. Maaga pa naman— tatapusin ko na lamang muna ang binabasa ko at nandoon na ako sa nagpapatawag ng presscon si Megan para ibalita sa lahat na tumitigil na siya sa pagiging artista. 'Kakaibang kabit talaga 'to,' Pasalampak akong umupo sa sofa. Sanay na rin ako sa ganito, minsan nakakalungkot mag-isa at tanging libro ko lang ang mga kasama ko. Pero gusto ko rin intindihin si papa, ayaw ko rin siyang abalahin kapag gusto niyang mapag-isa. Sa taas walang kasamang iba ang papa ko kundi ang ala-ala ni mama. 'Hay naku! Ayaw ko na nga mag-isip,' saway ko sa aking sarili. Binuklat ko na muli ang librong hawak ng kamay ko. Magbabasa na lang ako, aniya. Bawas stress din 'to, kahit na ang totoo nakaka-stress din ang mga tauhan sa kwento. • XAVIER MULI akong kumubli sa ilang taong naglalakad. Gusto ko man sugurin ng suntok ang kasama ng babaeng malinaw pa sa sinag ng araw na si Kirsten nga ito. Hindi ko magawa, pinigilan ko ang sarili ko. Wala ako sa tamang lugar na pwedi kong gawin ang bagay na 'yon. Naguguluhan pa rin ako kung bakit nagawa sa akin ni Kirsten ang bagay na 'to. Sigurado akong maayos ko siyang hinatid sa condo niya, pagtataka pa nga ang naramdaman ko at hindi man lang ako nagawang imbitahan nito pumanhik sa taas. Iba na rin ang suot ng babae; naka-black-fitted jeans na 'to ngayon at blouse na ngayon ko lang nakitang suot niya. Kung tama ang tumatakbo sa isip ko. Bakit nagawa sa akin ni Kirsten ang lahat ng bagay na 'to? Bakit niya ako kinailangan lokohin ng ganito? Ngayon lang ba 'to? Napansin ko ang kamay nilang magkahawak-kamay pa rin sa isa't isa. Bagay na hindi na namin nagagawa ni Kirsten sa pampublikong lugar. Kuyom ang kamao kung sinusundan sila ng tingin. Napako ang mga ito sa isang bilihan ng snack malapit sa entrance ng sinehan. Nagtaas ako ng tingin para tingnan kung ano ang balak panuurin ng dalawang 'to. 'MATCH MAID IN HEAVEN.' Wala akong kilala, hindi ako pamilyar sa kahit sinong artista. "Bakit mo nagawa mo sa akin 'to, Kirsten?" aniya ko sa aking sarili. Hindi muna ako sumunod sa mga ito. Kitang-kita ko ang pagpasok ng mga ito sa loob. Inalalayan pa si Kirsten ng lalaking kasama nito. Buo ang loob kong pumasok din, gusto ko talaga alam kung ano ang nangyayari. Kung tama ba ang kutob kong niloloko ako ng nobya ko, kahit na kitang-kita ko mismo ang pagyakap, pag-akbay ang magkahawak kamay ng mga 'to sa isa't isa. 'Hindi ako makapaniwala, Kirsten!' ani ko. Tuluyan ko nang hindi napigilan ang galit na nararamdaman ko ngayon. I have to know the truth. Hindi ko hahayaan matapos ang araw na 'tong wala akong malalaman. Bumili rin ako ng ticket kung anong pelikula ang pinanuod ng mga 'to. Tiwala ako sa sarili kong mas may malalaman pa ako sa loob ng madilim na bahagi ng lugar na 'yon. • KIRSTEN NANDITO na kami ngayon ni Noel sa loob ng sinehan. Inaya ako nitong hindi ko magawang tanggihan, pagkatapos akong ihatid ni Xavier sa condo. Sinadya ko talagang hindi magpahatid sa Laguna, bukod sa wala akong balak umuwi may iba akong sadya rito sa Manila. Na-miss ko rin si Noel, halos kakababa lang nito mula sa trabaho. Isang seaman ang lalaking kasama ko ngayon. Matagal ko na itong kilala mula noong nag-aaral pa lamang ako sa Cebu; nakapalagayan ko na siya ng loob noon pa man. Iyon nga lang mas inuna nito ang pagbabarko, dahil sa pangarap nito sa pamilya niya. Panganay si Noel at siya na lamang ang inaasahan sa lahat. Natutuwa rin ako at unti-unti nitong naabot ang pangarap. Heto nga! Ako ang unang tinawagan nito nang dumating ito ilang araw pa lang ang nakalipas. "Here, Mahal," akay nito sa akin. Magkadaup-palad pa rin kaming dalawa. Hindi ko mawari kung bakit may saya at pananabik akong nararamdaman sa puso ko dahil kay Noel. Hindi pa rin pala nawala kailanman kung ano man ang mayroon ako rito noon pa man. Mahalaga pa rin pala ito sa akin at wala man lang nagbago. Umupo kaming dalawa sa likod na bahagi—hindi pa nagsisimula ang pelikula, mga commercial pa lamang ang nakikita sa malaking screen. Binawi ni Noel ang kamay niya mula sa akin at inakbay ito sa balikat ko. Sinandal niya ang kamay ulo ko sa balikat niya, muli nitong binaba ang kamay nito sa binti ko. "N-Noel.. What are you doin?" aniya ko. Hindi nakaligtas sa pandama ko ang pagtaas at pagbaba niya sa gitnang bahagi ng binti ko. Bagamat makapal ang jeans kong suot, alam ko ang binabalak nitong gawin. "I miss you, Tin. Hindi mo lang alam, pero sa lahat ng araw na mayroon ako sa barko.. Ikaw lang iniisip ko, wala ng iba pa," bulong nito sa akin. Napaigtad ako nang maramdaman ang daliri ni Noel. Hindi ito nakapasok sa suot kong pantalon pero sapat kong nararamdaman kung saan ito naroon. "N-Noel.. Huwag dito! Maraming tao," sambit ko sa kaniya nang magtaas ako ng tingin. Tinaas ni Noel ang kamay niya't magaan na hinawakan ang ulo ko at ang isang mapusok na halik ang pinasaluhan namin ni Noel. HINDI wari ang isang pares ng matang nakatingin sa aming dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD