CHARLES CHOLO
--- BREAK—
“Oh s**t!" bulalas ko nang tinapakan ko ang break. s**t! Anong nakain ng babaing yon at bigla na lang tumawid?!
Nang makababa ako ng sasakyan, nakita ko ang babae na nakaupo sa tabi ng gulong ng Lexus.Nakayuko siya, umiiyak habang sapo ang binti.
“Papatayin mo ba ako?!"sigaw niya saakin habang tumutulo ang luha sa kanyang mga pisngi.
Iniluhod ko ang isa kong tuhod sa simento para maharap siya ng malapitan. "Miss, ikaw 'tong tumawid nalang bigla sa kalsada."
Hindi niya ako kinibo.Kinagat lang niya ang kanyang pang ibabang labi, marahil sa sakit ng sugat niya na ngayo'y dumudugo na.
Tumayo ako para tulungan siyang makatayo.
“Aray! Aray!....”
“Masakit ba?”
Tumango naman siya. "Dahan dahan lang."
Hinawakan ko ang kanyang braso at isinukbit sa aking balikat. Dahan dahan ko siyang inalalayan patayo. "Okay kana?”
Hindi niya ako sinagot. Nag-umpisa siyang maglakad, pa ika-ika. Maliban doon sa sugat na dumudugo, hindi ko alam kung may iba pa ba siyang sugat sa tuhod at binti, pero sa lakad niya'y halatang may masakit pa sa kaniya.
"Miss ihahatid nalang kita.Saan kaba uuwi?" tanong ko matapos siyang sundan. "Miss."
“Umalis ka na!"
Napahakbang ako paatras. "Miss--- a--- I'm sorry, hindi ko sinasadya," pag-aako ko sa kasalanan niya. Siya naman talaga ang tumawid nalang bigla. "Miss I’m sorry.Hindi ko naman sinasadya. May sugat kang dumudugo, oh."
“OO MASAKIT! ANG SAKIT SAKIT!" sabi niya habang hinahaplos ang kanyang dibdib.
"Miss obviously you’re not fine."
Napaiktad siya sa gulat nang bigla ko siyang binuhat.
YVE UMBRIE
"Ibaba mo'ko! Ibaba mo'ko!" pagpupumalag ko sa lalaking nakabundol sa'kin. Gagi ba siya? Bigla nalang akong binuhat! Tatawid pa ako sa daan para habulin si Erick!
"Ipagagamot natin 'yang sugat mo," sabi niya nang maipuwesto ako sa passenger seat ng sasakyan.
"Hindi ito ang tamang panahon para pumunta ako ng ospital! Ano ba, ibaba mo'ko dito!" Pilit kong binubuksan ang pintuan pero ayaw niyon magbukas. Pumuwesto na siya sa driver seat, pagkua'y pinausad ang sasakyan. "Gagi ka ba?! May hinahabol ako! Kapag hindi ko siya nahabol ngayon, kailan ko pa siya makikita?!"
"Sigurado kang makakatakbo ka sa lagay na'yan?! Habulin mo nalang siya next time."
"Arghhh!!" I groaned. "Gagi ka nga, hindi mo alam ang sinasabi mo." Nagbaba ako ng tingin habang hinimas himas ang aking basang pisngi.
Alam kong si Erick ang nakita ko kanina. Siya yun, hindi ako puweding magkamali. Kabisadong kabisado ko ang bulto niya. Pero bakit sya nandito?Diba dapat nasa ibang bansa sya at nag tatrabaho? Bakit hindi niya pinaalam na umuwi na pala siya?
Kailan pa siya dumating? Naghintay ako! Araw, buwan, taon! Kahit hindi niya ako kinukontak, naghihintay parin ako hanggang ngayon.
Nagiging mabigat ang aking dibdib pati narin ang aking paghinga.Hinahabol ko ang hangin na nawawala saakin. Nakakuyom ang aking kamay habang pinuproseso pa ng utak ko kung bakit nandidito ni Erick.
Bakit ganito? Galit! May halong galit akong nararamdaman. Diba dapat masaya ako? Nandidito na siya! Ang lalaking matagal kong hinintay!
"Nakatayo ka pa naman kanina, pero kung maka iyak ka para kang nabalian ng buto dyan," rinig ko mula sa lalaking nakabundol sa'kin.
Nilingon ko siya at binigyan ng matalim na tingin. "Pwedi ba itikom mo'yang bibig mo?" Umirap ako bago ituon muli ang aking tingin sa labas ng bintana.
Nang makarating kami sa tapat ng emergency, pinagbuksan niya ako ng pinto. Kahit lumapit na ang mga nurses ay binuhat parin niya ako.
Iminuwestra ng isang nurse kung saan ako pauupuin, do'n din naman niya ako ibinaba at inalalayang makaupo ng maayos.
"Ouch," bulong ko sakit.
Biglang lumitaw ang asul na panyo sa aking harapan. Nag-angat ako ng tingin, its him, the nakabundol man.
"Para kang bata, punasan mo'yang pisngi mo."
Hindi ko siya sinagot, kinuha ko lang ang panyo na alok niya at pinunasan ang mukha ko.
Napakagat labi ako nang iturok ng doctor ang anesthisia. May sugat ako sa binti na kailangan tahiin, maliban doon may bruises din ako sa tuhod na iniinda ko ang kirot. Gagi, di'ko naman naramdaman 'to kanina, pero ngayon parang kumuryente ang sakit sa buong katawan ko.
Nakalipas ang ilang minuto, namanhid na'yung sugat. Nanatili sa tabi ko yung lalaking nakabundol sakin, pinapanuod niya ang doctor habang tinatahi ang sugat ko.
"After seven days bumalik ka dito, tatanggalin ng nurse itong tahi sa binti mo," sabi ng doctor matapos lagyang ng plaster yung sugat.
"Okay, doc," sagot ko sabay tango.
"Thank you doc," sabi naman ni nakabundol man.
Nang maiwan kaming dalawa, umupo siya sa harapan ko pagkatapos ay naglahad ng kamay.
"Cholo, so that we're not total strangers. It's hard to talk when you don't know the person you're with."
Tinitigan ko ng ilang sigundo ang alok niyang pagkikipagkamay "Yumi."
"Masakit pa ba?"
Tinanguan ko lang siya. "Gusto ko na umuwi." tipid kong pakikipag-usap.
"Okay, I'll settle the bill first then iuuwi na kita, babalik ako agad."
Gaya ng sinabi niya, binalikan niya ako agad matapos niyang bayaran ang bill.
"Masakit pa ba?" tanong niya nang makalapit saakin.
I nod. "Yung bruises ko sa tuhod makirot, yung tahi manhid pa sa anesthisia kaya hindi ko maramdaman. Tatalab na'yung gamot mamaya, mawawala rin 'to. Tara na, gusto ko na umuwi."
Napakagat labi ako nang makatayo. Mahapdi, makirot at masakit ang tuhod ko.Sa unang tatlong hakbang kinaya ko pa naman.
"You okay, Yumi?" tanong ni Cholo nang huminto ako.
"Mahapdi,masakit." mahinang boses kong sagot habang nakatuon ang tingin ko sa aking binti.
Lumapit siya saakin, kapagkuwan ay hinawakan ako sa braso mula sa likod. "Dahan, dahan," sabi niya na nakatuon din ang tingin saaking paa.
Matiim ko siyang tinitigan habang ang tingin naman niya ay nasa aking paanan. Gagi, ano to?! bigla nalang sumikdo yung dibdib ko.
Dahil hindi ako gumalaw, nag-angat siya ng tingin dahilan para magtagpo ang ang mga mata namin.
"You okay?" lumalim ng gatla sa noo niya.
Napakurap kurap ako sabay tango. "O....oo" sagot ko saka umiwas ng tingin.
"Now start walking, dahan dahan lang."
Pinagsikapan kong lumakad hanggang sa makarating kami sa sasakyan, tiniis ko nalang ang hapdi ng tuhod ko para makauwi na ako.
"Saan kita ihahatid?" tanong niya habang pinapausad ang sasakyan.
"Sa Mc---" naputol ako sa pagsasalita nang nag ring ang cellphone ko. Si sam, tumatawag.
"Hello girl?"
“Girl, good news! May isa pa akong kaibigan na makatutulong satin sa pageant na sasalihan mo! Legit na expert to sa mga pageants!"
Nabutas yata ang bobong ng boardinghouse ni Sam sa taas ng energy niya. Bakas sa kanyang boses ang excitement para sa gagawin naming paghahanda kasama ang bagong kaibigan na tinutukoy niya. Huminga ako ng malalim bago sumagot.
"Girl,hindi na ako matutuloy sa pageant." malungkot kong sagot. Napansin kong napalingon saglit saakin si Cholo, marahil dahil sa kanyang narinig. Hindi man siya umimik pero ramdam kong nakikinig siya.
"Ha?! Aatras ka na? Girl, sayang naman."
"Girl, nabundol ako kanina ng sasakyan, may tahi ako sa binti at bruises sa tuhod.Hindi naman ako puweding rumampa ng ganito."
“ANO?! Asan ka ngayon?!” taranta niyang sagot.
“Girl, puwedi bang diyan muna ako sa space mo ngayon? Hindi ako makagalaw ng maayos mag-isa, diyan nalang din tayo mag-usap, marami akong sasabihin."
“Okay, pero teka asan kana? Susunduin ba kita?”
“Parating na'ko, hintayin mo nalang ako sa labas ng gate."
“Okay sigi,maghihintay na ako sa labas”
“Okay bye."
"So, saan ba'yang bahay ni Girl?" tanong ni Cholo nang maibaba ko ang phone. Obviously nakikinig nga siya kanina.
"Sa Rizal Street, doon mo'ko ihatid sa gilid ng dental clinic."
"I'm sorry to hear na hindi ka makakasali ng pageant dahil dito."
"Legit kang chismoso. Wala na 'kong magagawa, nabundol mo na 'ko."
Bahagya siyang tumawa. "Sino ba kasi ang hinahabol mo kanina?"
"Yung aso kong matagal ko na hinahanap, nakita ko kanina pero dahil nabundol mo'ko kaya hindi ko na nahabol." Tumango tango naman siya, paniwalang paniwala sa sinabi ko.
Ipinarada ni Cholo ang sasakyan sa tapat mismo ng gate kung saan nakatayo si Sam. Napukol naman ang tingin ni Sam sa sasakyan nang hindi nalalaman na nasa loob pala ako.
"Bakit hindi ko mabuksan?" tanong ko kay Cholo nang tangkain kong buksan ang pintuan. Imbis na sumagot ay bumaba siya ng sasakyang saka umikot.
"I'll help you," sabi niya saka alok sa kanyang kamay.
Hindi na ako nag inarte, humawak ako sa palad niya at dahan-dahang bumaba ng sasakyan. Nang tuluyan na akong makaapak sa simento ay nilingon ko si Sam na nakatangang pinapanood kami.
"Girl, please tulungan mo'ko."
Napakurap kurap si Sam bago ako nilapitan. Kumapit naman ako kaagad sa kanya. Nang makatayo kami sa tapat ng gate ay inabot ni Cholo saakin ang maliit na supot na may lamang gamot na inireseta ng doctor.
"Huwag mong kalimutan inumin ang mga gamot mo," paalala niya.
Aabutin ko na sana ng supot nang hinablot iyon ni Sam. "So, ganun-ganun nalang yon?" pagtataray ni Sam.
Anong nakain at bigla nalang nag-iba ang timpla ng babaing 'to? Dati naman para siyang yelong natutunaw kapag nasa harap ng guwapong lalaki.
"May sasalihan nanaman sana kaming pageant nitong alaga ko, pero dahil sa ginawa mo ay hindi na'yun matutuloy. Perwisyo pa ang dala nitong sugat niyang kailan pa kaya gagaling!"
Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa braso ni Sam para senyasan siyang tumahimik na, hindi pa niya alam ang totoong nangyari. "Girl," bulong ko mula sa likod niya.
"Maliban sa kaibigan ko siya, manager din niya ako. Hindi ako papayag na hindi mo bayaran ng danyos itong nagawa mo," dagdag ni Sam.
Napayuko ako at napakagat labi. Ano ba ang plano nitong babaing 'to?! Sinilip ko si Cholo mula sa likod ni Sam. Nagtama ang aming mga mata, nagtago ako agad sa likod ni Sam at yumuko.
"Uh.... uhmm.. Sige.. ganito nalang. Magbabayad ako, pero sana huwag na tayong humantong sa pulis. Kanina pa ako nagmamadali, late na late na'ko sa lakad ko."
"Sure, usapang kalye nalang, trentamil."
Nanlaki ang mga mata ko sa presyo ni Sam. Sisilipin ko sana si Cholo pero hindi ko na ginawa dahil sa hiya. Hindi ko kaagad narinig ang boses ni Cholo, ramdam kong nagulat din siya sa sinabi ni Sam.
"Thirty thousand ang grandprice ng sasalihan naming pageant. Confident naman ako mananalo ang alaga ko kaya kailangan mong bayaran 'yon." diretsahang pahayag ni Sam.
"O---okay, wait." Pumasok si Cholo sa sasakyan niya na bumalik naman kaagad. "Pasensya na, fifteen thousand lang yung cash ko dito, naibayad ko na sa hospital yung ibang cash ko kanina."
Kinuha ni Sam ang perang iniabot ni Cholo sa kanya, kapagkuwan ay nagpatango tango habang binibilang ang pera. "Sige, okay narin 'to."
"I need to go, kanina pa ako late sa lakad ko."
"AAAAAHHHHHHHH!!!!"
Napaiktad ako sa tili ni Sam nang makapasok kami sa loob ng silid niya. Nag dive pa siya sa kama at nagpagulong gulong habang hawak ang pera.
"Gagi ka Girl, aatakin ako sa'yo!" Sapo ko ang aking dibdib habang pinapanood siyang tumayo at tumalon talon sa kutson..
"Ang gwapooooo!!!!"
"Ni?" tanong ko saka umupo sa sofa. Ipinatong ko ang aking binti na may sugat sa maliit na lamesa.
" 'Ba naman 'to! Yung lalaki kanina sa labas, yung bumundol sa'yo! Ahhhhh!!!! Ang guwapo!!!"
"Hayyyy...naku," sabi ko sabay himas saaking noo. Hindi na bago saakin ang mga pagwawala ni sam na ganyan, nasanay na ako.
"Alam mo girl, worth it 'yang tahi at bruises mo. Na--"
Nahinto siya sa pagsasalita dahil binato ko siya ng unan. "Kahit kailan talaga basta lalaki pinagpapalit mo ang pagkakaibigan natin!"
Humagalpak siya sa tawa. "Ipagpapalit talaga kita! Heller! Hindi ako pumapatol sa kapwa ko babae no!" Lumapit siya saakin saka inabot ang pera na nakuha niya sa pangigipit kay Cholo kanina. "Here, problem solve! May pera ka na, may sugat ka pa!"
Kinuha ko ang fifteen thousand. "Grabi ka, nanggipit ka kanina " Puro isanglibo ang mga 'yon, lahat amoy at mukhang bago.
"Correction, hindi panggigipit yon, dapat ka naman talaga niya bayaran dahil sa damage na nagawa niya sa'yo. Nasobrahan nga lang ako sa presyo," bungisngis niya.
"Nagka pera nga ako, kumikirot naman yung mga sugat ko. Disgracia na may kasamang gracia." Iniabot ko kay Sam ang tatlong libo. "Girl, yung hiram ko, salamat ha."
Imbis na tanggapin ay tinabihan niya ako sa sofa at ini-on ang TV. "Sa sweldo mo na ako bayaran, unahin mo muna ang mga kapatid mo."
Binuksan ko ang aking mga braso saka niyakap ng mahigpit si Sam. "Thank you Girl, hulog ka---"
"Ahh! Ahh! Lumayo ka sa'kin, Yumi! Wag mong ma dikit dikit sa'kin 'yang dibdib mo!"
Tawag tawa ako sa reaksyon niya. Kung maka react feeling niya gagahasain ko siya. "Oo na, basta thank you girl..."
"Ano ba ang nangyari at nabundol ka?" Tanong niya matapos nakaupo ng maayos.
"Inaamin ko, tumawid ako."
Nilingon niya ako at pinandilatan ng mata. "Nanggipit pa ta'yo ikaw pala tong tanga?!"
"Girl, I saw Erick!!" Bumalik yung kirot sa puso ko nang maalala ang bulto ni Erik na nakita ko kanina.
"E diba nasa ibang bansa yun at nagtatrabaho?"
"Yun nanga, nakita ko siya, nandidito siya! Hahabulin ko sana siya kanina pero nabundol ako."
"Thanks to Erick nagka pera ka, tapos nakaharap ko si guwapo."
"Sam!!"
"Joke lang! Baka guni-guni mo lang yun dahil na mi-miss mo sya!"
"Na mi-miss ko naman siya lagi, pero iba ang nakita ko girl, siya talaga yun!"
"Pa'no natin malalaman, eh diba nga hindi ka na kinukontak mag-iisang taon na."
Tumulo ang luha ko sa lungkot. "Girl, hinihintay ko parin kasi siya 'gang ngayon."
"Alam ko, paulit-ulit mo 'yang sinasabi. Alam ko rin na ginawa ka niyang planeta, dahil sabi niya ikaw ang mundo niya na hanggang ngayon pinanghahawakan mo pa kahit nagmumukha kanang tanga."
Nasanay na ako na ganyan, walang gana si Sam kapag si Erick ang pinag-uusapan namin. Isang taon na kasi niya akong pinapakinggan sa long distance relationship namin, or should I say no communication relationship namin.
"Pero kanina girl, iba yung naramdaman ko nang makita siya.Naramdaman ko naman yung saya pero mas nangibabaw yung gulat, lungkot at galit. Bakit ganun? Nandidito na pala siya pero hindi niya pinaalam saakin. Kailan pa siya rito?"
"Ay yun lang, pareho nating hindi alam. Girl, noon ko pa sinasabi sa'yo, masama talaga ng kutob ko diyan kay Erick. May mali sa kanya, pero may mali karin naman. Paasa siya ng taon, ikaw naman, umasa ka 'gang ngayon."
Nagpatuloy ako sa pag-iyak. Nanonood man ako ng TV pero hindi doon nakatuon ang isipan ko. Di nagtagal, naawa narin si Sam saakin kaya niyakap niya ako.
"Girl, uulitin ko na naman 'to ha. Dapat noon paman hinanda mo na ang sarili mong masaktan," sabi niya habang hinahagod ako sa likod.
"Girl, mahal ko yun tao.." sagot ko habang humihikbi.
"Girl, hindi ko naman sinabing wag mong mahalin, pero gamitin mo din naman ang utak mo. Sinasampal ka na ng katotohanan. Kung girlfriend pa ang turing niya sa'yo bakit nagawa niyang hindi ka kontakin ng isang taon? Tapos ngayon malalaman mo nalang na umuwi na pala siya. Girl, yung ibang babae nga diyan di lang ma replyan ng isang oras ng boyfriend nila gusto ng magkipag hiwalay, tapos ikaw isang taon mahal mo pa? Gosh! Legit kang tanga."
"Gagi ka talaga, ang harsh mo sa'kin."
"Ay, mas gagi ka. Hay! kung di lang kita kaibigan hindi ako magpapakatotoo sa'yo. Pasalamat ka tinutulungan ko ang tadhana na sampalin ka ng katotohanan."
"Girl, I deserve an explaination. I deserve an acceptable reason!"
"Tigilan mo'yang pag e-english english mo. Kung ako sa'yo mag move on kana agad."
"Sige....mag mo-move on ako agad."
"Yan! Yarn ang gusto ko!"