1. ERICK?!

1692 Words
VYE UMBRIE Habol ko ang bawat sigundo ng orasan ngayong umaga. Gusto kong makalabas ng boarding house bago paman bumaba ang landlady kong parang machine gun ang bunganga. Kahit na ganun, kasalanan ko rin naman, hindi pa kasi ako nakakabayad. Technique ko ay takasan muna siya tuwing umaga hanggang sa makahanap ako ng pera ipambabayad sa kanya. Matapos maibotones ang aking uniform, dinampot ko na lamesa ang aking bag at cellphone. "Yumiiiii!!!!!" Ayan na, ang boses ni Madam Berta! Ang aking landlady na pandak at nanunuot sa kalusugan ang katawan. Alam kong pababa palang siya ng hagdanan kaya lumabas ako agad ng pintuan saka kumaripas ng takbo bitbit ang stelleto kong binili ko pa sa ukay-ukay. "Yumiiiii!!!" Sigaw niya habang nag-ta-tayngang kawali naman ako. Nang malapit na ako sa gate ibinagsak ko sa lupa ang stelleto saka isinuot iyon. Nang tuluyan na akong makasakay ng tricycle ay sapo ko ang aking dibdib habang habol ang aking hininga. Kaya ko pa ba?! Ilang linggo ko na ba ginagawa 'to? Linggo nga ba? Buwan na yata. “Grabi, ang tindi nun ah," sambit ko habang dinadama ang tambol ng aking dibdib. ----- OFFICE ------- “Girl, saan ka galing? Para kang nakipag sabong sa itsura mo!” lumalaking matang reaksyon ni Sam nang makita ako. Inilapag ko ang aking bag sa mesa at naupo sa aking upuan. "Hinabol ako ng biik girl” sagot ko basay suklay sa aking nakabuhol-buhol na buhok. “Ha? Ano bang nangyari?” usisa niya.Nagsasalubong ang mga kilay ni Sam habang pinapanood akong nag-aayos ng sarili. “Yung land lady ko, maniningil, tinakasan ko na naman." Humalukipkip si Sam. "Hay nako, sabi ko naman kasi sayo sumali kana sa paluwagan na sinasalihan ko nang makaluwag-luwag ka” hikayat niya. Nakasandal pa siya sa table ko na nag-ala financial adviser. "Neke, eyew ke semele dyen. Eng elem ke sceng yeng genyen." Nag-aaply kasi ako ng lipstick kaya lahat ay E ang tunog ng aking mga sinasabi. "Hala oh, hindi panga na try scam agad?" pagtututol ni Sam sa sinabi ko. "Magkano ba kasi ang pay-in dyan?" kasalukuyan akong nag-aayos ng buhok habang pinagpapaliwanag siya tungkol sa paluwagan na sinalihan niya. "Depende sayo, may two K , three K or five K. Nasa sa'yo na kung tataasan mo pa.The bigger the pay-in the bigger the money you'll get." "Naku, Five hundred nga hirap ako isang libo pa kaya?" Humaba ang nguso ni Sam. "Ikaw, bahala ka." "Try ko yan sa susunod.Pero teka, girl pautangin mo naman ako oh," pakiusap ko na may pa beautiful eyes pa sa kanya. Hindi na bago ang linyang kong ito kay Sam. Siya kasi ang aking dakilang transgender na bestfriend na madali kong nalalapitan. Inirapan ako ni Sam."Wag kang magpapa cute saakin, nakakadiring tingnan. Kahit maganda ka, hinding hindi kita papatulan. Ew!" Inirapan pa niya akong muli. "Basta girl sa sweldo ha." Ngumisi ako."Oo automatic yan." "Magkano ba?" "Three thousand." "Okay, samahan mo'ko mamaya, mag wi-withraw ako just for you." "Thank you girl!" akma ko siyang yayakapin nang mag stop sign ang kaliwang kamay niya. Muntikan ko ng makalimutan sa saya, allergy nga pala siya sa yakap ng babae, kahit pa sa'kin na bestfriend niya. "Sorry," sabi ko sabay ngisi. Apat na taon na kaming magkaibigan ni Sam, nagkakilala lang din kami dahil dito sa kumpanya na pinagtatrabahuan namin, ang Premier Deco Company na pinaka malaking funiture retail company dito sa Pilipinas. Medyo matagal-tagal narin ako sa kumpanya kaya tumaas narin sa minimum wage ang sahod ko, which makes me happy. Mataas taas man ang sahod ko, wala parin akong ipon. Kung ku-kwentahin, malaki ang halaga ng mga utang ko kumpara sa suweldo ko, which makes me sad. Nang nagtapos ako ng kolehiyo ay naging bread winner na ako ng pamilya. May dalawang kapatid akong pinapa-aral sa kolehiyo, may tatay naman akong may sakit sa puso, tapos yung nanay ko naman ay hindi ko na pinagtrabaho para may mag-aalaga kay tatay. Mahirap. Sobrang hirap, pero laban! Hanggang humiginga pa'ko, kakayod ako para sa pamilya ko.Of course para sa mga utang ko narin. Kinahapunan matapos mag withraw ni Sam para ipautang sa'kin ay dumiretso na kami ng rotary kung saan nagkukumpulan ang mga nagbebenta ng streetfoods.Madalas namin 'tong ginagawa lalo na kapag hindi kami nag snack bandang alas tres ng hapon. "Girl, diba sabi mo sakin na kailangan mong padalhan ng pera ang kapatid mo nextweek?" tanong niya habang ngumunguya ng kwek-kwek. "Oo, namu-mublema nga ako dahil ang tagal pa ng sahod natin. Itong inutang ko sa'yo ipa-partial ko muna 'to kay Madam Berta nang hindi na niya ako balik-balikan. Tingin ko ano mang oras handa na siyang palayasin ako sa boarding house.Naubusan na'rin ako ng alibi." "May raket ako para may pampadala ka," may ningning sa mata na saad niya. "Wala akong pang pay-in sa paluwagan nuh," sabi ko habang pinapahid ang souce ng fishball sa gilid ng labi ko. "Hindi.... hindi. Ibang paraan girl." "Eh, Ano?" "Kita mo yan?" sabi niya sabay turo sa malaking tarpaulin na naka display sa labas ng convinience store. Nahinto ako sa pagkain ng fishball nang mabasa ang nasa tarpaulin. "Miss Sheen 2023? Beauty pageant ng isang brand ng beauty products?" kunot noo kong sabi. "Oo! Oh isipin mo pag nanalo ka dyan, Pak! Instant trentamil! ‘san kapa! At take note may consolation price na five thousand 'yan. Okay nayun nuh,basta meron." Kung gaano ka taas ang energy ni Sam, gan'on naman ka bagsak ang balikat ko. "Girl, wala akong alam dyan. Hindi ako pang pageant." Sinapak niya ako sa braso kaya naman nahulog mula sa stick ang isang bilog ng fishball. "Girl, bulag kaba? Maganda ka, matangkad, kutis porselana, higit sa lahat matalino, may puwet, manipis yung baywang at malaki ang dibdib! Na bu-bwesit nga ako't nasalo mong lahat hinayupak ka!" "Talaga?" tanong ko habang nakangiti pero irap ang isinagot sa akin ni Sam. "Hindi... tanga ka! Syempre Oo! Ano game? Walang mawawala kung susubukan mo, sayang ang pagkakataon kung hindi mo susubukan." Tiningnan ko muli ang malaking tarpaulin.Tama si Sam, kailangan kong subukan. Malaki-laki rin ang trentamil. Kapag nagkataon na masungkit ko iyon, mababawasan ang mga alalahanin ko. "Saan ako kukuha ng mga gamit ko girl? Hindi din ako marunong rumampa.Zero knowledge ako pagdating d'yan." "Ako na ang bahala,marami akong kaibigan na puwedi nating mahiraman ng gamit at maturuan kang rumampa.Basta ako na ang bahala.Ang tanong laban o bawi?" "LABAN!" sigaw ko sabay suntok sa ere.Napansin ko naman na pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid kaya ibinaba ko kaagad ang aking kamay. Nang umuwi ako sa boarding house ay confidently beautiful with a heart akong rumampa paakyat ng hagdanan dahil may pam-partial na ako sa aking landlady. “Yumi!” Sigaw ni Madam Berta na nakaabang sa dulo ng hagdanan. “Kung inaakala mong matataka-----“ Hindi ko na pinatapos si Madam Berta, inilabas ko sa kanyang harapan ang three thousand na inutang ko pa kay Sam. Agad naman niya itong hinablot sa kamay ko. Gagi, buti nalang hindi na punit! "Mabuti naman at hindi mo na ako tinakbuhan," sabi niyang nakapamaywang. Hinimashimas ko ang malulusog na braso ni Madam Berta. "Kayo naman kasi, na delay lang ang tao grabi na kayo maka react!" Pinandilatan niya ako ng mata pero hindi ako natakot, sanay na kasi ako dun. "Delay? Delay nga halos isang buwan naman! Naku! Ayaw ko nang maulit pa dati na hindi ka nakapagbayad ng ilang bwan ha!" pagtataray ni Madam Berta. Tumago-tango ako. "Oh relax lang, ang beauty natin diyan madam masisira.Sus,madam talaga ang hilig mag throwback," pagkakalma ko sa kanya habang pinipisil-pisil ang kaniyang balikat. "Next week na ang susunod na bayaran,mutikan ng magtagpo ang mga bayarin mo. Yumi naman, sana next week hindi na delay!" "Syempre naman.Oh sya,pumasok na kayo sa kuwarto nyo at mag beauty rest." Tumalikod naman kaagad si Madam at umalis. Nang makapasok na ng kuwarto ay binagsak ko ang aking katawan sa kama,pagod na pagod ako sa trabaho.Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan ang lockscreen image. “Mag-iisang taon na," sambit ko. Mag-iisang taon na simula noong huli kong na contact si Erick, ang tatlong taon kong boyfriend na OFW. Maayos pa naman kami noong huli kaming nagkita, pero makalipas ang isang buwan nang bumalik siya sa ibang bansa ay hindi ko na siya ma contact, hindi ko na rin siya ma search sa social media. Hindi din niya ako tinatawagan gaya ng dati. Ngayon, mag-iisang taon na, gano'n ba ka busy ang trabaho niya na hindi ako magawang kontakin sa loob ng isang taon? Hayy... na mi-miss ko na siya. Kinabukasan matapos ang trabaho ay isinama ako ni Sam sa kanyang mga kaibigang trasgender para matulungan ako para sa binabalak kong pagsali sa Miss Sheen. “Trixie, ito nga pala ang magiging manok ko for the next Miss Sheen,si Yumi. Yumi kaibigan ko si Trixie, siya ng may-ari ng boutique na'to." "Maupo kayo.Kailan ang contest?" tanong ni Trixie matapos naming magkamayan. "Nextweek na, meron na lamang tayong seven days," sagot ni Sam. "Sus, keri yan!" confident na sagot ni Trixie. Apat oras lang ang itinagal namin sa boutique ni Trixie dahil may importante siyang lakad. Bukas na namin ipagpapatuloy ang paghahanda. Tinuruan niya ako kaagad kung paano gumalaw sa stage since may pitong araw lang ako para sanayin ang sarili ko. "Girl, salamat ha," sinsero kong pasasalamat kay Sam. "Your welcome, girl. Bukas babalik tayo dito.Sige na gabi na, uwi na tayo." Pinauna ko na si Sam na sumakay ng tricycle. "Sigurado ka na mauuna na ako sayo?" "Oo sure sigi lang, mauna kana." "Okay, see you tommorrow, bye." "Bye," paalam ko sabay kaway kay Sam. Lagpas na sampung minuto ang itinagal ko sa kalsada, pero walang tricyle na dumadaan. Na'san ba ng mg tricyle sa kalye na'to? Napansin kong maraming tricyle ang dumadaan sa kabilang kanto kaya nagpasya akong maglakad papunta doon, nagbabakasakaling mas madali makasakay doon kumpara sa puwesto ko kanina. Tinawid ko ang daan ng maayos, pu-pwesto na sana ako para pumara ng tricyle nang mahagip ng mga mata ko ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakatagilid niya mula sa kinatatayuan ko. "Erick?" napabulong akong may malalalim na gatla sa noo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD