YVE UMBRIE SUCCESS! sigaw ko saaking isipan nang makalabas kami ni Cholo sa banquet hall. Magkahawak kamay kaming naglakad pabalik sa suite. "Hindi ka nilapitan ni Georgina para kulitin, congratulations," bati ko sa kanya nang makatayo na ako sa tapat ng pintuan. Binawi ko na rin ang kamay ko sa pagkakasiklop sa kanya. Ngumiti siya bago sumagot. "Hindi ka na rin nilapitan ni Erick." "Paano pa niya ako lalapitan, eh, nandiyan ang boyfriend ko." sinundan ko pa ng tawa ang sinabi ko. "Naniwala na ba siya?" Umiling ako. "Hindi pa rin siya naniwala kanina bago ka dumating. He's asking for a time with me. Sumulpot ka raw kasi nung nag-uusap kami. Pero kanina sa ginawa mo, I don't think hindi pa siya maniwala don. Pareho tayong umarte na parang totoong may relasyon. Pretending success!"

