YVE UMBRIE Habang papalayo ng papalayo kami sa pool area ay ramdam ko pa rin ang higpit ng pagkakasiklop ng mga kamay namin ni Cholo. Binagalan ko ang paglalakad nang makita kong malayo na kami sa pool area. Nang mapansin naman ni Cholo ang pagbabagal ko ay huminto siya. "Anything?" "Salamat sa ginawa mo kanina. Okay na ako dito. Sa tingin ko ay hindi na natin kailangan magpanggap dahil nakalayo na tayo kay Erick." Tinangka kong bawiin ang kamay ko pero hindi niya iyon hinayaang makalas sa pagkakahawak niya. "You didn't eat luch. I prepared something for you to eat. Let's go, shall we?" "Huh?" Napa kurap-kurap ako sa sinabi niya. "I wasn't pretending a while ago, Yumi. I mean what I say." sabi niya habang nakangiti.Kapagkuwan, ay hinila niya ako patungo kung saan. Ibinaling ko ang

