YVE UMBRIE Mag-isa akong kumain ng lunch sa loob ng executive suit. Kumain nga ba? Parang hindi ko man lang nagalaw ang pagkain ko. Umuusok kasi ang tainga ko kapag naiisip ko si Erick.Kapal! hinamon pa akong makipagkita sa kanya mamaya. Pupunta ba ako? Iisipin niyang apektado ako sa kanya kapag hindi ako pumunta. Napalingon ako sa pintuan nang nakarinig ako ng katok mula doon. Isang malapad na ngiti ang bumungad saakin nang mabuksan ko ang pintuan. "Cholo...." Napansin ko rin ang babaing staff ng The Palazzo sa kanyang likuran. Nasa gilid nito ang trolley na parang mag ro-room service. Napakamot si Cholo sa kanyang batok bago sumagot. "Naisipan ko lang, baka gusto mo ng ice cream? I think hindi mo na enjoy yung huling ice cream mo dahil sa hindi magandang nangyari." Sinuklian ko ng

