YVE UMBRIE
"CHARLES CHOLO CREW the CEO of Crew's Energy which is the leading pertroleum company here in PH!"
Binasa ni Sam ang resulta nang mag search siya sa internet tungkol sa lalaki. Nagsaliksik siya tungkol dito matapos kong sabihin na isa siya sa speaker namin kanina.Limang minuto palang kaming nag vi-video call at si Cholo lang ang pinag-uusapan namin.
"Yes, sinabi rin yan kanina sa seminar to define him in business industry," sagot ko bago humiga sa kama.
"Ahw, ang suwerte naman ng girlfriend niya.Ang guwapo! Tingnan mo oh, ang ganda ng mata niya parang berde ang kulay, diba favorite mo ang berde."
"Favorite ko yun pero hindi naman berde iyang mata niya, that's emerald."
Iningusan ako ni Sam "OA pareho lang naman yun!"
"Speaking of his girlfriend, hindi siya suwerte. Cholo can do everything just to hide from her."
"Ha? Paano mo nalaman? Close na kayo?"
I shared what happened from the restaurant to pretending lovers in front of Erick.
"Ohhhhh. So, ikaw ang suwerte!" kinikilig na tili nito.
Tinirikan ko ng mata si Sam. Isinandal ko ang phone sa bedside table bago sumagot. "If that's what you think, pwes mali ka. Ang taray nung Georgina!"
"Wala akong paki kung mataray siya dahil isa lang ang sigurado, hiwalay na sila ni Cholo." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti. "Ano ang pakiramdam maging girlfriend ang isang Welsh businessman, Yve Umbrie?"
"Walang feeling. We broke up an hour ago." walang ka buhay buhay kong sagot.
Mas lumala ba ang nakakaloko niyang ngiti. "Wheeeee... di ako naniniwalaaaa.." pamulto-multo pa ang tono ni Sam.
"Paano naman magkakaroon ng feelings yung less than five hours na relationship? Tigil ka nga girl!"
"Whhheeeee... sigurado? Di kayo nag kiss?"
Hindi ko naitago ang pagkakagat labi ko sa tanong ni Sam.Hindi ako nakasagot agad at kunwari'y kinakamot ko ang tainga ko.
"Ayon! Huli ka ngayon!" nagpa gulong gulong si Sam sa kanyang kama kaya naman hindi ko makita ng maayos ang mukha niya. Tumatawa ito na para bang kinikiliti ng buo niyang katawan.
"Whaaat?! Anong huli?!" Kunwari'y inayos ko ang ekspresyon ng aking mukha. Gagi! bestfriend ko nga si Sam, kaya basang-basa niya ako kahit sa video call.
"Yve Umbrie, alam ko na iyang mga signs ng pagkakagat labi mo na'yan. Huwag ako Yumi. Huwag ako."
"What's wrong if I bit my lip?"
"There's nothing wrong, but it tells something. Dahil pang itaas na labi mo ang kinagat mo nang tinanong kita kanina, ibig sabihin lang 'non kinikilig ka. Now tell me, nag kiss ba kayo?"
"Sam!" madiin kong sambit sa kanyang pangalan.
"Okay, I'll take it as a yes, since hindi ka makasagot ng diretso. Ahhhhh!!!!"
"It was him who kissed me! I didn't kiss him back!" dipensa ko.
"So, nag kiss nga!" Dahil sa conclusion ni Sam, nagwala siya sa kilig.
"Girl, let's not talk about it." pagdidiin ko. Hindi ako puweding madala sa kilig kilig ni Sam. Baka mahawa ako sa kilig kapag pinagpatuloy pa namin ang pag-uusap tungkol sa lalaki.
"Okay, okay. Hindi na natin siya pag-uusapan sa ngayon. Sapat na na nalaman kong nag kiss nga kayo."
Tinirikan ko ng mata si Sam. Binanggit ba naman kasi!
"Teka, anong oras na ba?" tanong niya.
"One minute para mag alas-dose, bakit?" tanong ko. "Ay, twelve na pala!"
"Happy birthday, Girl!" sigaw ni Sam sa kabilang linya, naglabas pa siya ng cupcake na may nakasinding kandila.
Nanubig ang gilid ng aking mga mata habang ang puso ko ay naiiyak din sa saya. Simula nang nag trabaho ako, si Sam na ang palagi kong kasama sa tuwing kaarawan ko. Sa tawag nalang ako binabati nina nanay, tatay, bem-bem at Miguel dahil madalas hindi ako umuuwi, nasasayangan lasi ako sa pamasahe at sa suweldo kapag lumiban ako sa trabaho.
Kapag ganitong kaarawan ko, bumibili lang ako ng tatlong klaseng masarap na pagkain sa labas at iniimbitahan ko si Sam na kumain sa loob ng boarding house.
Pinahid ko ang bagbabagsakang luha sa gilid ng aking mga mata habang pinakikinggan si Sam na kumakanta ng happy birthday sa kabilang linya.
"Thank you, Girl."
"Oh, hipan mo na ang cupcake mo." sabi niya saka itinapat ang cake sa kamera.
Nagkunwari naman akong hinihipan iyon. "Thank you, Girl."
"Wow, taray mo ha. Nandiyan ka sa The Palazzo ngayong kaarawan mo."
"Sana nga nandidito ako para lang mag celebrate, pero hindi." Sabay kaming nagtawanan dahil sa nasabi ko.
"Basta, pagbalik mo, matic nayan ha. Pero, pressure na sa'yo ang libre mo ngayon dahil lumaki-laki na ng sahod mo."
"Okay, pagbalik ko mag date tayo."
"Excited na ako!"
CHARLES CHOLO
Pagkagaling ko sa executive suite ni Yumi ay dumiretso kaagad ako sa penthouse suite ni Vander, doon ay naabutan ko ang dalawa kong kaibigang tamad na nag-iinuman.
Unang napansin ni Vander ang pagdating ko."Hey, ang tagal mo naman, kanina ka pa namin hinihintay."
Hindi pa nga ako nakakaupo ay inabutan na ako ng baso ni Matthew. "Your turn."
"Ayaw kong maparami, isa parin ako sa speaker bukas." Iinumin ko na sana ang laman ng baso na nasa kamay ko, pero natigil iyon nang pareho silang humagalpak sa tawa. "Anything wrong?" tanong ko bago umupo sa couch at ininom ang alak sa baso.
"Pinagbabawalan ka ba ng girlfriend mong uminom? Wow, kahit kailan ay masunurin ka talaga sa babae, Mr. Studious." tanong ni Vander.
"Nakita ka nitong si Vander sa restaurant, hindi mo man lang pinakilala saamin ang bago mong girlfriend."
"Hindi ko pa siya girlfriend."
Nagkatinginan ang dalawang tamad at nag high five.
"Ooohhh.Hindi pa? So, nililigawan mo?" usisa ni Matthew.
Umiling-iling ako. "Hi--- hindi."
"Paano na si Miss Butterfly Tatoo? Halos mabaliw na yung secretary mo sa kakahanap sa kanya." tanong ni Vander.
Alam nilang dalawa ang tungkol sa babaing may tatoo na natulog sa condo ko nine months ago.
"Ihihinto mo ba na ang paghahanap sa kanya?" dagdag niya.
"Of course not. Ipapahanap ko parin siya." agad akong sumagot. "Yumi and I were just pretending in front of Georgina at the restaurant."
"A random girl?" tanong ni Matthew.
"Nope. Nakilala ko na siya dati. Were not close, but weve met a few times before."
"How do you came up to an idea na magpanggap kayo sa harap ni Georgina?"
Natigilan ako sa tanong ni Vander. Oo nga, bakit ko ginawa iyon? Sa tagal ko ng iniiwasan si Georgina, I never came to this idea. "I dont know. It just happened."
"Be careful, man. I dont think na iyang pretending game ay makakabuti sa'yo. May kilala akong ganiyan and they both end up wounded." paalala ni Matthew.
"We won't end up wounded," madiin kong sagot, pagkuwa'y ininom ko ang alak sa baso na ini-abot saakin ni Vander.
YVE UMBRIE
Sa ikalawang araw ng seminar, hindi ko na naiwasan si Erick. Ang malalapa ay lumipat ito ng upuan. Kung alam ko lang na may plano siyang tumabi saakin ay sana inilabas ko na sa function hall ang bakanteng upuan sa tabi ko.
"Kumusta ka na?" tanong ni Erick. Nagkunwari akong hindi siya narinig at nagpatuloy sa pagtipa sa tablet.
"Yumi, alam kong nakikinig ka." nangungilit niya.
Dahan-dahan ko siyang nilingon. "Huh? May sinasabi ka?"
"Tinatanong kita kung kumusta ka na."
Lahat ng babae ay may tinatagong kamalditahan at iyon ag pinipigilan kong lumabas saakin ngayon.
Nginitian ako si Erick bago sumagot. "Ako? I'm doing really well, thanks for asking." Ibinalik kong muli ang aking atensiyon sa speaker.
"Kailan mo lang naging boyfriend si Mr. Crew?"
Nahinto ako sa pagtipa sa tablet sa tanong niya. Gagi! Anong isasagot ko?
"It's none of your business, Erick. Huwag mo muna akong kausapin, nakikinig ako sa speaker."
Itutuon ko na sana ang tingin ko sa babaing speaker namin sa puntong ito, pero hindi sinasadyang kay Cholo lumanding ang paningin ko. Naka upo siya sa lamesa kasama ang kapwa niya speaker, hindi iyon kalayuan sa mesa namin.
Tila wala yata sa mood ang lalaki. Nakapukol lamang ang kaniyang paningin sa isang dereksyon. Hindi naman ako pamilyar sa mga pinapakawalan niyang ekspresyon, pero sa hula ko ay may tinigingnan siya na ikinasama ng mood niya.
Teka, saan nga ba nakatingin ang lalaking ito?! Parang nakatingin siya sa dereksyon ko. Saakin? Teka, hindi!
Kay Erick!
"Yumi, can we talk after this?"
Natuon muli ako kay Erick. Wala na kaming mangyayaring seminar mamagang hapon. Pero, mamayang gabi ay may dinner kaming lahat kasama ang mga speaker sa banquet hall ng The Palazzo.
"I'm sorry, Erick, may gagawin kasi ako."
"Yumi, apektado ka ba sa presensya ko?"
Nangunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh?" bahagya akong natawa. "Bakit naman ako magiging apektado? Anong meron?"
I know what he is pointing about, hindi ako bobo para hindi maintindihan iyon.
"Kung hindi ka na apektado, makipagkita ka saakin mamaya, doon sa swimming pool kung saan ka tumalon para iwasan ako. Alas-tres, maghihintay ako.
Nag iwas ako ng tingin kay Erick. Napa tiim bagang ako sa gusto niyang mangyari. Hinahamon ba niya ako? Pwes!
Pero, paano niya nalaman na tumalon ako para iwasan siya?