CHARLES CHOLO
Nagising ang diwa ko sa tawanan ng aking dalawang tamad na kaibigan na sina Vander at Matthew.
Pagkabukas ng aking mga mata ay tumama ang aking paningin sa laptop, papel at ballpen na katabi ko sa pagtulog kagabi.
"Hey, man.Hanggang ngayon Mr. studious ka pa rin?" tanong ni Vander.
Nag high five pa ang dalawa. Naka upo si Matthew sa pang-isahang upuan habang si Vander naman ay naka sandal sa headboard ng kama.
When the three of us are still studying abroad, ako ang mahilig mag-aral at madalas kopyahan nila, that's why they call me Mr. Studious.
"Bakit nandidito kayo mga tamad?" tanong ko bago na upo.
"Hey, this is my territory." It's Vander, who owns the intire The Pallazo Resort.
"Whatever, man. Walang silbi ang pagkakaibigan natin dahil nandidito ako sa isang executive suite, diba sabi ko gusto ko sa presidential suite."
"Ikaw natong nilibre, ikaw pa'tong nagrereklamo," tawa niya sabay bato saakin ng unan.
Well, I'm just kidding about that. "Ang sabihin mo, may tinatago ka sa presedential suite na hindi namin puweding makita," hula ko, nakita ko kasi siya kahapon na may kasamang babaing hindi ko pa nakitang kasama niya noon.
"Eh? Ano?" tanong ni Matthew.
"Hindi ano, kundi sino?" dagdag ko.
Nag high five kami ni Mattew. Alam kong magkapareho ang kutob naming dalawa.
"Manahimik kayong dalawa, palayasin ko pa kayo ng sabay."
Ang dali talaga inisin nitong si Vander.
"Ikaw naman, bakit bigla mo nalang gustong maging speaker ng seminar? Diba pinagtataguan mo yung ex mo? Kapag nalaman ni Georgina na nandidito ka dahil sa seminar na'yan, sasakay agad yun ng walis papunta dito."
Nagtawanan nanaman ang mga tamad.
Si Matthew ang isa sa spreaker mamaya sa seminar na gaganapin sa function hall, pero pinakiusapan ko siyang huwag ng dumalo at ako na ang papalit sa kanya. Hindi naman siya nagdalawang isip na pumayag, mabuti nalang sinaniban siya ng katamaran.
"Speaking of Georgina, nandidito na siya, kagabi pa."
"Lakas ng signal niyang ex mo! O baka naman sinabi mo,Vander!" patuturo ni Matthew.
"Hindi ah! Hindi kami close ng babaing 'yon! Ilang daan ang naglalabas masok dito araw -araw, alangan naman bantayan ko pa ang babaing yon sa gate! Tsaka diba sabi mo, walis ang gamit non? Baka sa bobong dumaan!"
Hindi pa sila naka inom sa lagay nilang 'yan.Kung magtawanan daig pa ang lasing sa kanto.
"Georgina's radar is one of a kind, gagawin at gagawin niya ang lahat magkabalikan lang kami."
Napalatak si Vander sa sinabi ko. "Nabaliktad nga ang mundo ninyo. Noon, ikaw ang hindi niya pinapansin. Ngayon, kulang nalang palitan niya ang anino mo."
Vander was right. It happened six months ago when I discovered na kaya pala hindi ako binibigyang halaga ni Georgina noon ay dahil may karelasyon siya maliban saakin.
Na diskubre ko rin na ang pagkikita namin ni Georgina sa Korea which I thought was fate was all set up. Plano na ni Georgina ang lahat para mahulog ako sa kanya hanggang sa maging kami.
Mayroon siyang kaibigan, si Mayvel. May lihim na pagtingin saakin si Mayvel which I'm aware about kahit noong hindi pa kami ni Georgina, and even Georgina was aware about it. Nang nag-away si Georgina at Mayvel sa hindi ko malamang dahilan, doon na nagsimula ang plano ni Georgina.
Hindi niya hinayaan na mapalapit saakin si Mayvel at gumawa pa ng paraan para maging kami. Kahit hindi naman iyon ginawa ni Georgina, malabo parin na maging kami ni Mayvel dahil pagkakaibigan lang nag maibibigay ko sa kanya.
"With regards to the seminar, wala lang, sinipag lang akong maging speaker."
Sabay na nagpailing-ing ang dalawa.
"Pasensya ka na Cholo, hindi ako naniniwala sa'yo," ani ni Vander.
"Magsilayas na nga kayong dawala! Lalo ka na Vander, asikasuhin mo 'yong tinatago mo sa taas."
"Well, you have fifteen minutes left to prepare Cholo Crew. Ma la-late ka na sa seminar mo," Matthew reminded.
"Magsilayas na kayo!"
Narinig ko pa ang tawanan ng mga tamad nang makapasok ako sa banyo.
YVE UMBRIE
"Developing Outstanding Leadership Skills."
Binasa ko ang nakasulat sa malaking screen na naka project sa harapan.
"Good Morning."
Napalingon ako nang bumati ang dalawang lalaki, saka umupo sa bakanteng upuan ng pang-apatang lamesa kung saan ako pumwesto.
Nagpakilala silang si Mr. Tan at Mr. Ocampo na kapwa ko attendee sa seminar na ito. Tumawag saakin si Mrs. Gravlor kagabi na hindi siya matutuloy dito sa seminar dahil sa health issue ng kanyang anak. It turns out, mababakante ang upuan sa tabi ko.
Nagpalingon lingon ako sa buong function hall. Hays, wala akong personal na kilala, walang makausap, mukhang mapapanisan ako ng laway dito.
Oh, gagi!
Iniwas ko ang aking tingin sa likurang lamesa. Napakagat labi ko nang nakita si Erick na naka upo doon. Ahhhhhhrrg! Kaya pala siya nandito dahil isa siya sa attendee ng seminar. Ahhhrg! Sobrang laki ng mundo, pero lumiliit yung saamin ni Erick!
Huminga ako ng malalim. Relax Yve Umbrie, wag kang lumingon. Total, magiging abala siya sa pakikinig mamaya kaya hindi ka niya mapapapansin.Enhale... Exhale...
"Charles Cholo Crew"
Oh, Kasali pala siya dito?
Pinakilala si Cholo bilang isa sa speaker namin. Sabi niya nandidito siya sa The Palazzo para mag relax, pero pinagtataguan pala niya ang ex-girlfriend niya,tapos ngayon speaker din pala siya?
Dahil nasa bandang harapan ang lamesa kung saan ako naka upo, nakita ko kung paano siya maglakad papunta sa digital podium.
I gulped. He's wearing neat chinos, well-fitted long-sleeve shirt, blazer and a pair of black leather shoes. It's simple smart casual look, but he looks like an adonis in his stance!
Matiim kong tinitigan ang tindig at postura ni Cholo habang siya'y nasa intablado. May gustong akong alalahanin habang tinititigan siya, pero hindi makumpleto ng utak ko kung ano ba yung dapat maalala ko.
Weird!
Habang nagsasalita si Cholo sa harapan, sa big screen nakatuon ang mga mata ko. Panay din ang tipa ko sa tablet para mag take note ng mga importanteng detalye na nababanggit niya.
Paminsan minsan tintititigan ko rin ang kanyang mukha pero agad akong nagbabawi ng tingin.
Gesh!
Yung mga girls sa kabilang table parang ayaw kumurap habang nagsasalita si Cholo sa harap.
Pasimple ko nanaman siyang ninakawan ng tingin, but this time nagtama na yung mga mata namin.
Gag, Nakakahiya!
Nagkunwari akong kinakamot ang aking noo, pero ang totoo gusto ko lang itago pag pagkakagat labi ko.Marahan kong hinimas ang nag-iinit kog pisngi. Am I blushing?
Sumasaiyo lahat ng oras ng mundo,
Lahat ng bagay sa paligid ay nanlalabo,
Lente ng mga mata ko'y nakatuon lang sa'yo,
Nakatayo ka lang naman diyan pero bakit sa presensya mo ako'y apektado?
Hindi ako kaagad nakatulog kagabi,
Ikaw ay nanghalik, wala man lang pasabi.
Ngayo'y nandidito ka saaking harapan,
Ako'y naguguluhan,
Ano kaya itong nararamdaman?
Hay, Salamat!
Natapos ang day one ng seminar na hindi ako napansin ni Erick. Thank you sa mga ka table niyang babae dahil doon natoon ang attention niya.
Kasalukuyan kong binabagtas ang daan papuntang restaurant ng The Palazzo. Seven in the evening na at doon ko plano mag dinner ng mag-isa. Excited na ako! plano kong kumain ng seven course meal! Hindi ako masyadong nagpakabusog kaninang tanghalian para dito.
Muntikan nang maghiwalay ang katawan at kaluluwa ko sa gulat nang niyakap ako ng kung sino pagkatungtong ko sa loob ng restaurant.
Nagwala nalang bigla ang puso ko nang maamoy ang nakakatakam na pabangong iyon. Not too sweet and not too strong scent.Like peach, plum, vinilla, patchouli....no doubt,it's Cholo, who smells like dessert.
"Honey, kanina pa kita hinihintay."
Sabi niya ng dumistansya.
"Huh?"
Anong pinagsasabi ng lalaking 'to? Hindi ko ma gets.
Imbis na sumagot ay niyakap niya akong muli.
"Please, pretent to be my girlfriend. Georgina is around.Please," bulong niya.
Ahhhhh... kaya naman pala maka honey WAGAS!
"Cholo, I -- I dont think----"
Hinawakan niya ang aking magkabilang pisngi. "Honey, please..please.. just now."
He beged with his damn puppy eyes.
"Are you serious?"
Did he noticed that my cheecks are burning?!
Sa gitna ng aming pagbubulong bulungan, pinagsiklop niya ang aming mga kamay, kapagkuwan ay iginiya niya ako sa pandalawahang lamesa at pina upo.
Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cholo ng magkaharap kami. Naalala ko noong pinakiusapan ko siyang wag hayaang makita ni Erick ang aking mukha ay tinulungna niya ako. Wala naman sigurong masama kung tulungan ko rin siya ngayon.
"Okay, .......Hu----honey."
Mula sa pagkakalungkot ay mabilis na nakulayan ng sigla ang mga mga mata ni Cholo. Muntikan na akong mahawa kaya nagpanggap akong binabasa ang menu na nasa harapan para ikubli ang pagkagat ko saaking labi.
Hors d'oeuvre!
Nagningning ang mga mata ko nang ipalag ng waiter ang appitizer. Ayan na! Mag-uumpisa na ang kainan!
"Stuffed mushrooms?"
Nag-angat ako ng tingin nang magsalita ang boyfriend ko. Gagi, nakakainit naman ng pisngi isipin yon.
"Uh..huh.." dumako ang mga ko sa pinggan niya. "Ceasar salad? Salad agad?"
"Yes my favorite."
Napangiwi ako sa sagot niya. "Ew, may lahi ka palang kambing."
Naaliw siya sa reaksyon ko. "Don't you like salad?"
Umiling ako. "Allergy ako sa pagkaing madamo."
Hindi ako masyadong nagsasalita habang nasa mesa. Itinuon ko lang ang attention sa masasarap na pagkaing inilalapag ng waiter mayat maya.
"Sigurado kang yun lang ang kakainin mo?" Tanong ko sa kanya habang kinakain ko ang main course.
Lumagok muna siya ng wine bago sumagot. "Nabusog na ako habang pinagmamasdan kang maganang kumakain.Ang takaw pala ng girlfriend ko. I like that."
"Matamis lang ba talaga iyang bibig mo o likas kang bolero?"
"Hindi ako sigurado kung matamis, pero puwedi mo tikman. Yung bolero, hindi ako yun."
Tinaasan ko siya ng kilay. "Ang landi ng boyfriend ko."
"Ang sarap kasi landiin ng girlfriend ko. I love seeing you with a burning face. Ako ba ang rason niyan, Honey?"
Saved by the waiter! Hindi ako na obligang sagutin ang tanong niya nang salinan ako ng tubig ng waiter. Nagkuwari akong hindi narinig iyon at nagtanong sa waiter ng walang ka kwenta-kwentang tanong.
"Milk Honey Ice cream for dessert."
Natakam ako nang ipalag ng waiter ang dessert saaking harapan. Hindi ko napigilang basain ng laway ang aking mga labi habang tinitingnan ang ice cream.
"Too sweet, honey," sabi ni Cholo nang sumubo ako.
"I love sweets. No one can stop me from eating when I crave," sagot ko bago sumubong muli. "Oh, heaven. This is satisfying than I imagine, want to try?"
Bumakas ang kurbadong ngiti ni Cholo. "Can I?"
"Para kang bata." inirapan ko siya. "Say ahh..." sabi ko sa kanya para subuan.
"You'll feed me?" nakatangang tanong niya.
"Oh, C'mon Cholo, kainin mo na."
Napangisi ako nang kinain niya ang ice cream at ninamnam ito sa kanyang bibig. "See? Marasap diba?"
He nodded.
"I told yah.."
"Are you sure about what you are doing Cholo? You're dating random girls you just pick up wherever you go?"
Susubo na sana ako ng ice cream pero hindi iyon natuloy nang marinig ko ang mahabang talak ng boses ng babae. Nang nag angat ako ng tingin, I saw Cholo's ex-girlfriend.
"Georgina, stop it!"
"Why should I stop? I am your girlfriend," may himig pagtataray ni Georgina. "Ikaw naman, naniwala ka kaagad sa lalaking 'to?"
Hindi ko inaakala na ganito umiksena si Georgina. I thought this whole freaking pretending game was just to make her stay away from Cholo, pero hindi. Nanatili akong tahimik, ayaw kong pantayan ang level ng taray ng babaing ito. Halata namang hindi niya matanggap na hiwalayan siya ng lalaki sa kinikilos niya.
"Gina, stop saying that in front of my girlfriend!"
Tumayo si Cholo a kanyang kina uupuan.
"Your girlfriend? Babe, hindi pa nga----"
"Everthing has ended between the two of us, Gina. Huwag kang umiksena pa parang bang hindi mo alam yon!"
Georginas hand formed into fist. Bumakas ang ugat sa kamay niya. Nagtitiim bagang din ito.
"I know She's a random girl you dated."
"I'm not dating random girls, Gina. She's my girlfreind." Humakbang si Cholo papalapit saakin. Kinuha niya ang aking kamay sa ibabaw ng mesa ay isiniklop ang palad niya saakin. "Honey, let's go."
Lumabas kami ni Cholo ng restaurant na magkahawak ang kamay. Nang makalayo na kami ay huminto ako sa paglalakad.
"Is there a problem, hon?"
Umiling ako. "Cholo, wala na si Georgina, you don't have to call me that or act like were lovers."
Marahan kong binawi ang kamay ko na binitawan niya.
"Oh.... I'm sorry about what Georgina did."
"Walang kaso saakin iyon. I guess, kailangan mo ng matinding plano kung gusto mong lubayan ka niya. She has the audacity para huwag kang tantanan."
"She's been doing that since we broke up.Pagod na pagod na nga ako."
Napangiti ako. "Mas malalapa pala siya sa inaasahan ko."
Tumango lang si Cholo.
"Sige, babalik na ako sa suite."
"Puwedi ba kitang ihatid? E extend natin yung pagpapanggap natin. Diba hinahatid naman ng mga lalaki yung girlfriend nila. I want to do that too, hon."
"Karer na karer mo, ano?"
He grin. "Please."
I nod. "Okay."
Pinagsiklop niyang muli ng mga palad namin.
"Do we really have to hold like this?"
"Yes, I want to hold my girlfriend a few minutes more. Maghihiwalay na tayo pagkatapos kitang ihatid diba? Susulitin ko na."
Hindi na ako nagsalita at nag-umpisa ng maglalakad.
"May part ka parin ba sa day two ng seminar bukas?" tanong ko habang naglalakad kami na parang totoong magkasintahan.
"Yes, pupunta pa rin ako. Speaking of seminar, nakita ko yung lalaking nautangan mo. He's one of the attendees."
"Oo nga ang malas ko. Pero good thing tanga siya at hindi ako napansin."
"Magkano ba utang mo sa kanya?"
"Nakalimutan ko na, basta ng naalala ko malaki laki din yon." Medyo nahirapan ako sa tanong niyang iyon.Tumango tango sila bilang sagot.
Namayani ang katahimikan sapagitan namin dalawa hanggang sa nakarating na kami sa labas ng pintuan ng suite.
"Dito ang silid mo?" Tinuro niya ang pintuan ng silid sa likod ko.
Kumunot ang noo ko. "Oo, bakit?"
Ngumiti siya at ipinakita saakin ang keycard ng katapat na pintuan. "Nandidito lang ako sa tapat mo, honey."
Nandiyan lang pala siya sa tapat?
Binuksan ko ang pintuan ng suite na inuukupa ko. "Papasok na ako, I guess kailangan na nating mag break," sabi ko saka nginitian siya.
"Yumi?"
Sabay kaming napalingon ni Cholo sa gawing kanan kung saan nagmula ang boses.
Itinago ko ang aking kanang kamay saaking likod at napakuyom. Naninikip ang dibdib ko habang ilang sigundo ng nakikipag titigan sa kanya. Bakas ang pagkabiglang makita ako sa kanyang mukha.
Hindi nga natin kontrolado ng mundo. Kung oras na ay oras na. Ngayon, hindi ko na ito maiiwasan. Ito na ang oras ng muli naming pagkikita.
"Yes?" Sagot ko sa kanya na may abot taingang ngiti. Hindi ako puweding magalit o makitaan man lang niya ng masamang vibes. Pinanatili ko ang masayang atmosphere kahit nariyan siya.
Lumapit ng ilang hakbang si Erick saakin. "It's nice to see you here."
Hindi niya nagawang kumurap. Pinanatili niya ang malagkit na tingin saakin.
"Dito ba ang silid mo?" dagdag niya.
I shifted my gaze to Cholo.Tulong!!!!! Sana ay mabasa niya saaking mata ang gusto kong sabihin sa kanya.
"Yes, our suite," sagot ni Cholo, kapagkuwan ay pumwesto sa likod ko.
"Honey, this is Erick an old friend. Erick, si Cholo my boyfriend."
Gagi! Sasabog yata ang dibdib ko habang pinapanood silang nagkakamayan.
"Masaya din akong makita ka dito, Erick. Sige, papasok na kami."
Pinagsiklop ko ang kamay namin ni Cholo at hinila siya papasok sa suite ko.
Nang masirado ko ang pintuan. Nakapa ko kaagad ang aking dibdib. Thanks G! Nagawa kong maging kalmado sa harap niya.
"I guess may kailangan kang ipaliwanag saakin. You lied to me, honey."
Napalingon ako kay Cholo na nakataas ang kilay saakin. Oh, s**t! Do I need to explain it to him? Maybe he deserves to know it. Afterall ginamit ko siyang panakip kanina.