She didn't feel threatened.
Bakit pa siya babalik sa buhay na tinakasan niya gayong nakapag adjust na siya sa bagong buhay na pinili niya. Tanga na lang ang babalik pa doon at magpagapos ulit. Hinayaan ni Aliyah ang mensaheng iyon dahil hindi naman siya natatakot sa banta. Galit siya dahil ayaw pa siyang tantanan kahit nagpakalayo na siya at pinutol ang ugnayan sa taong ito.
~FLASHBACK~
"Isang linggo na lang graduation niyo na. Any plans aside sa engagedment party niyo ni Aldrich?"
Nawalan ng panlasa si Aliyah sa sinabi ng kaniyang ama. Itinabi niya ang utensils na hawak at kaswal na hinarap ang ama kahit masama ang loob niya dito. "Nothing, dad."
"That's good to hear," anito habang nakatuon sa plato ang tingin. "This is for your own good."
'You, not mine!' galit na sagot ni Aliyah sa isipan. Her face remain calm and obident while listening to his father.
"Nakausap ko na ang ama ni Aldrich at nagkasundo na kami. Hinihintay niya rin na makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang anak bago ang kasunduan na ipakasal kayong dalawa," nag angat ng tingin ang matanda. "So, be a good girl. Be kind to everyone especially to Aldrich and to his family. Hindi lang maging maayos pa lalo ang buhay mo pati na rin ang ating negosyo. Lalo pa itong lalakas at lalago kapag magsanib ang dalawang kilala na kompanya."
Aliyah nooded like an obedient dog to his master. Wala naman siyang magawa kundi ang sumunod dito palagi kahit labag sa kaniyang loob. She always wanted her parents happy ngunit hindi niya iniisip ang sariling kaligayahan. Para sa kaniya, walang halaga ang kasiyahan niya kung ang kapalit no'n ikasama at ikasakit ng loob ng magulang niya.
"Ayosin mo ang sarili mo. Ingatan mo ang katawan mo. You are perfect to us ngunit hindi natin alam kung anong klase na babae ang tipo ni Aldrich," dagdag pa ng kaniyang ama. "Alalahanin mo, ito ang una niyong pagkikita."
"Yes, dad." Iyon na lang ang nasabi ni Aliyah. Simple lang ang mga utos ng kaniyang ama ngunit nahihirapan siyang gawin iyon. May kapatid naman siya pero nagtataka siya kung bakit sa kaniya lahat napunta ang pasanin ng kanilang pamilya.
Napatingin siya sa hagdan ng bumaba roon ang kaniyang ate, si Alyssa Karyl. Nakapantulog pa ito ng damit at halatang kagigising lang. Madaling araw na ito naka uwi ngunit hindi man lang niya narinig na pinagsabihan o pinagalitan ang ate niya ng kanilang magulang. Ngunit pagdating sa kaniya bantay-sarado siya. May limitasyon ang oras sa labas, may pahintulot kung saan siya pupunta at kung ano ang gagawin niya.
"How was the party last night?" tanong ng kanilang ama at halata sa boses nito na interesado siyang marinig ang kwento ni Alyssa.
"Well, masaya naman, enjoy, pero hindi ko masyadong nafeel ang party kasi laman ng isip ko ang business proposal ko sa Lim Enterprises," malungkot na pagbabahagi ni Alyssa. "Narinig ko ang usap-usapan na strikto at perpekto daw ang tumatayong CEO ng Lim Enterprises. Bigla akong na pressure, dad."
"Don't worry to much about that. If you failed, at least you tried your best," pag aalo ng kaniyang ama at ngumiti dito nang sa ganun gumaan ang loob ni Alyssa.
"Kumalma ka. May isang linggo ka pa para paghandaan ang lahat," ani ng kaniyang ina. "Mag bakasyon ka para ma relax ang isip mo," tumingin ang ginang kay Aliyah. "Ikaw na muna ang papalit sa ate mo habang nasa bakasyon siya. Makadagdag iyon sa kaalaman mo."
"Yes, My." she answerd with a half smile on her lips. "I'll go ahead. May pasok pa kasi ako," paalam niya rito saka tumayo.
Tiningala siya ni Alyssa. "I'll just put the papers in your room. Pa double check na rin ng business proposal ko," anito na may ngiti sa labi. "Thank you!"
Hindi pa nakasagot si Alliyah nang tumayo ang kaniyang ate at nagpaalam na babalik na ito sa kaniyang kwarto para maghanda ng gamit dahil ngayong araw din siya magbabakasyon. Napatanga na lang si Aliyah. Panigurado mangangapa siya sa trabahong iniwan ng kaniyang ate.
She is frustrated and mad sa hindi pantay na pagtrato sa kanila ng kanilang magulang, ngunit may magagwa ba siya? Kung mula noon at magpahanggang ngayon alam niyang malaki ang kaibahan ng pagtrato ng kanilang mga magulang sa kaniya at sa kaniyang ate.
Nasa legal age na siya ngunit limitado lang ang mga bagay na nagagawa niya. Ni hindi siya nakaranas pumunta sa isang bar, makipag party along with her friends. Mag bakasyon na mag isa. Gumala na walang bantay at uuwing late. Kahit magkaroon man lang ng manliligaw ay hindi niya iyon naranasan kahit minsan.
Her life is controlled by people sorround her. Aliyah cannot do a thing without her parents permission. Bawat galaw at kilos niya kailangan ng kanilang approval. Wala siyang sariling desisyon. At lahat ng mayroon siya ngayon ay gusto ng parents niya at hindi ito ang gusto niya.
Isa isang pumatak ang luha ng ipikit niya ang mata. She's living like a princess but no freedom. She treated like a queen but chained to his own palace. She wants to be free from everything at huwag dumepende sa kung anong iutos sa kaniya ngunit hindi niya alam kung ano ang gagawin. Hindi niya alam kung paano iyon sisimulan dahil nasisiguro niyang magagalit ng husto sa kaniya ang magulang.
She is grateful and happy that she is born rich and raised by the wealthy family. She can buy what she want. Can travel where she want to go. Can spend money without worrying it. She is living like a princess on her own kingdom but... there is one thing that money can buy with... being a genuinely happy.
"I'm so proud of you self... so proud of you," naluluha na usal niya habang nakatingin sa pangalan niyang kasali sa listahan ng mga graduating with honors. "Hindi ito ang kursong gusto mo pero naipanalo mo hanggang dulo."
She wanted to be a chief cook but she chose business course because that's what her parents want because of the business they had. Kagaya rin sa plano nilang ipakasal siya sa taong hindi pa niya nakikita at nakilala. Ni hindi nga siya tinanong ng mga ito kung gusto niya ba o hindi. Kahit man lang abiso sa plano nila hindi nila iyon ginawa. Binigla siya sa paraang hindi na siya makatanggi o makapagbigay man lang ng komento.
"Ma'am, nandito na ho tayo," untag ng kaniyang driver.
Mabilis na inayos ni Aliyah ang sarili bago bumaba ng sasakyan. Isang malalim na paghinga ang kaniyang pinakawalan at pinasaya ang awra saka lumapit sa mga kaibigan niya. They greated each other na para bang ilang linggo silang hindi nagkita. Aliyah has a lot of friends but their is no one to be called best friend. Hindi niya alam kung bakit walang mga kaibigan niya na ituring siyang best friend. But it's fine with her. Sanay na naman siya na mag-isa.
"Finally, I have my own resto bar!" masayang balita ni Laine. "Invited kayong lahat sa grand opening," naluluha ang mata sa saya na dugtong niya.
"Congratulations dear. We're so proud of you girl," Xariana said.
"Asahan mong darating kami," saad ni Sera. "I don't think so kung makapunta si Aliyah," kibit-balikat na dugtong niya.
Hilaw na ngumiti si Aliyah. "Hindi ako mangangako but anyway, congrats for your business."
"Ano ba tingin ng parents mo sayo, isa kang menor de edad?" pa ingos na usal ni Laviana. "Ilang araw na lang ga-graduate ka na sa college ni isang beses hindi ka pa nakatungtong sa bar. Kahit gumala palagi kang may bantay," aniya at tumingin sa driver ni Aliyah na nakatayo sa malayuan. "Wala naman siguro kayong kaaway na maaring kumidnap sayo."
"Naku, Laviana!" saway ni Sera. "Ganyan lang magpakita ng pagmamahal ang magulang ni Aliyah. Huwag mo ng pakialaman."
"Pagmamahal pa ba yun? Sa subrang higpit nila kay Aliyah akala mo naman sanggol pa," hirit pa ni Laviana. "Hindi ka ba nasasakal sa ginagawa ng parents mo? Ibang iba ka sa ate mo."
"Hindi naman. I understand naman kung bakit mahigpit sila pagdating sa akin dahil bunso ako. At saka, malay natin mag-iiba ang life style ko after graduation," pagtatanggol ni Aliyah.
Hindi niya maaring sabihin kung ano ang saloobin niya tungkol sa pagiging bantay-sarado ng parents niya sa mga galaw niya dahil una, hindi niya alam kung sino sa circle of friends niya ang totoo sa kaniya. Pangalawa, baka ipagsabi ng mga ito sa iba at makarating sa mga magulang niya. Ayaw niyang maging dahilan iyon para sumama ang loob ng magulang niya sa kaniya.
"I will give you the address na lang para kung payagan ka, makapunta ka," saad ni Laine. "Pero kung hindi, ayos lang."
Tipid siyang ngumiti at nagpaalam sa mga ito na umuna siyang umuwi. Hindi naman siya pinigilan ng mga ito kaya bahagya siyang nakaramdam ng paninikip sa dibdib.
"Minsan, ang pangit rin mag aya ng kaibigan na gumala lalo na kapag may bantay na laging nakasunod. Nakaka ilang kaya gumalaw," rinig niyang usal ni Sera.
"Mismo! Walang privacy kapag may bantay kahit pa sabihin na for safety yun. Tama lang talaga na hindi ako nakipag best friend sa kaniya, ang boring ng ganung kaibigan," segunda ni Laviana.
"Hayaan na lang natin siya," singit ni Xariana. "Kahit fake friends lang, ano ba kayo. Kawawa naman Kung wala siyang kaibigan."
Malaki ang hakbang na tinungo ni Aliyah kung saan nakaparada ang kaniyang sasakyan. Matagal na niyang alam na hindi sincere ang pakipagkaibigan ng mga ito sa kaniya ngunit iba ang dulot ng sakit sa kaniyang puso na marinig iyon mismo sa mga itinuring niyang kaibigan.
"Sa bahay, kuya." aniya sa kaniyang driver pinipigilan ang pagpatak ng luha.
'Wala ba talagang may gusto na maging kaibigan ako despite what I am? Ganoon ba iyon kahirap tanggapin? O, ako lang talaga ang may mali?'
Dumiretso siya sa kaniyang kwarto pagkarating niya ng bahay at doon ibinuhos ang mga luha dulot ng hinanakit. Pakiramdam niya ang kawawa niyang tao. Walang solid friends. Walang best friend. Walang ate na kakampi. Walang magulang na mapagsabihan. Hindi niya alam kung bakit ang layo-layo ng loob niya sa mga magulang niya. Hindi rin sila super close ng kaniyang ate. Pati mga kasambahay nila hindi rin siya malapit sa mga ito. Para bang may malubha siyang sakit na ayaw ng mga tao sa kaniya.
Napatingin siya sa kaniyang table ng makita ang notes na nakapatong sa black folder. Puno ng luha ang mata na kinuha niya iyon. Muli siyang napahagulgol ng mabasa ang sulat doon.
"BAGO AKO MAKABALIK DAPAT NAGAWA MO NA IYANG BUSINESS PRPOSAL KO. AYOSIN MO! LAGOT KA SA AKIN KAPAG NA REJECT IYAN!'
Napatanong si Aliyah sa isipan, bakit pa magbibigay ng businsess proposal ang ate niya sa Lim Enterprises kung ipinagkasundo na siya ng kaniyang magulang sa anak ni Mr. Lim? Hindi pa ba ito alam ng ate niya?
~END OF FLASHBACK~
Mariing kinuyom ni Aliyah ang kamao ng bumalik sa isipan niya ang alaalang iyon. Malayo na nga ang loob niya sa pamilya pati pa sa kinikilala niyang kaibigan ganoon ang tingin sa kanya. Lalo na sa kanyang Ate Alyssa na harap harapan nitong pinapakita na hindi siya nito gusto. May kapatid nga siya ngunit hindi niya naranasan dito na kampihan siya, na magpaka ate si Alyssa sa kaniya kundi palagi na lang siya nitong inaapi, pinapahirapan, binabantaan na hindi nalalaman ng kanilang magulang.
Kaya nagpapasalamat siya na nakipagkaibigan si Kisses sa kanya. Ang hiling niya lang, sana iba si Kisses sa mga akala niyang kaibigan niya noon. Ayaw ng maranasan ni Aliyah ng ganoong trato ng tao sa kaniya, na mabuti lang kung magkasama sila pero kapag nakatalikod na, palihim kang tinitira.
Napabalikwas ng bangon si Aliyah ng may lumagabog sa labas ng bahay niya. Sumilip siya sa bintana para tingnan iyon at namataan niyang may umakyat sa bakod ng bahay niya. Dinaga ang puso ni Aliyah sa takot at kaba. Biglang nanginig ang katawan niya at hindi malaman ang gagawin. Kuhanin na sana niya ang telepono at tumawag ng saklolo ng bigla niyang naulinigan ang pamilyar na boses na tinatawag ang pangalan niya sabay katok sa pinto.
"Aliyah, si Dylan ito. I need a favor again."
Nagsalubong ang kilay ni Aliyah ng maulinigan ang tila nahihirapan na boses ni Dylan.
"Naholdap ako. Hindi ako pwedeng umuwi na ganito ang itsura ko."