Chapter 9

2165 Words
Sa bahay ni Aliyah ang unang pumasok sa isipan ni Dylan na tumuloy matapos ang hindi niya inaasahn na insidente. Nang maubos ang isang bote ng beer naisipan ni Dylan na bumalik sa kaniyang tindahan ngunit hindi pa siya nakakalayo sa bar house na pinag inuman niya may apat na lalaki ang humarang sa kanyang sasakyan. Akala niya mga normal lang na tao na pinagkamalan siyang namamasada kaya huminto siya para sana kausapin ngunit sa isang iglap lang biglang nahilo si Dylan nang sinuntok siya sa panga ng isang lalaki pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kanyang sasakyan. Ang dalawang lalaki ang taga bantay, ang isa naman may nakatutok sa kanya na patalim habang ang isa ang naghahalungkat na pwede nitong makuha. Hindi nakagalaw si Dylan sa bilis ng pangyayari. Tila nahinto saglit ang oras, nakatingin lang siya sa kawalan na para bang nahipotismo. Isang malakas na bosena ang nagpabalik sa kanyang ulirat. Mabilis na kumaripas ng tumakbo paalis ang apat na lalaki. Doon na lang nahimasmasan si Dylan. Pinakiramdaman niya ang sarili, wala namang masakit sa kanya maliban sa bilis ng t***k ng puso dulot ng takot at kaba. Akala niya katapusan na niya. Akala niya sasaktan siya ng mga lalaki na iyon. Tiningnan niya kung ano ang kinuha sa kanya, nanlumo siya ng wala ng natirang pera sa kanyang pitaka. Sa bilis ng pangyayari hindi niya namalayan na kinuha pala sa bulsa ng kanyang pantalon ang nakasuksok niyang pitaka. Mabilis niyang pinaharurot paalis ang sasakyan. Sa hindi maipaliwanag na naramdaman, akala ni Dylan suntok lang ang natamo niya, nang tingnan niya ang tagiliran niya dahil may naramdaman siyang kirot doon mariing napakapit sa manibela si Dylan ng makita ang dugo na bumakas sa sky blue niyang polo. Ang malas pa biglang tumirik ang sasakyan niya. Naubusan ito ng gas. Mabuti na lang malapit na siya sa bahay ni Aliyah. Kahit masakit ang natamong sugat tiniis iyon ni Dylan kahit paika-ika siyang naglakad. Inakyat niya ang bakod para makapasok sa pag aakalang tulog na ang dalaga. Wala na talaga siyang mahingan ng tulong dahil pati cellphone niya tinangay ng magnanakaw. Nakahinga ng maluwag si Dylan ng bumukas ang ilaw at maya-maya lang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang nagtatakang mukha ni Aliyah ngunit kaagad rin napalitan ng gulat ng makita ang sitwasyon niya. "Oh my god! What the hell is happened to you?!" gulat, nag alala na bulalas ni Aliyah ng makita ang itsura ni Dylan. "s**t! My god. Oh no!" tarantang wika ni Aliyah ng biglang nawalan ng balanse si Dylan dala ng panghihina. Sinalo niya ang lalaki at inalalayan na pumasok sa loob ng bahay. Pinahiga niya ang lalaki sa sofa. "Bakit dito ka sa akin pumunta? Bakit hindi sa hospital gayong may sugat ka!" "Naubusan ng gas ang sasakyan ko," sinikap ni Dylan na umakto ng maayos upang hindi mataranta si Aliyah. "Tinangay rin pati cellphone ko kaya wala akong mahingan ng tulong," mariing napalunok si Dylan ng sumilay ang kirot sa natamong sugat. "Pasensiya na kung dito ako nagpunta. Inabala na naman kita.' Walang salita na iniwan ni Aliyah ang lalaki. Taranta siyang kumuha ng kailanganin para bigyan ng paunang lunas ang sugat ni Dylan. Ngayon lang naka incounter si Aliyah ng taong may sugat sa tagiliran. Paano kung malalim ang sugat niyon? Paano kung naghihingalo na pala siya, edi makasaksi pa siya ng taong mamamatay sa harap niya. Taranta, mabilis ang hakbang na binalikan niya ang lalaki. "Kaya mo bang hubarin ang damit mo para makita ko ang sugat mo,'?usal ni Aliyah ng makita ang nagtitiis sa sakit ang lalaki. Tinanggal ni Dylan ang butones ng damit at hinawi iyon. Napatakip si Aliyah sa labi ng makita ang sugat ni Dylan. "Ang laki ng hiwa, Dylan!" nanginginig ang boses na usal ni Aliyah. "Sa tingin ko hindi naman ganoon ka lalim ang tama niya," wika ni Dylan. Binasa muna ni Aliyah ng maligamgam na tubig ang malinis na pamunas saka iyon idinampi sa sugat ni Dylan. Napa igik ang lalaki ng makaramdam ng hapdi sa bawat pagdampi ni Aliyah. Nang matanggal ang dugo sa parteng iyon, nakahinga ng maayos si Aliyah ng makitang hindi malalim ang natamo ni Dylan. Na hiwa lang iyon ngunit mahaba. Hindi na iyon kailangan tahiin pa ngunit kailangan parin ni Dylan magpatingin sa doktor. "Ano ba ang nangyari bakit ka naholdap?" tanong ni Aliyah habang nilalagyan niya ng bandage ang sugat ni Dylan matapos iyon gamotin. Sinabi naman ni Dylan ang nangyari sa kanya kanina. Sa buong buhay niya ito ang unang aksidente na nangyari sa kaniya na nagdulot sa kanya ng takot at trauma. Labis ang takot na naramdaman niya kanina ng mahimasmasan sa pag akalang papatayin siya. Mabuti na lang may sasakyan na dumaan na nagsilbing tagaligtas niya. "Kung sino man ang tao na iyon, lubos akong nagpapasalamat sa kanya," madamdaming wika ni Dylan. "Mabuti naka abot ka pa dito. Paano kung nahimatay ka sa daan? Nakaligtas ka nga sa holdaper namatay ka naman dahil naubusan ka ng dugo sa daan." Napahawak si Dylan sa sugat nito sa tagiliran ng matawa siya sa sinabi ni Aliyah. "Ang savage mo naman," umayos siya ng pagkasandal at seryosong tumingin sa dalaga. "Thank you. I owe you my life." Tumayo si Aliyah matapos ligpitin ang gamit. "Alangan namang pabayaan kitang naghihingalo," aniya. " Kaya mo naman siguro maglakad. Doon ka na sa kwarto para makapagpahinga ka." Dylan nooded. "Hinde bale, maaga ako aalis bukas para hindi malaman ng mga tao na nandito na naman ako. Para iwas na rin sa iisipin nila. Pasensya na ulit, Aliyah." puno ng sinseridad na usal ni Dylan. Nasa kwarto na si Dylan habang si Aliyah nakatunganga parin sa sala. Laman parin ng katanungan ang isip niya kung bakit sa kanya pumunta si Dylan matapos ang masamang nangyari sa kanya. Hindi parin ba sila nagkabati ng asawa niya? Hindi parin ba siya pinapauwi doon sa bahay nila? Iilan na mga tanong ni Aliyah. Napatayo siya at naglakad-lakad upang maging payapa ang isipan. Ngunit paano kung magka infection si Dylan sa sugat niya? Paano kung may mangyaring masama sa kanya baka siya pa ang sisihin ng asawa ni Dylan dahil itinago niya ang lalaki dito sa bahay imbis na dahil ito sa hospital. Tinungo niya ang kwarto kung saan naroon si Dylan. Kumatok siya ng tatlong beses bago tinawag ang lalaki. "Dylan, dalhin na lang kaya kita sa hospital? Hindi ako makampanti, e." aligaga na wika ni Aliyah. Napaatras si Aliyah ng tumunog ang door knob at bumukas iyon. Mukhang nakapikit na ang lalaki dahil medyo namumula ang namumungay niyang mata. Napatingin si Aliyah sa katawan ni Dylan ng itaas ng lalaki ang laylayan ng damit upang ipakita iyon kay Aliyah. "Natigil na ang pagdurugo niya. Wala naman akong ibang naramdaman bukod sa kirot kaya huwag kang masyadong mag alala," kaswal na wika ni Dylan. "Mahirap makakuha ng masasakyan ngayon ng ganitong oras." "Okay, umm, uminom ka na lang kaya ng mefenamic o kaya amoxicilin baka--" "Aliyah, okay lang ako," pagpakalma ni Dylan sa dalaga. " Salamat. Malaking bagay na sa akin na pinatuloy mo ako at tinulungan. Don't worry to much." "Tawagan mo na lang kaya asawa mo para alam niya ang nangyari sayo. I'm sorry, natatakot lang ako if something bad happen on you." Sumilay ang maliit ng ngiti sa labi ni Dylan. "Sana nga ganoon lang kadali ang tumawag ng saklolo sa panahon na kinakailangan mo ng tulong," makahulugan na usal ni Dylan. "Magpahinga ka na. Masyado ng late ang gabi," malungkot nitong wika saka sinara ang pinto. Nakatingin lang si Aliyah sa nakasaradong pintuan. Gumugulo sa isip niya ang huling sinabi ni Dylan. Gaano ba ka lalim ang pinagmulan ng away nilang mag-asawa bakit ganito ang mga sinasabi ni Dylan? Gustong mang usisahin ni Aliyah, palaisipan parin sa kaniya bakit parang ang bigat ng mga salitang binibitawan ni Dylan. Nagdadalawang isip na humakbang si Aliyah, kung aakyat ba siya sa kwarto o manatili dito sa sala para bantayan ang lalaki. "Bakit ba ako nag aalala sa lalaking hindi ko naman lubos na kilala," himutok niya sa sarili at pumanhik paakyat sa kwarto. Pabagsak siyang humiga sa kama. Kahit anong pilit niya sa sarili na matulog hindi siya makatulog. Gusto niyang kutusan ang sarili dahil hindi maalis sa isipan niya ang malungkot na mukha ni Dylan na parang pasan ang kalungkutan ng mundo. "Noong nagpa ulan ang kalangitan, sa lahat ng pwede kong saluhin ang pagiging maawain pa," frustrated niyang usal. "Ka awa-awa rin naman ako pero hindi naman sila naaawa sa akin." Hindi alam ni Aliyah kung anong oras na siya tuluyang nakatulog sa pag iisip sa lalaki na nakikitulog sa bahay niya. AS MUCH AS HE WANTED TO FIX THE PROBLEM BETWEEN HIM AND NYXIA, lalo lang lumalala ang pagtatalo. Walang araw na hindi sila nagtatalo kaya minsan parang ayaw na ni Dylan na umuwi sa kanilang bahay. Pero paano naman si Cianne gayong kailangan pa nito ang kalinga ng isang tatay. Nakadilat parin ang mata ni Dylan. Nakahiga siya, nakapatong ang braso sa noo. Aliyah is very different to his wife Nyxia. Hindi iyon napigilang ipagkumpara ni Dylan habang inaalala kung paano magbigay ng atensyon si Aliyah. Kung paano ito mag alala, mag alaga kahit hindi naman siya ka ano-ano ng babae. Kay Aliyah siya nakaramdam ng pagpapahalaga na hindi niya iyon naramdaman at nakikita kay Nyxia. Gaya ng sabi ni Dylan, alas-kuwatro pa lang ng madaling araw umalis na siya sa bahay ni Aliyah. Tulog pa ang mga tao kaya walang makakita at maka alam na nadito na naman siya. Pero kahit naman may makakita sa kanya wala siyang pakialam dahil wala naman siyang ginagawang masama. Utak lang ng mga tao ang marumi dahil binibigyan nila ito ng masamang kahulungan na hindi muna nagtatanong at inaalam ang dahilan. "Phase 8, manong." wika ni Dylan ni driver ng tricycle. Ipinagdarasal niyang sana hindi malaman ni Nyxia ang nangyari sa kanya. Kilala niya ang babae, imbis na mag alala ito sa kanya at alagaan, baka nga kagalitan siya nito at bulyawan. Hindi naman malalim ang sugat niya pero magpatingin parin siya sa doctor mamaya. "Salamat manong," ani Dylan matapos iabot ang bayad niya. Dahan-dahan ang kilos ni Dylan na pumasok ng bahay. Sinisikap niyang hindi siya makalikha ng ingay baka magising si Nyxia at maabutan siyang may bahid ng dugo ang damit na suot. Tahimik at malinis ang bahay. Nanibago si Dylan ng iyon ang nadatnan niya pagkapasok. Usually, hindi ganitong bahay ang nadadatnan niya palagi kaya kahit papaano natuwa naman siya. Dumiretso siya kaagad sa laundry area. Hinubad niya ang damit at kinusutan ang parteng may bahid ng dugo. May natuyong mga damit siya dito kaya nagbihis na rin siya. Bago pumasok sa kwarto, sinilip muna ni Dylan ang kwarto ni Cianne. Nagulat si Dylan ng pagbukas niya wala ang anak doon. Sinara niya iyon ulit at nagmadali na tinungo ang kwarto ni Nyxia. Hindi na siya kumatok, binuksan niya iyon kaagad ngunit wala doon ang mag ina niya. Binundol ang kaba ang puso ni Dylan. Ngayon lang ito nangyari na wala ang mag ina niya sa bahay. Hindi naman niya natandaan na nagpaaalam ang anak na may pupuntahan sila ng nanay niya. Hindi rin nagsabi si Nyxia o kahit text man lang. Nasapo ni Dylan ang mukha at napa upo na lang sng ma realize na ninakaw pala ang cellphone niya. Sa sofa, doon hinintay ni Dylan ang umaga. Doon niya hinintay ang pag uwi ng mag ina niya ngunit nakatulog na ulit siya sa kakahintay walang dumating kahit isa sa kanila. Taranta si Dylan ng magising. Tanghali na. Sabado ngayon kaya walang pasok si Cianne pero bakit hindi parin sila bumabalik ni Nyxia. Nagmadaling nagbihis si Dylan at pumunta sa kanilang tindahan ngunit hindi raw dumaan doon ang mag ina niya ayon sa dalawang tagapangasiwa niya. Walang pagpipilian si Dylan kundi ang pumunta sa bahay ng mga magulang ni Nyxia. Sa bahay na kailanman hindi siya welcome. Nagtaka si Dylan ng pagkarating niya maraming tao, karamihan sa mga nandoon ay parang nagluluksa. Naging triple ang kaba sa puso niya sa pag akalang baka may masamang nangyari kay Nyxia o sa kanilang anak na hindi niya alam dahil hindi siya updated. Dahan-dahan ang bawat hakbang na ginawa niya. Nang makita ang kabuuan ng bahay biglang sumikdo ang kanyang puso. Na para bang may mabigat na nakabara doon ng makita niya ang picture frame ng isang matanda sa ibabaw ng kabaong.... ang matandang iyon ang ama ni Nyxia. Ang taong kahit katiting hindi siya tinanggap bilang asawa ng kanilang anak. Ang taong kinamumuhian siya ay patay na. Naging masama man ang matanda sa kanya naging masakit para kay Dylan ang pagkawala nito dahil hindi man lang sila nabigyan ng pagkakataon na makapag usap dalawa. Sana nakahingi pa ng tawad si Dylan sa kanya. Isang babae ang umiiyak na sumugod kay Dylan. Galit na galit ito na dinuduro ang lalaki. "Kasalanan mo bakit namatay ang tatay ko!" puno ng hinanakit na paninisi nito kay Dylan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD