Kahit anong pilit mong ibalik ang masayang nakaraan kung wala ng pagmamahal sa isa sa inyo wala parin patutunguhan. Kahit papaano nabutunan ng tinik ang puso ni Dylan matapos pakawalan ang matagal ng kinikimkim na hinanakit. Napagod na rin siyang magtago ng sekreto. Patay na rin ang matanda. Kahit isiwalat pa iyon ni Dylan wala na ring silbi. Alam niyang nasaktan niya si Nyxia sa kanyang mga sinabi ngunit mas mainam na iyon kaysa itago niya ang katotohanan. Tungkol sa tindahan, hindi na talaga hahayaan ni Dylan na maulit muli ang pang abuso na ginawa ni Nyxia sa pera. Hindi na niya hahayaan na gagamitin sa sugal ni Nyxia ang pinaghirapan niya. Sinadya niyang isekreto iyon dahil wala namang maitutulong si Nyxia kundi ang waldasin sa hindi makabuluhang bagay ang pera. Bago nagtungo sa ka

