HAPON na kinabukasan nang maisipan ni Shea na lumabas ng hotel room niya at magpahangin. Wala pang laman ang sikmura niya simula kagabi pero hindi niya pa rin magawang makaramdam ng gutom. She was still in grief but she was trying her very best to stop it. Siguro kapag nakaalis na sila sa lugar na ito at nakabalik na sa piling ng pamilya ay mababawasan na ang sakit at lungkot na nararamdaman niya. Napatigil siya sa paglalakad patungo sa elevator nang makasalubong si Patricia. Nasa mukha ng babae ang pagkainis pero hindi niya na pinansin ito. Ganoon din naman ito at parang walang nakitang nilampasan siya at nagtungo sa kuwarto nitong nasa tabi lang ng silid niya. Nagpatuloy na lang siya sa paglalakad. Nang makalabas siya ng hotel room ay nagtuloy siya sa tabing-dagat at inabala ang sarili

