MULI na namang nauwi sa pagkatulala si Shea habang nagpapatuyo ng sariling buhok sa loob ng banyo. Nakasuot lang siya ng shorts at maluwag na damit para sa pagtulog. Kanina pa pabalik-balik sa isipan niya ang natanggap na tawag na iyon kanina sa kuwarto ni Tom. Sino nga ba ang lalaking iyon? Bakit nito pinagbabantaan ng ganoon si Tom? Ano ba talagang gulo ang kinasangkutan ng nobyo niya? Ipinilig niya ang ulo at naiinis na napabuntong-hininga. Napakarami na namang tanong sa isipan niya. Napapagod na siya. Napapagod na siyang pilit intindihin ang nobyo. Inilagay niya ang tuwalyang hawak sa sampayan niyon bago muling humarap sa salamin at tinitigan ang sarili. Nababanaag ang kalungkutan sa mga mata niya. Kailan ba mawawala ang kalungkutang ito na bumabalot sa kanya? Ibinaba niya ang tingin

