Episode 20.1

510 Words

NAUPO si Shea sa tabi ni Tom sa loob ng waiting area ng ospital na kinaroroonan nila. Iniabot niya dito ang hawak na cup ng kape. Kitang-kita pa rin sa mukha nito ang takot at pag-aalala. Napatingin ito sa kanya at sa nangangatal na mga kamay ay kinuha ang cup ng kape. “S-Salamat,” mahinang wika nito. “K-Kumusta na siya?” tukoy nito kay Spencer. “Ayos na ang lagay niya. Natanggal na ang bala sa likod niya, hinihintay na lang namin siyang magising,” sagot niya. Tinitigan niya ang lalaki, naaawa na siya dito. “Ikaw, kumusta ka na?” Muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya, puno ng takot ang mga mata. “P-Papatayin niya ako kapag hindi ko nagawang bayaran iyon, Shea. S-Siguradong—” “Inako na ni Spencer iyon, hindi ba?” putol niya dito. “Siguradong tutulungan ka niya, Tom. May isang salita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD