HINDI inaalis ni Spencer ang pagkakahawak sa kamay niya habang pumapasok sila sa loob ng malaking bahay ni Tom. Agad naman silang sinalubong ng dati niyang nobyo at niyaya sila patungo sa living area ng bahay na iyon. Minsan lang siyang nakapunta sa lugar nito noon at hanggang sa malawak na living area lang siya nakarating. Sa pagkakaalam niya ay mag-isa lamang dito si Tom at linggo-linggo ay may dumadating na katulong para linisin ang bahay na ito. “Have a seat,” alok sa kanila ni Tom. Naupo ito sa single couch na naroroon samantalang sila ni Spencer ay sa katabi niyong mahabang leather sofa. Tinitigan niya ang dating nobyo. Suot pa rin nito ang damit na suot nito kahapon, magulo rin ang pagkaka-ayos ng buhok nito. Nakakaramdam rin naman siya ng awa para dito. Sumulyap si Tom sa magkas

