A/N: Nagkamali ako ng update last time. Hehe. Anyway, malapit nang matapos ang Mine, All Mine dito sa Dreame. Sana ay basahin niyo rin ang iba ko pang stories dito. May mga ia-upload din ako dito soon na wala pa sa w*****d. Abangan. DAHAN-DAHANG iminulat ni Shea ang mga mata at agad na hinanap ang presensiya ni Spencer sa tabi niya nang umagang iyon. Nagtaka pa siya nang makitang wala na ito sa tabi niya. Nag-iinat siyang bumangon at iginala ang paningin sa kabuuan ng kuwarto. Agad naman siyang napangiti nang makita itong lumabas ng banyo, katatapos lang nitong mag-shower. “Ang aga mo namang nagising,” bati niya dito. Bumaba siya sa kama at lumapit sa lalaki. “May pupuntahan ka ba?” Tumingin sa kanya si Spencer, may nababanaag na pag-aalangan sa mga mata nito. “Magpahinga ka pa, Shea,”

