“ANONG nangyari sa’yo, Shea?” bungad na tanong ni Spencer sa kanya nang mapagbuksan siya nito ng pinto ng hotel room na tinutuluyan nito dito sa Davao, punong-puno ng pag-aalala ang mukha nito. Hinila siya nito papasok sa loob bago isinara ang pinto pagkatapos ay ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito. “Anong nangyari sa’yo? Umiyak ka ba? Tell me, anong problema? Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko kanina,” sunod-sunod na tanong ng lalaki. Tinitigan niya ang lalaki at muli na namang napahikbi. Iniyakap niya ang mga kamay sa baywang nito at tumingala dito. “I… I broke up with Tom,” wika niya sa basag na tinig. “N-Nalaman niya ang tungkol sa atin.” Isinalaysay niya dito ang lahat ng nangyari sa pagitan nila ni Tom kanina, maging ang patungkol sa mga larawan na nanggaling kay Patric

