ILANG beses na humugot ng malalim na hininga si Shea bago itinaas ang mga kamay para kumatok sa pinto ng opisina ni Tom nang hapong iyon. Kagagaling lang nila ng ina niya sa ospital kanina at nalaman niya nga na anim na linggo na siyang nagdadalang-tao. Pinauna niya na ang ina sa pag-uwi dahil nakapag-desisyon na siyang kausapin si Tom ngayon at tapusin na ang relasyon nila. “Come in,” narinig niyang wika ni Tom mula sa loob. Pakiramdam niya ay may mga naghahabulang daga sa puso niya habang binubuksan ang pinto ng opisina nito. Pagkapasok niya sa loob ay agad niyang nakita itong nakaupo sa swivel chair nito habang may binabasang papeles. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at agad na napangiti. “Shea,” bati nito sa kanya. Sinenyasan siya nitong lumapit dito. Napalunok siya at naglakad pat

