NAKASALUBONG ni Shea sa b****a ng kusina nila ang Nanay Gemma niya nang magising siya nang umagang iyon. Ilang linggo na rin simula nang makabalik sila ni Spencer dito sa Davao. “Tinanghali ka na ng gising ngayon, Shea,” bati sa kanya ng ina. “Wala ka bang pasok sa opisina?” Napakamot siya sa ulo at naghikab muna bago sumagot. “Mayroon po, late na nga po ako. Hindi ko na narinig na nag-alarm ang alarm clock ko. Mamayang tanghali na lang siguro po ako papasok. Nakapasok na po ba sina John at Philip?” Tumango ang ina niya at pinagmasdan siya. “Kumain ka na muna ng agahan, anak,” sabi nito. “Maputla ka, wala ka bang sakit?” “Wala naman po,” bumuntong-hininga siya. Ang totoo ay kanina pa siyang nakakaramdam ng panghihina. Napahawak siya sa sikmura nang maramdaman na parang may humahalukay

