KINABUKASAN ay maagang nagising si Shea para ipaghanda si Spencer ng umagahan nito dahil sa pagkakaalam niya ay may meeting ito kasama ang ilang board members ng kompanya nito para sa plano nitong pag-i-invest sa kompanya ni Tom. Gusto niya ring mapagsilbihan ang lalaki sa abot ng makakaya niya. Habang hinihintay na maluto ang kanin ay inabala niya naman ang sarili sa pagbabasa ng magazine na nakapatong sa kitchen counter. Napatigil siya sa pagbabasa nang maramdaman ang presensiya ni Spencer sa likod niya. Niyakap siya nito mula sa likod at ipinatong ang baba sa balikat niya. She savored the heat coming from him. He wasn’t wearing anything, ramdam niya iyon kahit na nakasuot siya ng bathrobe. “Kumain ka muna bago ka pumunta sa meeting niyo,” sabi niya dito. “Ipinagluluto kita ng—” napati

