HINDI magawang pigilan ni Shea ang pagkasabik na nararamdaman habang hinihintay si Spencer na mabuksan ang pinto ng condominium unit nito sa Makati nang gabing iyon. Kararating lang nila dito at sa lugar na ito na nga siya nito unang dinala. Ito ang condominium unit kung saan una niya itong nakilala, dito rin siya nito unang inangkin. Hindi niya akalain na magagawa niya pang muling tumungtong sa lugar na ito. Her heart jumped when she heard the doorknob clicked open. Tumingin sa kanya si Spencer at ngumiti. “Come in,” yaya nito at nauna nang pumasok sa loob. Sumunod lang siya dito. Ganoon pa rin ang unit na iyon, halos walang ipinagbago ang disenyo niyon. All of the memories of their first meeting came rushing in her mind instantly. Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa bedroom area at

