“AALIS ka na ba talaga?” narinig ni Shea na tanong ni Spencer habang nakatapat siya sa salamin ng banyo ng hotel na tinutuluyan nito nang umagang iyon. Kasalukuyan siyang nagsusuklay ng mahabang buhok. Napalingon siya sa pinto ng banyo at nakita ang pagpasok nito doon. Wala itong suot na kahit ano. Muli niyang itinuon ang paningin sa salamin na nasa harap. “May trabaho pa ako,” sagot niya. “At saka kailangan ko na ring magpakita kina Inay, baka tawagan nila si Arianne at malaman pa na hindi ako doon natulog,” nako-konsensiyang dagdag niya. “Hmm,” lumapit ito sa kanya at malambing siyang niyakap mula sa likod. Nakatitig ito sa repleksyon niya sa salamin. “Mag-breakfast ka muna, o-order ako ng pagkain sa baba,” sabi pa nito. Isinandal niya ang likod sa dibdib nito at ibinaba ang hawak na

