HINIGPITAN ni Shea ang pagkakayakap sa katawan ni Spencer nang maramdaman ang masuyong paghalik nito sa buhok niya. Nakahiga sila sa kama ng hotel room na tinutuluyan nito dito sa Davao nang gabing iyon. Tumingala siya dito at dinampian ng mabilis na halik ang mga labi nito. Bumuntong-hininga ito at malawak na napangiti. “Hindi ka ba hahanapin sa inyo?” tanong nito habang nilalaro ng mga daliri ang mahabang buhok niya. “Nope,” umiling siya at pumaibabaw dito. She leveled her face to his and stared at his blue eyes. It was sparking with happiness. “Sinabi kong makikitulog muna ako kina Arianne,” itinaas niya ang isang kamay at marahang hinaplos ang buhok nito. “Beautiful,” sambit nito habang hindi inaalis ang pagkakatitig sa kanya. Malawak siyang napangiti at hinalikan ang kaliwang pisn

