NAPATIGIL si Shea sa pagtipa sa keyboard na nasa harap nang maramdamang may lumapit sa mesa niya. Ilang linggo na rin nang makabalik sila mula sa bakasyong iyon sa Samal Island, ngayon nga ay abala na siya sa pag-aasikaso ng mga naiwang trabaho niya dito sa opisina nila. Nag-angat siya ng tingin at nakitang si Tom iyon. Nagulat pa siya sa hindi inaasahang pagkakita dito dahil ilang araw din itong hindi pumapasok sa trabaho at ngayon nga ay hapon na itong dumating dito. Tinatawagan naman siya nito minsan para mangumusta pero hindi rin nagtatagal iyon. “T-Tom,” bati niya dito. Simula nang makabalik sila ay naiilang na siyang pakiharapan ang lalaki. Hindi pa naman siya maka-tiyempong kausapin ito ng maayos dahil malimit nga itong wala. Hindi niya alam kung ano ang pinagkaka-abalahan nito o

