DINIG na dinig ni Shea ang malakas na kabog ng puso niya habang naglalakad siya patungo sa condominium unit ng lalaking makakasama niya ngayong gabi. Nakasuot lamang siya ng simpleng fuchsia dress na binili pa ni Mama Annie para sa kanya. Simple lang din ang ginawa nitong pagkaka-ayos sa kanya.
Pakiramdam niya ay may humahalukay sa sikmura niya nang mapatapat siya sa pinto ng unit na ibinigay sa kanya ni Mama Annie kanina. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isipan niya na nagiging dahilan ng takot na nararamdaman niya. Paano kung isang dirty old man ang makakasama niya ngayong gabi? Paano kung kabayo pala ito? Paano kung bampira ito at—
Stop it, Shea! Pagpapatigil niya sa sarili. Relax. Relax. Relax. Humugot siya ng malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Smile. Smile. Smile. Isa iyon sa mga paalala ni Mama Annie sa kanya kagabi. Pinilit niya ang sariling ngumiti pero agad din iyong nawala. Paano ba naman siya makakangiti kung panay ang kabog ng puso niya sa matinding kaba?
Ipinikit niya ang mga mata at inayos ang pagkakalapat ng damit sa katawan niya. Bahala na. Kailangan niya lang mairaos ang gabing ito pagkatapos ay aalis na siya sa lugar na ito at kakalimutan ang nangyari. Ganoon lang kadali iyon.
Iminulat niya ang mga mata nang masigurong kalmado na siya. Muli siyang bumuntong-hininga bago itinaas ang isang kamay para kumatok sa pinto, pero agad din siyang napatigil nang maalalang may doorbell nga pala doon. Inilipat niya ang kamay doon at pinindot iyon. This is it. Once na mabuksan ang pinto ay kailangan niya nang harapin ang konsekuwensiya ng desisyon na ginawa niya.
Iniyuko niya ang ulo at pigil ang sariling hininga habang hinihintay na magbukas ang pinto. Ganoon na lang ang pagtalon ng puso niya sa kinalalagyan niyon nang makita ang pagbubukas niyon. Bumilang muna siya ng tatlo sa isipan bago dahan-dahang ini-angat ang ulo.
Agad na sumalubong sa kanya ang mukha ng isang lalaking ni sa panaginip ay hindi niya inaasahang masisilayan niya. The man in front of her was the most gorgeous man she ever saw in her whole life! Kahit mga kilala niyang artista dito at sa ibang bansa ay hindi mapantayan ang kaguwapuhang taglay ng lalaking ito.
He had a serious face. His brows were black and thick, matangos ang ilong nito at may mga labing mukhang napakasarap halikan. He was clean-shaven. Pero ang talagang nagustuhan niya dito ay ang asul nitong mga mata. Foreigner siguro ito o half, hindi niya alam. He was tall, a six footer maybe. Napababa ang tingin niya sa katawan nito. Bakat na bakat sa suot nitong white round-neck shirt na maganda ang pangangatawan nito, halatang alaga sa ehersisyo.
Napalunok siya nang biglang pumasok sa isipan kung ano ang itsura nito kapag wala ng suot na damit. Nag-init ang pakiramdam niya sa naisip. Siguradong maya-maya lang ay malalaman niya na ang sagot sa tanong na iyon.
“Hindi ka pa ba papasok?” narinig niyang tanong nito.
Bahagya pa siyang nagitla sa pagsasalita nito kaya napatingala siya dito. Ngumiti ito at sinenyasan siyang pumasok sa loob. Hindi niya inaasahan ang pagkakagulo ng t***k ng puso niya sa nakitang pag-ngiti nito. He was a killer, she was sure of that. Nakakapatay ito sa pamamagitan lamang ng ngiti nito. How could such a gorgeous man live on this earth? At paanong ang lalaki pang ito ang makakasama niya ngayong gabi?
Ipinilig niya ang ulo. Bakit ba nagkakaganito ang takbo ng utak niya? And why was she blankly standing here samantalang inaya na siya nitong pumasok sa loob? Hindi niya gustong mahalata nito na masyado siyang na-engkanto sa pagkakita dito.
Hinakot niya ang lakas at humakbang papasok sa loob ng unit nito. Nang mai-lock nito ang pinto ay muli itong humarap sa kanya. “I’m Spencer, by the way,” pagpapakilala nito.
Tiningnan niya ito at muli na naman niyang nasalubong ang mapang-akit na asul na mga mata nito. He was so handsome, really. “Half-Filipino ka?” wala sa isip na naitanong niya.
Tumango ito at ngumiti. “Yes, and half-American, mahigit limang taon na ako dito sa Pilipinas.”
Tumango-tango siya. Kaya pala malinaw ang Tagalog nito.
“And you are?”
“S-Shea,” pagpapakilala niya.
“Iyan ba ang totoo mong pangalan?” tanong pa nito.
Natigilan siya sa sinabi nito pero agad ding nagyuko. “Tawagin mo na lang akong ‘Shea’,” aniya.
“Shea,” banggit nito sa pangalan niya.
Muli siyang napatingin dito. He had a warm and deep voice. And the way he mumbled her name sent a tingling sensation down her spine. Pakiramdam niya ay pulang-pula na ang mukha niya kaya mabilis niyang iniiwas ang tingin sa matiim na titig nito. Inilipat niya iyon sa kabuuan ng unit nito.
The design of the whole unit was open plan. Sa kinatatayuan nila ay tanaw na tanaw niya ang lounging area at ang bedroom area nito. Marahan niyang ini-hakbang ang mga paa para pagmasdan ang buong lugar, paraan niya iyon para pansamantalang alisin ang kabang nararamdaman. Hinayaan lang naman siya nito.
May L-shaped sofa sa lounging area na siyang nagsisilbing barrier niyon sa bedroom area. The sofa looked like a cozy zone where you could snuggle up with someone. Inilipat niya ang tingin sa bedroom area kung saan may open sided walk-in closet hindi kalayuan sa malaking kamang naroroon. Nakakakalma ang kulay na ginamit para sa bedroom area na iyon, mukhang napakalambot din ng mga fabrics na nasa kama. The whole unit was a grand statement of luxury. Hindi maikakaila na napakayaman ng lalaking ito.
The lighting of the whole room was dim, creating a sense of nervousness within her. Lumakad siya patungo sa isang estante malapit sa kama at tiningnan ang mga naka-display na toy yatch doon at ilang mga souvenir items mula sa iba’t ibang parte ng mundo. May nakakabit din sa dingding na mga mapa ng iba’t ibang lugar.
“I travel a lot.” Napapiksi siya nang marinig ang tinig ni Spencer sa likod niya. Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito.
Napalingon siya dito. “Nalibot mo na ang buong mundo?” tanong niya para lamang may mapag-usapan. Hindi niya gustong mapansin nito ang kabang nararamdaman niya.
“Hindi naman,” sagot nito. “But half of the world, yes.”
Nanlaki ang mga mata niya. Napakarami talaga siguro nitong pera para magawa ang bagay na iyon. Hindi ba at parang balewala lang ang pagbabayad nito ng kalahating milyon para sa isang gabi kasama siya?
Napatingin siya dito nang marinig ang pagtikhim nito. “Nag-dinner ka na ba?” tanong nito.
Tumango siya. “Kumain na ako bago ako pumunta dito,” tugon niya.
Tumango na lang din ito. Mahabang sandaling katahimikan ang namagitan sa kanila. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Hindi niya rin alam kung ano ang dapat gawin. Lahat yata ng mga itinuro sa kanya ni Mama Annie kagabi ay naglahong parang bula sa isipan niya.
“Magsa-shower muna ako,” basag ni Spencer sa katahimikan. “Kagagaling ko lang sa trabaho. Kung gusto mong mag-shower maya-maya, sumunod ka na lang sa akin,” pagkatapos ay muli itong ngumiti at tumalikod na para tumungo sa isang pintong naroroon na siguradong ang banyo ng unit na ito.
Pinakawalan niya ang pinipigil na hininga nang makapasok ito sa loob. Sa nanlalambot na tuhod ay tumungo siya sa kama at pabagsak na naupo doon. Napatitig siya sa kamang kinauupuan. Maya-maya lang ay magpapa-angkin na siya sa lalaking iyon sa ibabaw ng kamang ito.
Ipinikit niya ang mga mata at pinilit kalmahin ang naghahabulang t***k ng kanyang pulso. Kailangan niyang mag-relax. Hindi dapat siya matakot dahil mukha namang hindi masamang tao si Spencer. Mukha namang hindi siya nito sasaktan. Ilang minuto siyang nasa ganoong posisyon nang magitla siya pagkarinig sa pagbubukas ng pinto ng banyo.
Napalingon siya doon at nanlaki ang mga mata nang makitang nakasuot na lang ng bathrobe si Spencer. Tumutulo pa ang mamasa-masa nitong buhok. Tumingin ito sa kanya at nagrambulan na naman ang pagtibok ng puso niya sa pagsasalubong ng mga mata nila.
“Puwede ka ng mag-shower kung gusto mo,” sabi nito.
“Ah… s-sige,” nauutal na wika niya at nakayukong lumakad patungo sa loob ng banyo. Pagkapasok niya sa loob ay agad siyang napasandal sa pinto at mariing napapikit. She was going crazy and her heart was about to burst. Ilang beses siyang humugot ng malalim na hininga bago iminulat ang mga mata. Kailangan mo itong gawin, Shea.