Chapter 23

1193 Words

NAALIMPUNGATAN si Lucey na parang naririnig ang tinig ng kanyang Papa. Nang imulat niya ang mga mata niya ay nakita niya itong nakatayo sa tabi niya at kalong-kalong ang kanyang anak. Hindi nito napuna ang paggising niya. He looked younger and more lively habang nilalaro nito si Dave Richard. Pangalawang beses na niyang nagising mula nang manganak siya at hindi man lang niya ito nakita. Sina Mafi at Francesca lang ang tinanggap niyang bisita. Natigilan ang kanyang Papa sa paghehele sa baby niya nang makita siya nitong nakadilat. "Lucey, ano'ng nararamdaman mo, anak? Are you okay?" nag-aalalang tanong nito. Ipinikit niya ang mata dahil pakiwari niya ay dinadaya siya ng kanyang pandinig. Her father never called her daughter with such intense emotion. "I'm feeling better, Pa." Iminulat ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD