NAKATINGIN sa kisame si Lucey habang iniisip kung ano ang gagawin niya sa buhay niya. Wala pa siyang definite plans kung ano ang gagawin niya pagka-panganak. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya sa anak niya. Natigilan siya nang may kumatok. Sasagot sana siyang nang marinig niya ang boses ni Melvin. "Lucey, gising ka pa? Dinalhan kita ng gatas." Hindi siya umimik. Nang bumukas ang pinto ay ipinikit niya ang mga mata at nagkunwaring tulog. Narinig niya ang mga yabag nito at ang dahan-dahan nitong paglalapag ng baso ng gatas sa bedside table. Naramdaman niya na matagal siyang tinitigan nito. Parang pinag-aaralan ang mukha niya. After that, she felt him kissing her abdomen. "Goodnight, baby," she heard him murmur. Akala niya ay aalis na ito matapos iyon. Muntikan nang lumukso ang pus

