bc

The Art Of Unloving You

book_age18+
391
FOLLOW
1.6K
READ
billionaire
revenge
possessive
self-improved
heir/heiress
drama
city
cheating
wife
like
intro-logo
Blurb

Maristella Santos-Villareal, mabuting asawa at mapagmahal na ina. Sisirain ng panloloko ang buhay niyang inakala niyang isang magandang pahina sa libro.

Nagtatrabaho siya sa isang mall bilang promodizer nang makilala niya si Knight Rave Villareal, walang hindi nakakakilala sa lalaki dahil anak ito ng may-ari ng pinakakilalang mall sa bansa na siyang pinagtatrabahuhan niya.

They are worlds apart pero agad nabighani si Knight sa angking ganda ni Stella at inaya agad na magpakasal ito.

Sa apat na taong pagsasama ay biniyayaan sila ng isang supling, supling na inakala ni Stella na magbubuklod sa kanila ngunit isang malagim na aksidente ang makakapaglayo sa kanya sa anak niya.

Aksidenteng naging daan upang iwanan siya nang tuluyan ng asawang pinaglingkuran at minahal ng lubos.

Ang buhay niyang mala-Cinderella ay agad na binawi ng tadhana nang iwan siya ng asawa at sumama sa iba bitbit ang kanilang anak.

Lumisan at nagpakalayo si Stella, ngunit sa kanyang pagbabalik ay handa siyang bawiin ang anak mula sa dating asawang itinuring siyang basura.

Handa ba siyang harapin itong muli? Handa ba ang puso niyang kahit lumipas ang panahon ay nagmamahal pa rin?

Paano kung sa kanyang pagbabalik ay nag-iba na ang lahat?

Babalik siyang dala ang sikreto ng kanyang pagkatao.

"Dumating ka sa buhay ko na buo ako, tinanggap kita, minahal kita pero ano'ng ginawa mo? Winasak mo lang ako, ngayon durog na durog ako..."

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 MRS. VILLAREAL
Ilang beses na akong napapatingin sa wall clock sa aming sala, nagulat pa ako na magaalas-dose na pala ng madaling-araw. Muli ko'ng sinipat ang oras sa cellphone ko ngunit kahit isang text ay walang ipinadala ang asawa ko. Nilingon ko ang hapag-kainan at gusto ko'ng manlumo nang makitang halos maupos na ang kandilang kanina lamang ay matangkad pa, ang mga pagkaing pinagbuhusan ko ng oras na pasarapin ngayon ay malamig nang lahat. Sinubukan ko'ng tawagan muli ang cellphone ni Knight ngunit operator lang ang sasagot at paulit-ulit na sasabihing out of reach ang numero nito. Tumawag ako sa opisina nito kanina at sinabi ng sekretarya niyang si Iris na maagang umalis ang boss niya at nagmamadali pa umano ito. Natuwa naman ako sa kaisipan na baka pauwi na siya at sosorpresahin ako. Tulad ng nakagawian niyang gawin noon. Ngayon ang ika-apat na anibersaryo ng kasal namin, at bawat taon ay lumalabas kami upang iselebra iyon, ngunit kanina nang magising ako ay wala na siya sa tabi ko. Naghintay ako ng tawag niya kung aalis ba kami ngunit namuti lang ang mata ko kakahintay dahil wala siyang sinagot sa lahat ng mensaheng ipinadala ko. Kaya naisipan ko na lang na magluto at sorpresahin siya, ngunit madaling-araw na wala pa rin siyang paramdam. Nag-aalala na rin ako na baka ano na ang nangyari sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako at nanghihinang tumayo at lumakad na patungo sa lamesa na may apat na putaheng nakahain. Kaunti pa lang ang bawas nito dahil ang tatlong taong gulang na anak ko'ng si Archer Moon at ang katu-katulong ko sa pag-aalaga na si Abby pa lang ang kumain at kanina pa parehong himbing sa pagtulog sa couch. Ayaw umakyat ni Archer sa kuwarto niya dahil gusto niyang kasama siya sa pag-surprise sa Daddy niya. Inuumpisahan ko nang iligpit ang lamesa nang marinig ko ang pagtigil ng sasakyan ni Knight sa labas. Napangiti ako at nagmadaling pagbuksan siya ng pinto. "Knight!" pagbati ko habang nakangiti ngunit napawi ang ngiti ko nang makita na susuray-suray siya habang naglalakad palapit sa akin. "Good evening Mrs. Villareal!" nakangisi niyang turan habang idinidipa ang mga braso upang yakapin ako. Napatda na lang ako at hindi nakakilos hanggang sa ibagsak niya ang bigat sa akin kaya naman halos matumba kaming dalawa habang tumatawa siyang mag-isa. Naaamoy ko ang masangsang na amoy ng alak at sigarilyo sa kanya kaya naman tinakpan ko ang ilong ko. Sa tagal ng aming pagsasama ay ngayon ko lang nakitang ganito kalasing ang asawa ko, lalo na ang sigarilyo na ni minsan hindi ko naamoy sa kanya, ngayon lang. May matamis na amoy din ang nakakapit sa kanya, sa pakiwari ko ay pabango ng babae ang nakadikit sa damit niya ngayon. "Saan ka ba galing Knight? Kanina ka pa hinihintay ng anak mo!" sikmat ko sa kanya habang paika-ika ang lakad namin papasok sa bahay. "Oh! Where is my Archer? Archer! Daddy is home!" sumigaw siya ngunit tinakpan ko ang bibig niya dahil ayoko na sanang makita siya ng anak namin na ganito ang itsura. "Tulog na siya Knight kaya puwede ba tulungan mo akong iakyat ka sa kuwarto para mabihisan kita. Ang baho mo!" reklamo ko sa kanya nang nasa hagdan na kami. Sa laking lalaki ni Knight ay pakiramdam ko may pasan ako'ng isang kaban ng bigas, tumawa lang siya at bumubulong-bulong na hindi ko maintindihan. Pagdating sa kuwarto namin ay ibinagsak ko siya sa higaan. Mabuti na lang at malambot ang kama dahil kung hindi baka nawala ang kalasingan niya dahil masisira ang kamang ilang beses naming pinalitan noong bago pa lang kaming nagsasama. Kumuha ako ng plangganita at bimpo sa lalagyan, nilagyan ko ng kaunting alcohol upang kahit hindi siya maligo ay maging maalwan ang pakiramdam niya. Habang hinuhubad ko ang long-sleeve polo niya ay napakunot-noo ako nang mapansin ang ilang kalmot sa dibdib niya. Sinipat ko ng maige iyon at napatingin kay Knight, saan ba nagsuot ang lalaking ito at ang daming kalmot? May pusa ba sa pinuntahan niya at sinaktan siya dahil alam na ayaw ng asawa ko sa pusa? Sa naisip ay natawa ako, nahubad ko na nang tuluyan ang damit niya at mas nagulat ako nang mapansin na may mga kalmot din siya sa braso at likod niya. Hindi ko alam kung ano'ng mayroon ngunit biglang kumabog ng mabilis ang puso ko habang nakatingin sa mga kalmot niya. Napansin ko rin ang kalmot sa tattoo niya na pangalan ko ang nakalagay sa kulay asul na rosas. Parang kinutkot ang balat niya na mismong tapat sa pangalan ko na mas ikinakabog ng dibdib ko. Kumuha ako ng betadine at isinabay na sa paglilinis ng katawan niya ang paggamot sa mga sugat niya. Iniwasan ko'ng matamaan ang mga sugat ng tubig na may alcohol dahil baka magising siya sa hapdi nito. Hinuhubad ko ang pang-ibaba niya nang bigla siyang magsalita na mas nagpalalim sa mga gatla ko sa noo, "Vera... Vera come here and hug me..." sa sinabi niya ay natulos ako sa kinauupuan ko. Vera? Sino siya? Kilala ko ang lahat ng kaibigan niya at walang Vera ang pangalan doon. Mas bumilis ang t***k ng puso ko habang pinagmamasdan lang si Knight na pabiling-biling sa higaan. Malamang ay sa kumpanya nila iyon o kaya naman isa sa mga kaibigan niya na hindi ko pa nakikilala kaya isinawalang bahala ko na lamang. Nang matapos ko siyang bihisan ay inipon ko ang damit niya para dalhin sa labahan ngunit muli ko'ng naamoy ang pabango na kanina lang ay naamoy ko kay Knight. Inilapit ko sa mukha ang mga damit niya at mas tumapang pa ang amoy niyon. Ayoko'ng mag-isip at maghinala sa asawa ko ngunit iba ang kutob ko sa mga oras na ito. Una na ang pagkalimot niya sa wedding anniversary namin, pangalawa ang pag-uwi niya ng lasing na hindi niya ginagawa dahil maingat magmaneho ang asawa ko lalo kapag kasama kami ni Archer. Pangatlo ang pagbanggit niya sa pangalan ng isang babae, ano'ng sinabi niya? Yakapin siya? Bakit siya magpapayakap sa Vera na 'yon? Nilingon ko muli si Knight na ngayon ay pantay na ang paghinga at humihilik pa ng mahina. "Ano'ng nangyayari sa'yo Knight?" bulong ko sa hangin bago isinara ang pinto ng kuwarto at bumaba upang iakyat si Archer sa kuwarto niya na katabi lang ng kuwarto namin. Ginising ko si Abby at sa kanya ko na ipinasabay ang mga damit ni Knight sa labahan sa likod-bahay kung nasaan din ang kuwarto ni Abby. Kinabukasan ay nagising ako na wala na si Knight sa tabi ko. Ilang araw ko nang napapansin ang pag-alis niya nang sobrang aga na hindi nagpapaalam sa akin o ginigising man lang ako na dati niyang ginagawa. Napabuntong-hininga na lang ako at tumayo, nakita ko sa orasan na magaalas-siyete na, kailangan ko nang maghanda sa pagpasok ni Archer sa eskuwelahan at ako mismo ang nagluluto ng mga baon niya at naghahatid sa kanya sa school. Naabutan ko si Abby na nagpapainit ng tubig para sa kape, "Abby ano'ng oras umalis ang kuya mo?" tanong ko habang inilalabas ang bacon mula sa freezer. "Ay wala na ba siya sa taas ate? Hindi ko pa siya nakikita mula nang magising ako," sagot ni Abby habang kunot-noong nakatingin sa akin. "Ha? Ano'ng oras ka ba nagising?" "Alas-sais po ate," sagot ni Abby saka itinuloy ang pagtitimpla niya ng kape. Tumango na lang ako ngunit puno pa rin ng tanong ang isip ko. Inilabas ko ang cellphone ko upang i-check kung nag-text man lang ba siya upang ipaalam kung nasaan siya ngunit walang text o kahit missed call mula sa kanya. Bagsak ang balikat na nagluto ako at inasikaso ang anak ko bago siya inihatid sa school. Tulad ng dati ay iniwan ko siya kay Teacher Sai na siyang tumututok sa anak ko. "Bye Mommy I love you!" pahabol na sigaw ni Archer sa akin na sinagot ko ng flying kiss. "Mommy loves Moon so much! Be a good boy okay?" ganting sigaw ko saka naman siya kumapit kay Teacher Sai at excited na pumasok sa school. Nakipaghuntahan pa ako sa ilang mga magulang ng kaklase ni Archer saka nagpaalam na umalis matapos naming pag-usapan ang paglabas ng mga anak namin sa darating na Sabado para makapag-bonding naman kami. Dumiretso muna ako sa grocery at naghanap doon ng mailuluto para sa meryenda ni Archer mamaya nang biglang bumangga ang cart ko sa isa pang cart. "Oh I'm sor-" paghingi ko ng paumanhin sa babaeng ngayon ay masama ang tingin sa akin, ngunit natigil ang paghingi ko ng tawad nang marinig ang pamilyar na tinig ng asawa ko. "Vera!" sigaw niya 'di kalayuan sa amin. Hindi pa niya ako nakikita dahil nasa isle pa ako samantalang ang babaeng nakabangga ko ay nakaharap sa akin. "You're too fast! I said kukuha lang ako ng cheese for enchilada," hindi ko man nakikita ay alam ko'ng nakangiti ngayon ang asawa ko. Kabisado ko na ang bawat buka ng bibig niya, at kahit saan kami dalhin ay makikilala ko siya, kahit pa hindi ko nakikita ang mukha niya ay alam ko'ng siya iyon. I have this sensation that I feel when my husband is around, and right now I can feel his aura. I'm about to show myself when the woman confirmed that it's Knight. "Sorry Knight I'm rushing sin-" the woman explained in a shy tone but I cut her off and look at my husband. "Knight," walang emosyon ko'ng pagkuha sa pansin ng asawa ko na masuyong nakatingin sa babaeng nakatitig din sa kanya. I hide my shaking hands inside my pocket and I almost cry when I saw my husband's arm on the woman's waist. Nakita ko ang pamumutla ni Knight nang mapatingin sa akin at mabilis na inalis ang kamay niya sa bewang ng babae. "S-stella what a-are you doing here?" gusto ko'ng mapangiti ng mapait nang makita ang alinlangan sa mga mata niya. Palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng babae. Mabilis siyang lumapit sa akin ngunit umatras ako bigla upang hindi niya ako mahawakan. "Stella I can ex-" tangkang paliwanag niya ngunit pinutol ko ang anumang sasabihin niya. Muling nanumbalik sa akin ng sakit... "Naihatid ko na ang anak natin Knight, kahapon ka pa niya hinahanap at ni hindi ka niya inabutan kanina kaya naman itinatanong ka niya na sa'kin," flat kong sagot at nag-umpisang humakbang paatras. Iminuwestra niya ang kamay sa babae habang nakangiti, napansin ko naman ang kakaibang ngiti na iginawad sa akin ng babae, "Stella this is Vera, she's my new bus-" "Excuse me, mauuna na ako," hinatak ko ang cart ko paatras habang walang emosyon ang mata at mukha ko'ng nakatitig sa asawa ko'ng ngayon ay biglang dumilim ang mukha sa inasal ko. "Stella!" matigas na pagtawag niya sa pangalan ko ngunit hindi ko siya nilingon. Mabilis ako'ng lumakad papuntang parking lot at basta na lang iniwan ang cart na halos mapuno ko na ng laman. Gusto ko munang umiwas sa komprontasyon lalo at maraming tao sa paligid. Pagsakay sa sasakyan ko ay bigla ako'ng napabuga ng malakas na hangin. Namalisbis ang luha sa mga mata ko, parang binibiyak ang puso sa kirot na nararamdaman nito. Hindi naman ako tanga, hindi rin ako ipinanganak kahapon para hindi malaman kung sino ang Vera na 'yon sa buhay ng asawa ko. Kagabi pa 'ko nagtitiis, kagabi pa 'ko nasasaktan, tama nang makita ng dalawang mata ko ang panloloko ng asawa ko na hindi ko alam kung gaano na katagal. Napansin ko ang pigura niya na palabas ng grocery habang lumilinga sa paligid, malamang ay hinahanap ang sasakyan ko. Bigla namang nag-ring ang telepono ko at napansin ang pangalan ng teacher ni Archer. Sinagot ko iyon at inilagay sa speaker, sa nanginginig na kamay ay inilagay ko ang susi sa ignition at binuhay ang sasakyan. "Mrs. Villareal this is teacher Sai, Archer is currently here at the clinic and is running a fever. Please pick him up, I've already signed his paper," kinakabahang wika ng teacher ni Archer. Nakatitig pa rin ako sa tumatakbong si Knight at wala sa loob na napatango, nakalimutan na hindi ako nakikita ng kausap. "Hello Mrs. Villareal? Are you there?" tanong nito kaya mabilis na hinamig ko ang sarili ko. Nakita ko'ng napalingon sa gawi ko si Knight at nang makita ang sasakyan ko ay tumakbo siya palapit sa akin. "Yes Teacher Sai, I'm on my way. Give me 10 minutes," sagot ko sa guro at pinatay ang tawag. Kasabay ng pagbaba ko ng tawag ay ang pagpukpok ni Knight sa bintana ng kotse, "Stella open this! Stella!" madilim ang mukha niya ngunit wala na ako sa sarili. Sumabay pa sa isipin ko ang lagay ng anak ko sa eskuwelahan. Nilagpasan ko siya at hindi pinakinggan ang pagtawag sa pangalan ko, tinignan ko na lamang siya sa sideview mirror at napansin ang paglabas niya ng cellphone niya. Nag-ring muli ang telepono ko at nakitang siya ang tumatawag. Nang mawala siya sa paningin ko ay saka ko lang sinagot ang tawag at pumailanlang sa sasakyan ang mala-kulog na boses niya. "I told you to open your door pero hindi ka nakinig Stella! Vera is an important person at binastos mo ako sa harap niya. Go back here and apologize for being rude!" sigaw niya ngunit sarkastikong tawa lang ang isinagot ko sa kanya. "No one is more important than my son Knight at kailangam niya ako ngayon. His teacher called me at sinabing may lagnat siya kaya ako nagmamadaling umalis. Now kung iyan lang ang ikinagagalit mo eh ibaba mo na ang telepono dahil wala na akong pakialam Knight," malamig na sagot ko sa kanya. Uminit na ang magkabilang dulo ng mga mata ko sa mga luhang nag-aabang sa pagpatak. "What-" "Alam ko na Knight, alam ko na," sa nanginginig na boses ay wika ko. "What the hell are you talking about Maristella? I'll meet you a-" hindi niya natapos muli ang sasabihin dahil muli akong sumabat. "That woman is your mistress Knight! You are so drunk last night so you keep on blabbering and speaking gibberish words. You know what you said? That you love that woman more than you ever love me! G*go ka Knight ako ang asawa mo! Ahhh!" hinampas ko ng malakas ang manibela ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Puno ng luha ang mga mata ko kaya naman hindi ko napansin na may makakasalubong na ako'ng sasakyan na matulin din ang takbo. "Oh sh*t!" napamura ako nang hindi ko maapakan ang break. "Stella? Stella what's happening? Stella!" dinig ko ang pagmumura ni Knight sa kabilang linya. Huli na para kabigin ko ang manibela ko dahil mabilis na sumalpok ang sasakyan ko sa pulang pick-up truck. Narinig ko pa ang pagsigaw ni Knight sa pangalan ko mula sa kabilang linya, kasabay ng tunog ng mga bakal na nagsalpukan. Patuloy sa pagtulo ang luha ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon both physically and mentally. Ang sirena ng ambulansya ang huling narinig ko bago ko tuluyang ipinikit ang mga mata ko. "Moon..."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.9K
bc

His Obsession

read
74.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
98.8K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook