ILANG ORAS na akong nakatitig sa screen ng computer ko, pero wala pa rin akong matapos tapos na trabaho. I need to focus, I need to finish this report. Pero paano ko magagawa ang trabaho kung paulit-ulit na nagpa-flashback sa utak ko ang boses ni Andriuz. Inakit mo ako at nilunod sa mga halik mo. And now you expect me to just walk away? Héll no! You’ve ruined my life, and I’ll ruin your heart in return. I won’t stop until you’re all mine. Until you're all mine. Until you're all mine. Gusto ko ng ipukpok ang ulo ko sa desk ko dahil hindi ko na siya matanggal sa isip ko. Tatlong araw na ang lumipas mula nang huli kaming mag-usap, pero bumabalik-balik pa rin sa isip ko ang mga sinabi niya. It's like a broken record, stuck on repeat. Hindi ko na alam kung ilang beses ko nang tinangkang b

