bc

KISS ME, NINONG (SPG)

book_age18+
15.1K
FOLLOW
142.5K
READ
billionaire
HE
age gap
powerful
heir/heiress
bxg
kicking
bold
like
intro-logo
Blurb

WARNING ‼️ SPG

✓Age-gap-story

✓Billionaire/CEO

✓Hot béd scene

NAABUTAN ni Amara sa condo ang kanyang boyfriend na húbo't húbad habang nakasakay sa ibabaw ng katawan nito ang bestfriend niyang si Danica.

Dahil sa labis na inis at pagkadismaya, nagpunta siya sa bar at nilunod ang sarili sa alak. Kinabukasan nagulat siya nang magising siya sa kwarto ni Andriuz Zaldivar, ang boss niya sa kompanya, at ang gwapong ninong ng taksil niyang bestfriend na si Danica.

Ang Ninong kaya ng kaibigan niya ang maging gamot sa puso niyang nasaktan ng sobra?

chap-preview
Free preview
KISS AND TEQUILA
"Isang shot pa ng tequila." Inabot ko sa bartender ang shot glass ko. May pag-aalinlangan sa kanyang mukha dahil alam niyang marami na akong nainom pero wala siyang nagawa at sinunod pa rin ang aking gusto. Kinuha ng bartender ang aking baso, nagkibit-balikat, at nagsimulang magbuhos. "Cheers!" sabi ko sa aking sarili bago ko tinungga ang tequila. Agad na kumalat ang init ng alak sa aking lalamunan, at kahit saglit lang pakiramdam ko gumaan ang aking pakiramdam. "Isa pang shot,” mariin kong utos sa bartender at muli niyang binuhusan ang shot glass ko ng tequila. Pinigilan kong pumatak ang aking luha nang maalala ko ang nangyari kanina. 5th anniversary namin ngayon ng boyfriend kong si Henry. Ex boyfriend na pala. We've been lovers since high school. Siya na ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Pero lahat 'yon nagbago nang maabutan ko siya kanina sa kanyang condo na hubo't hubad na nakahiga sa kama, habang nakapatong sa ibabaw ng katawan niya ang bestfriend kong si Danica. Sa galit ko kanina, gusto ko silang patayín dalawa, pero pinili ko nalang umalis at dumiretso dito sa Midnight bar para ibuhos lahat ng galit, inis at pagkadismaya. Sa lahat ng babaeng magtatraydor sa'kin, bakit ang kaibigan ko pang si Danica? Ano bang nagawa kong mali sa kanya para gawin ang isang bagay na masasaktan ako ng sobra? Halos dalawang oras na ako dito sa bar at marami na rin akong naiinom na tequila. Nahihilo na ako pero patuloy ko pa ring nilunod ang sarili ko sa alak. Sabi nila, alak ang gamot sa pusong nasaktan ng sobra. Pakiramdam ko masusuka na ako kaya bumaba ako sa stool na kinauupuan ko. Napamura ako nang bigla akong mahilo dahilan para mawalan ako ng balanse. Bago pa ako bumagsak sa sahig, naramdaman ko ang malalakas na bisig na sumalo sa beywang ko. Inangat ko ang tingin ko para makita ang mukha ng lalaki. Malabo ang aking paningin pero naaaninag ko ang mapupungay niyang mga mata na nakatitig sa'kin. Amoy na amoy ko rin ang nakakaadik niyang pabango na may halong alak din. "Kaya ko 'to... Bitawan mo ako." Sinubukan ko siyang itulak, pero parang walang lakas ang aking mga braso. "Do you think you can handle yourself in your current situation? You drunk brat!” Naramdaman ko ang init ng kanyang katawan habang inaayos niya ang posisyon ko. "Let's go home." Hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko itong iwinakli. "I'm sorry mister, you're handsome and fúcking hot, pero hindi ako sumasama sa hindi ko kilala. Oo gwapo ka...pero baka drúg addíct ka." "Stop talking nonsense. Umuwi na tayo dahil lasing ka na." Kumunot ang noo ko dahil sa tono ng pananalita niya parang kilala niya ako. Kahit na nahihilo, pinilit kong itama ang aking paningin para mamukhaan siya. Matangkad siya, probably 6'1 ft. Matangos ang ilong. Sakto lang ang kapal ng kilay niya na bumagay sa kanyang malalim na mga mata. At 'yong labi niya mukhang malambot at parang nang-aakit ito na halikan ko siya. "Amara..." tawag niya sa'kin dahilan para bumalik ako sa huwisyo. Kumunot ang noo ko nang makilala ko siya. Si Andriuz Zaldivar, ang gwapong bestfriend ni kuya. He's 38 years old, and still fúcking hot. "Oh it's you, Ninong..." Mapakla akong tumawa para maasar siya. Hindi ko siya Ninong. Ninong siya ng malandi kong kaibigan na si Danica. "Amara..." May pagbabanta sa boses niya at seryoso ang ekspresyon ng kanyang mukha. I know he's mad now. "Lasing ka nang babae ka. Let's go home." Hinila niya ang kamay ko pero mabilis ko itong iwinakli. "No! Ayaw ko pang umuwi. Gusto ko pang maglasing at ibuhos lahat ng–" Napahagulgol na ako kasi sobrang sakit. Sobrang bigat sa pakiramdam. 'Yong lalaking minahal ko ng sobra at 'yong pinagkatiwalaan kong kaibigan, niloloko na pala ako nang hindi ko alam. "Stop crying. Ang panget mo kapag umiiyak ka." Pinunasan ko ang luha ko at matalim ko siyang tinitigan. Siguro tama siya. Panget siguro ako dahil nagawa akong ipagpalit ni Henry sa bestfriend kong si Danica. "Bakit mas maganda ba ang inaanak mo? Ang inaanak mong malandi!" Hindi ko alam kung bakit ko nasabi 'yon, pero masyado nang nasasaktan ang puso ko kaya kung anu-anong salita ang lumalabas sa bibig ko. "Amara, tama na..." Kalmado ang boses niya pero alam kung malapit na siyang maubusan ng pasensya. "Tama na? Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon, ha? 'Yong inaanak mo, inahas ang boyfriend ko..." Sunod-sunod na pumatak ang mga luha sa aking pisngi. Bigla niya akong niyakap ng mahigpit, na parang gusto niyang alisin ang sakit na nararamdaman ko. "Stop wasting yourself on someone who doesn't deserve you. Let's go. I'm taking you home." “Bitawan mo ako...” Sinubukan ko siyang itulak palayo pero masyado siyang malakas. Bawat patak ng luha ko, lalo lang akong nagagalit. Hindi ko mapigilang magtanong sa sarili kung bakit nagawa sa'kin 'to ng kaibigan ko at ng taong minahal ko ng sobra. "Hindi mo mababago ang nangyari, Amara. Pero hindi ibig sabihin na kailangan mong sirain ang sarili mo dahil sa kanila." Ramdam ko ang bawat tíbok ng puso niya habang nakasubsob ako sa matigas na dibdib niya. Bakit sa kabila ng galit ko, may parte sa'kin na gustong manatili sa yakap niya. Parang sinasabi ng yakap niya na kaya ko pang bumangon mula sa lahat ng ito. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung paano. “Amara,” narinig ko ang mahinang bulong niya. "You deserve better. You deserve someone who values you." Huminga ako nang malalim, sinusubukan pigilan ang pagbagsak ng luha. Mahirap man, pero kailangan ko 'tong gawin. Tama si Andriuz. Hindi ako pwedeng magpaiwan sa ganitong sitwasyon. "Let’s go home, Amara," muling bulong ni Andriuz, mas malumanay na ang boses ngayon. Kumalas siya sa pagkakayakap sa'kin at seryosong tumitig sa mga mata ko. Sa kabila ng lahat ng galit at sakit, may nakita akong kakaibang bagay sa mga mata niya—isang bagay na hindi ko maintindihan. "Umuwi na tayo, Amara. You don't belong here." Gusto kong tumanggi, pero sa totoo lang, wala na akong lakas. My heart was shattered, and my mind was a mess. Ang tanging nais ko na lang ay makalimot Hinila niya ako palabas ng bar, at kahit gusto ko pang manatili at lunurin ang sarili sa alak, alam kong wala na akong lakas para lumaban. Huminto kami sa parking lot, kung saan naka-park ang mamahaling kotse niya. Binuksan niya ang pinto sa passenger side at hinintay akong sumakay. Pagkatapos ko siyang tingnan, sumakay ako nang tahimik. Tahimik din siyang umikot at sumakay sa driver's seat. Habang nagmamaneho siya, tinitigan ko siya mula sa gilid ng aking mata. Napansin kong seryoso ang kanyang mukha, tila malalim ang iniisip. "Andriuz," mahina kong tawag. "What?" iritado niyang tugon habang nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho. "Bakit ka nandito?" "Hinahanap ka ng kuya mo. Nag-aalala siya sayo." "Si kuya lang?" May tila panunuya sa boses ko. Alam ko na ang sagot, pero gusto ko pa ring marinig mula sa kanya. "Oo," tipid niyang sagot at hindi na ulit umimik pa. “Can I ask you a favor, Andriuz?" Hindi ko alam kung papayag siya sa gusto kong pabor pero gusto ko lang subukan. "Pwede bang huwag mo munang akong iuwi sa bahay kahit ngayon lang?" "Hindi pwede. Your brother is stressing over your whereabouts. Ihahatid kita sa bahay niyo sa ayaw at sa gusto mo." "Please...ayaw ko munang umuwi sa bahay Andriuz. Kapag nalaman ni Kuya na umuwi ako ng lasing, siguradong mag-aalala siya sa'kin. I don’t want to distract him from his business meeting in Canada by causing unnecessary worry." Tinitigan niya ako bago sumagot. Nakita kong nag-iisip siya, tila tinatantiya ang sitwasyon. "Fine," sabi niya pagkatapos ng ilang sandali. Palihim akong napangiti kasi katulad ng dati, hindi pa rin siya makatanggi sa lahat ng gusto ko. Tahimik lang si Andriuz habang nagmamaneho. Hindi ko na siya kinulit pa at baka magbago ang isip niya at ihatid ako pauwi sa bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, pero somehow, I felt a bit safe with him. Pagkaraan ng ilang oras na biyahe, huminto kami sa isang pamilyar na lugar. It's a resthouse—ito yung private property ng pamilya nila sa Tagaytay. “It looks like you need some peace of mind kaya naisipan kong dalhin kita dito." Napatitig ako sa kanya. Hindi ko inaasahan ang ganitong side ni Andriuz. Siya ang boss sa kompanya kung saan isang akong OJT. Sanay na ako sa ugali niyang suplado, malamig makitungo, palaging galit. Pero ngayon, nararamdaman ko ang sincerity niya. Nakakapanibago. Tahimik akong sumunod sa kanya papasok sa resthouse. Pagkapasok namin, pinaupo niya ako sa may sala kung saan may fireplace. Nilibot ko ng tingin ang paligid. Ang resthouse ay tahimik at komportable. Maganda ang pagkakaayos ng mga mamahaling gamit. Simple pero elegante. "Wala bang wine dito? Rum, beer or anything?" Tinitigan ako ng masama ni Andriuz, halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko. "No more alcohol for you, Amara. You need to sober up," aniya at naglakad papunta sa kusina. Uminit ang pisngi ko sa masungit na pagtanggi niya. May parte sa akin na gustong bumalik sa pagiging matigas ang ulo at lumabas ng resthouse, pero alam kong walang patutunguhan iyon. Halimaw pa naman magalit si Andriuz, at baka itapon ako sa gitna ng Taal volcano. Bumalik si Andriuz galing kusina. May dala siyang isang mug na umaalingasaw ang amoy ng mainit na kape. "Drink this," he commanded, his tone leaving no room for argument. Napabuntong-hininga ako sa inis pero kinuha ko pa rin ang baso mula sa kanya. Alak ang gusto ko pero binigyan niya ako ng kape. I wasn't in the mood for coffee, but I drank it anyway. "Mas maganda ba sa'kin si Danica?" Sandaling natigil si Andriuz. Alam kong ang pathetic ng tanong ko. Halata naman na mas maganda si Danica dahil inaanak niya ito. "S-sorry...please disregard that silly question. Syempre mas maganda si Danica dahil–” "You're beautiful, Amara." Sa pagkakataon na 'to ako naman ang natigil. Ibinaba ko ang tingin ko, pilit na iniwasan ang titig ni Andriuz dahil pakiramdam ko maiiyak na naman ako. Pero hinawakan niya ang baba ko, iniangat muli ang mukha ko at pinilit akong tumingin sa kanya. His grip was firm, but not painful. "Amara...Stop comparing yourself to Danica. You're different, and that's what makes you special." Unti unting tumulo ang luha ko, pero ngayon, hindi na dahil kay Henry o Danica. It was because, for the first time in a long while, I felt seen. I felt valued. Pakiramdam ko ibang Andriuz Zaldivar ngayon ang kaharap ko. He had always been someone distant, a man of few words, but tonight, he was different. More… caring. "Thank you...Ninong." Gusto ko lang siyang asarin dahil alam kong ayaw niyang tinatawag siyang Ninong. Maging si Danica, Tito ang tawag sa kanya dahil ayaw niyang ganon ang itawag sa kanya. "What the f**k! Stop calling me that way, Amara. Or else..." "Or else, ano? You're going to kiss me?" Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Hindi ko alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob. Epekto siguro ito ng alak. Napangiti si Andriuz sa tanong ko, pero hindi niya ako sinagot. Sa halip tinitigan lang niya ako nang matagal, na parang binabasa niya ang bawat emosyon na nararamdaman ko. Nakakakilabot ang tensyon sa pagitan namin, ngunit sa kabila nito, naramdaman ko ang kakaibang init na hindi ko pa naramdaman noon. "Bakit, gusto mo ba?" Napangiti si Andriuz, pero halata sa mga mata niya ang seryosong banta. "Kaya mo ba?" Hinamon ko siya sabay angat ng kilay. Alam kung hindi niya kaya, and I’m sure he was just teasing me. Dahil katulad kay Danica, inaanak lang din ang turing niya sa'kin dahil sa malayong agwat ng edad namin. He's 38, and I'm 21. "Kailangan ko bang sagutin 'yan? You know I always follow through with my threats, Amara." Mas lalo pa niyang inalapit ang mukha niya sa'kin. Napalunok ako ng laway nang mapansin kong iba ang titig ni Andriuz sa akin ngayon... it was different. Iba sa kung paano niya ako titigan noon. Ngunit sa halip na umurong, tumingin rin ako ng diretso sa kanyang mga mata. "Then kiss me, Ninong."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Mafia Lord: James Esteban [COMPLETED] Tagalog

read
177.0K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
81.6K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

KIDNAPPED BY THE HOT UNCLE

read
54.1K
bc

The Ex-wife

read
232.7K
bc

Hate You But I love You

read
63.6K
bc

NINANG PATRIZ (SPG)

read
24.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook