RAMDAM ko agad ang matinding sakit ng ulo ko nang magising ako. Lalo pa itong sumakit nang tumama sa mukha ko ang sinag ng araw mula sa bintana.
Dahan dahan akong bumangon at umupo. Napamura ako nang mapagtanto kong wala ako sa sarili kong kwarto. White at black ang kulay ng kwarto na 'to, at pastel pink naman 'yong akin.
"Shít! Nasaan ako?" bulong ko sa sarili habang nililibot ang paningin sa paligid.
Pagtingin ko sa aking suot, halos malaglag ang panga ko nang mapansin kong isang panglalaking white shirt ang suot ko.
Bumaba ako sa kama.
Pabalik balik ang lakad ko habang nginangatngat ang kuko ko at pilit na inaalala ang mga nangyari kahapon.
Pumikit ako sandali, hinihimas ang aking sentido habang iniisip ang mga nangyari.
Una, bumili ako ng ingredients para ipagluto si Henry ng paborito niyang adobo dahil anniversary namin.
Pangalawa, naabutan ko si Henry sa kanyang condo na hubo't húbad habang nakasakay sa ibabaw ng katawan niya ang bestfriend kong si Danica.
Pangatlo, naglasing ako sa isang bar at nakita ako ni Andriuz. Nakiusap ako sa kanya na ayaw kong umuwi kaya dinala niya ako sa kanilang resthouse at...
Natutop ko ang aking bibig nang maalala ko ang sunod na nangyari.
"Then kissed me, Ninong."
Gusto kong sabunutan ang aking sarili dahil sa katangahan ko. Bakit ko naman nasabi 'yon sa boss ko? Nakakahiya.
Bumalik ako sa kama at hinawi ang kumot.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dugo sa bedsheet.
"Hindi pwede..." Napaatras ako ng ilang hakbang. Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ko ang malamig na pawis na namuo sa aking noo.
Gusto kong sampalin ang sarili ko sa inis. Mas lalo ko lang ginawang komplikado ang sitwasyon. Paano kapag nabuntis ako? Ano nalang ang sasabihin ko kay kuya? Na dahil sa inis ko kay Danica dahil inagaw niya ang boyfriend ko, nagpabuntis ako sa Ninong niya?
Sinubukan kong balikan ang mga detalye sa utak ko, ngunit masyado itong malabo at magulo.
Mabilis akong naglakad palabas ng kwarto para hanapin si Andriuz.
Wala siya sa sala, maging sa kusina.
Lumabas ako, at nakita ko si Andriuz sa pool.
Huminga ako ng malalim bago lumapit sa kanya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin lalo na sa kahihiyan na mga nasabi ko sa kanya kagabi. At kung may nangyari man sa'min, alam kong kasalanan ko dahil hinamon ko siyang halikan ako.
"Andriuz," mahinang kong tawag, pilit na tinatago ang kaba.
Nilingon niya ako at tumigil siya sa paglangoy nang makita ako.
"Amara..."
Umahon siya mula sa pool. Nakasuot lamang siya ng nike short na kulay asul kaya naman bumungad sa'kin ang six pack abs niya.
Napalunok ako nang mapansin ang mga patak ng tubig sa díbdib niya ay parang nang-aakit, tila sinasadyang magpatingkad sa bawat detalye ng kanyang katawan
Hindi ko maiwasang humanga sa kanyang katawan, ngunit wala akong oras para dito. Kailangan naming pag-usapan ang nangyari kagabi at dapat panagutan niya ako kapag nabuntis ako.
Naglakad siya patungo sa pool lounge chair at kinuha ang towel. Habang pinupunasan niya ang sarili, hindi ko maikakaila ang pag-aalangan na nararamdaman ko.
Nagkunwari akong umuwis ng tingin baka sabihin niyang pinagpapantasyan ko ang kanyang katawan.
"Amara, may sasabihin ka?"
Mukhang tapos na siyang magpunas ng sarili kaya binaling ko na ang tingin sa kanya.
"Andriuz...." Nag-isip ako ng tamang sasabihin. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan.
"Tungkol kagabi..." Sinubukan kong pigilan ang panginginig ng aking mga kamay at boses.
"Yes, what about last night?" tanong niya habang pinupunasan ang buhok ng towel.
"Ano...nag-ano ba tayo kagabi?" Napakagat ako ng labi dahil sa kaba.
Kumunot ang noo ni Andriuz, tila naguguluhan sa tanong ko.
"Anong ano?"
"Yong ano...'yong dapat na ginagawa ng mag-asawa?"
"Amara, maraming bagay ang ginagawa ng mag-asawa. Stop beating around the bush and just say it directly." Kinuha niya ang pineapple juice niya sa table at uminom.
Napairap ako kasi CEO siya pero ang slow.
"I mean...may nangyari ba atin kagabi? Did we have séx?"
"Pftty!" Naibuga niya ang juice na iniinom niya.
"What the f**k, Amara!"
"Exactly, did we f**k each other last night?"
"What the héll Amara! Saan mo naman nakuha ang ideyang 'yan?"
Naguguluhan akong napatingin sa kanya.
"Ibig sabihin, walang nangyayari sa atin kagabi? Hindi tayo nagséx?"
"Bakit parang disappointed ka na walang nangyari sa'tin kagabi?"
"Hindi ah! As if naman may pagnanàsa ako sa katawan mo." Inirapan ko siya at umiwas ng tingin kasi pakiramdam ko namumula ang pisngi ko sa hiya.
"Bakit naman napunta sa katawan ko ang usapan? Don't tell me you're fantasizing about my body. Do you?"
Nanunuya akong tumawa.
"Excuse me, Mr. Andriuz Zaldivar. Hindi ako interesado sa katawan mo kahit may six pack abs ka pa."
"How funny na sinabi mong wala kang interes sa katawan ko, but you notice every detail of my abs and know the exact number."
"Whatever," I rolled my eyes.
“Pero seryoso, wala bang talagang nangyari sa'tin kagabi? Nagsasabi ka ba ng totoo?"
"Amara," seryoso niyang sabi, "Bakit mo iniisip na may nangyari sa atin?"
"Just answer my dàmn question, Andriuz."
Huminga siya nang malalim, halatang nagpipigil ng tawa. "Okay, let's clear this up. You were really drunk last night. Sabi mo ayaw mong umuwi kaya dinala kita dito sa resthouse. Nagtempla ako ng kape para mahimasmasan ka, and then you kept insisting na halikan kita—"
Napatakip ako ng mukha sa sobrang kahihiyan.
"Shít... please, stop."
"But nothing happened, Amara. You were pretty wasted pero walang nangyari sa pagitan nating dalawa kagabi. I respect you too much to take advantage of you in that state."
Napanganga ako sa sinabi niya. Iyon na 'yon? Wala talagang nangyari sa amin. Pero naguguluhan pa rin ako at hindi pa rin ako mapanatag.
"Pero paano 'yong dugo sa kama? At bakit ganito ang suot ko?" Tanong ko habang itinuturo ang oversized shirt na suot ko.
"Seriously, Amara? Wala kang naaalala kagabi?"
Napakagat ako ng labi at napailing.
“Sinukahan mo 'yong damit mo, so I gave you one of my shirts. And about the blood on the bedsheet, when you playfully challenged me to kiss you…bigla mo nalang inuntog ang mukha mo sa'kin kaya dumugo ang ilong mo. Binuhat kita kagabi para ihiga sa kama kaya nagkaroon ng mantsa ng dugo sa bedsheet. But don't worry, hindi tayo magkatabi natulog. I slept on the couch while you took the bed."
Pakiramdam ko ay nawala ang lahat ng bigat sa dibdib ko. Napahinga ako ng maluwag, pero kasabay noon ay ang pagbulusok ng kahihiyan sa akin. Pinagbintangan ko pa si Andriuz ng kung anu-ano, samantalang inalagaan niya pala ako kagabi.
"I'm so sorry, Andriuz," bulong ko, halos hindi na makatingin sa kanya.
“Ang dami kong nasabi kagabi. I was so messed up and I shouldn’t have jumped to conclusions."
Ngumiti siya, hindi katulad kanina na nunuya, mas sincere na ngayon ang ngiti niya.
"It's okay, Amara. We all have those moments. But next time, maybe don't get so drunk, huh?"
Tumango ako, nakangiti na rin kahit papaano.
Lumapit siya sa'kin at tinapik ang balikat ko.
"Now, go take a shower and freshen up. I'll make breakfast."
Nauna na akong pumasok sa resthouse at agad na dumiretso sa banyo para maligo.
Habang nasa CR ako, pinagmasdan ko ang sariling repleksyon sa salamin. Hindi ko maiwasan makaramdam ng insecurities sa sarili dahil bakit nagawa akong ipagpalit ni Henry.
May kulang ba sa'kin? Kapalit palit ba ako?Hindi ba ako maganda para sa kanya?
Mabilis lang akong nagshower kasi naalala kong baka naghihintay na sa'kin si Andriuz sa kusina. At baka gutom na 'yon.
Paglabas ko ng banyo, napaawang ang labi ko nang makita ko sa ibabaw ng kama ang aking shoulder bag na dala ko kagabi, at ang damit kong mukhang bagong laba. Siguro nilagay 'to ni Andriuz habang naliligo ako sa shower kasi paggising ko kanina wala naman 'to sa kama.
Siya rin ata ang naglaba ng damit ko kagabi dahil sabi niya sinukahan ko ang damit ko.
Inamoy ko ang damit at napangiti ako dahil ang bango nito. Pero agad na nawala ang ngiti ko nang makita kong kasali palang nilabhan ni Andriuz ang aking pulang bra. Ibig sabihin alam niya ng bra size 36B ako?
Gusto kong pukpokin ang sarili ko sa hiya. Pero hindi ko nalang ito ginawang big deal kung si Andriuz man ang naglaba ng aking bra.
Nagbihis na ako at mabuti nalang nakasanayan ko ng palaging magdala ng extra undies sa aking bag.
Paglabas ko, naamoy ko agad ang masarap na amoy ng almusal na niluluto ni Andriuz. Bumaba ako at nakita ko siyang abala sa kusina.
"Good morning!" Masigla kong bati sa kanya.
"Good morning drunken bràt. Umupo ka na. Kailangan muna nating kumain, we’ve got a two-hour drive to Makati waiting for us."
"Ano, babalik na agad tayo sa Makati?"
"There's an important meeting on my schedule. At baka nakakalimutan mong kailangan mong pumasok sa kompanya. You need to complete the required number of hours for your on-the-job training."
"Ano? You're not giving me a day off?"
“I’m not giving you the day off just because you overdrank last night. You’re hungover but that’s not a valid reason.”