NAKATULUGAN NA NIYA ANG PAGHIHINTAY SA ASAWA. Masaya siyang tumulong kay Len sa pagluluto sa kusina at ng matapos ay nanood ng palabas sa telebisyon sa living room. Doon muna siya para makikita niya agad ang pagdating ni Jaxon ngunit ilang oras na rin ang nakalipas ay wala pa rin ito. Marahan siyang tinapik ni Tina. “Maam, hindi pa po ba kayo kakain? Baka po gabihin na masyado ng uwi si Sir.”sabi nito. “Hindi pa naman ako gutom eh. Akyat na lang muna ako siguro sa itaas.” “Sigurado po kayo Maam?” “Yeah, don”t worry Tina.” “Okay po.” “Thanks Tina.”ngumiti ito at pumunta na sa silid nito. Pinatay niya muna ang telebisyon sa sala at nagtungo na sa silid nilang mag-asawa. Humiga siya sa kama ng maalala ang mobile phone. Paulit-ulit niyang pinagmamasdan ang nag-iisang larawan na siyang na

