Chapter 10: Assigned Role

1003 Words
ICEANDRA'S POV Nagising ako, tinignan ko ang paligid at nakita ko si Zi sa isang sulok. Lumapit siya. "Buti naman at gising ka na." sabi niya. "Nasaan sila?" tanong ko agad. "Sina Clyde at Kairi, ewan ko kung saan nagpunta, pero si Avri, pumunta siya sa gubat upang manguha ng halamang gamot upang mas lalong gumaling ang iyong sugat." paliwanag niya. "Bakit ka nandito?" tumingin ako sa kisame pagkatapos itanong iyon, umaasa na sana ang sabihin niya ay binabantayan niya ako. At hindi nga ako nagkamali... "Dahil binabantayan kita." sabi niya ngunit sumakit ang dibdib ko sa sunod niyang sinabi. "Pinapabantay ka sa 'kin ni Avri dahil wala ang dalawa." Akala ko pa naman eto na yung chance! Chos. "Ah, akala ko naman kung ikaw mismo may gusto magbantay sa 'kin." pabulong kong sabi. "A-ano?" "Ah? Wala!" sabay hampas ko sa braso niya. "Nga pala kamusta si Kairi?" pag-iiba ko ng usapan. "Ah maayos na siya, salamat pala sa pagligtas sa kanya." pagpapasalamat niya. "Wala iyon, obligasyon kong tulungan ang isang naaapi o kahit ano mang nilalang na narito sa Gracean." Saktong dumating si Avri at sobrang lawak ng ngiti. "Buti naman at gising ka na, Iceandra!" sabay yakap niya sa 'kin. Tumayo si Zian at sinabing pupunta raw muna siya sa labas upang magpahangin. Di na niya kami pinagsalita at dumiretso na sa pintuan. "Oh? Magkwento ka naman. Nagconfess ka na ba sa kanya?" excited na tanong ni Avri. "Tumigil ka nga Avri." sabay hampas ko sa braso niya. "Anong confess? Ako? Ako una? No no no. Kilala mo ako, diba?" "Ay tangeks! Chance mo na 'yon noh! Ikaw talaga!" sabay hampas niya rin sa braso ko. "Nga pala, ikaw ha, pinabantay mo siya. Akala ko pa naman siya mismo may gusto." sabi ko sabay busangot. "Atleast diba, atleast nakasama at nakausap mo siya kahit saglit lang." "Oh asan ang mga halamang gamot na kinuha mo?" Ngumisi siya. "Actually, hindi talaga ako kumuha. I just go around para magkausap kayo, para sabihin mo pero ang torpe mo hmp!" sabay roll eyes niya. "Sabi na e. 'Tsaka alam ko namang, ikaw na Avriella ka, dala mo lahat, meron ka lahat kaya imposible na kukuha ka sa gubat." sabi ko at tumawa siya ng malakas na malakas. "Kilala mo talaga ako." sabi niya habang tumatawa. Hinawakan ko siya sa balikat at tinignanng seryoso sa mata nang may maalala akong itanong sa kanya. "Nga pala Avri, si Abraham?" Biglang nagbago ang kulay ng buhok niya. Tinanggal niya ang kamay ko sa balikat niya at matalim na tumingin sa 'kin. "Bakit ba? Ano na naman ba ang tungkol sa kanya?" "Avri, niligtas niya kami ni Kairi." yumuko ako. "Maybe its time para pumunta sa pasilyo nila, ng Mahal na Hari upang sabihin na pupunta tayo sa mundo ng mga tao upang hanapin ang nawawalang prinsesa." Tumayo siya. Mabilis na naglakad hanggang sa pintuan. "Walang aalis, Iceandra. Wala! Alam mo namang pinahamak na tayo dati ni Abraham diba? Tapos gusto mo na namang maulit 'yon! No! From now on, wala tayong kilalang Abraham!" binuksan niya ang pintuan habang nagbabago ang kulay ng buhok niya at agad na umalis. "Paano namin mahahanap ang nawawalang prinsesa?" bulong ko at huminga ng malalim. . KAIRI'S POV Narito ako ngayon sa dagat, dito ako dinala ng mga paa ko. Tignan mo naman oh, sa lahat ng lugar, dito talaga sa rest place ko ako napunta. Ang ganda talaga ng dagat na ito, purong-puro, asul na asul, kumikinang pa. May nakita akong coral at agad ko itong kinuha. Naupo ako sa pampang at inalala ang mga sinabi sa akin ni Clyde. At kapag nakabalik kana sa mundo ninyo, pwede bang huwag ka ng lumapit sa rosas upang hindi ka na makapunta rito? Dahil isa kang tao, at naninirahan ka sa-- "Lahat nalang ba ayaw sa 'kin? Lahat nalang ba kamumuhian ako? Lahat nalang ba pinapakita sa 'kin na wala akong kwenta? Na wala akong halaga? Lahat nalang ba?" tumulo ang mga luha ko, sunod-sunod at walang tigil. "May halaga ka, tao." tumingin ako sa likod ko at nakita ko si Abraham ngunit agad akong umiwas nang naisip kong umiiyak ako. Tumabi siya sa akin. Pinunasan ko ang mga luha ko at tumingin sa dagat. bakit ba siya nandito? "Narito ako dahil nakita kitang mag-isa at mukhang malungkot ka." sabi niya. Nababasa niya ang iniisip ko? "May kakayahan akong magbasa ng iniisip niyo kung gugustuhin ko." sabi niya. Sanaol. "Heh!" hinampas ko siya sa braso. "Huwag mo ngang basahin ang iniisip ko!" sinamaan ko siya ng tingin. "Oo na, hindi na." sabi niya at tumawa. "Subukan mo lang!" sabay duro sa kaniya gamit ang dalawang daliri ko. "Nagtitiwala kana sa akin ngayon?" tanong niya. "Hindi. Not because niligtas mo si Iceandra ay magtitiwala na ako sayo." "Okay, naiintindihan ko. Salamat pala tao sa pagligtas sa akin kina Avri at Clyde." Nginitian ko siya. "Wala iyon." "Nga pala tao, mahalaga ka. Wag mong sabihin na wala kang kwenta. Hindi nila nakikita ang worth mo ngayon, and ikaw mismo hindi mo pa nakikita. Pero soon, makikita mo rin ang dahilan kung bakit ka nabubuhay. Cheer up!" sabi niya sabay hawak sa gilid ng labi ko and formed it into a smile. "Salamat." "Umalis kana tao, bumalik kana sa inyo. Baka hinahanap ka na nila Avri." sabi niya at ngumiti sa 'kin. Nginitian ko siya pabalik. Humakbang na ako ngunit bago ako maka-apat na hakbang ay lumingon pa ako sa kanya at andoon pa siya. "Abraham!" Lumingon siya. "Maybe now I can't trust you." sabi ko at yumuko. "But maybe soon, I will." tinignan ko siya habang nakangiti at umalis na. Hindi pa man ako nakakalayo sa dagat ay nakasalubong ko si Clyde. Magsasalita sana siya ngunit nilagpasan ko siya. Ayoko ng makarinig ng masakit na salita galing sa kanya. Naglakad pa ako ng ilang hakbang at nakasalubong ko naman si Zi. Natigil ako sa paglalakad sa kaniyang sinabi. "Kailangan na nating makabalik sa mundo natin sa lalong madaling panahaon, Kairi."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD