This chapter is dedicated to ZaharaDeAsis
ZIAN'S POV
Lumabas muna ako nang dumating si Avriella. Gusto ko lang maglibang at mag-isip isip.
Habang naglalakad-lakad ako sa buong Labelone ay biglang may tumawag sa akin sa 'di kalayuan.
Tumingin ako sa likod ko, wala namang tao. Tumingin ako sa kanan, wala rin. Tumingin ako sa kaliwa, wala pa rin. Ano ba iyon?
Hahakbang na sana ako nang may tumawag na naman sa pangalan ko.
"Zian."
Tumingin ako sa alam kong pinanggagalingan ng boses ngunit gaya ng kanina ay wala pa rin.
"Zian."
Tumingin ako sa likod at nang tumingin ako sa harapan ay bigla na lamang akong napaupo sa gulat ng may makita ako sa harapan kong pula ang mga mata.
"Zian, tutulungan kitang mapasaiyo si Kairi at kahit ano mang hihilingin mo." sabi niya, bangag ang kanyang boses at medyo nakakatakot.
Kumunot ang noo ko. "A-anong p-pinagsasabi mo?"
"Alam kong gusto mo si Kairi. Kaya dali humiling kana." sabi niya at tumawa.
Sasagot na sana ako nang bigla kong narinig si Avriella sa 'di kalayuan.
"Huwag ka maniniwala sa kaniya, Zian!" sigaw niya at lumapit.
Iimik na sana ako nang itutok ni Avri ang espada niya sa nilalang na kausap ko ngunit hindi niya man lang ito patayin bagkus ay namumula ang kanyang kamay, ang buhok niya ay nag-iba ang kulay.
Natatakot ba siya? Sino ba itong nilalang na ito?
Lumapit sa akin ang nilalang at bumulong sa tenga ko. "Pag-isipan mo ang sinabi ko, Zi." pagkatapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang siyang naglahong parang bula.
Pag-isipan ko?
Habang iniisip ko ang sinabi ng nilalang ay nagsalita si Avri. "Huwag na huwag kang magtitiwala sa kanya, Zi. Mapanlinlang ang nilalang na iyon."
Seryoso ko siyang tinignan sa mata. "Don't worry, kayo nga hindi ko mapagkatiwalaan, iyon pa kaya?"
Yumuko siya. "Basta kahit anong mangyari ay huwag na huwag kang magtitiwala sa nilalang na iyon. Please." sabi niya.
I tap her shoulder. "Huwag kang mag alala, basta andidito kami ni Kairi ay wala akong pagkakatiwalaan dito."
Pagkasabi ko nun ay umalis na ako at pinagpatuloy ang paghahanap kay Kairi. Asan na kaya iyon? Kailangan kong masabi sa kanya na kailangan na naming makauwi agad sa mundo namin sa lalong madaling panahon dahil kung hindi, mapapahamak kami rito.
Napaisip ako sa sinabi ng nilalang na may pulang mga mata kanina. Ngayon ko lang narealize na nagkakagusto na nga ako kay Kairi ngunit hindi ko lang masabi-sabi.
Ang torpe mo naman, Zian!
Eh kung kayo kaya ang magconfess dito sa mundong ito? Mundong puwede kaming mapahamak. Example, kapag nagcoconfess ako sa kanya tas biglang may nangyaring hindi inaasahan, then lalayuan nya ako, o diba, wala ring saysay kung ganun. I'll just wait for the right time to say my feelings to her. Maybe not now, but soon. Not here, but in our world.
AVRIELLA'S POV
Nasaktan ako ng kaunti sa sinabi ni Zi na hindi niya kami pinagkakatiwalaan. Masakit iyon sa akin dahil tinuturing ko na silang kaibigan ni Kairi. Ngunit hindi ko siya masisisi dahil isa siyang tao, iba ang nararamdaman nila sa nararamdaman namin.
Alam na niya ang buong katotohanan, sana hindi malaman ni Kairi.
Bakit ba kasi kailangan pang pumili sa dalawang bagay, kung sa huli parang masasaktan ka rin lang naman?
Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko na connected sa sinabi ng utak ko. Tumingin ako at nakita ko si Abraham.
"Kailangan mong pumili, pero sa pagpipilian mo ay may kailangang magsakripisyo."
Sinampal ko agad siya at napahawak siya sa pisngi niya. "Anong ginagawa mo rito?! Bakit ka andito?!"
Luminga-linga siya sa paligid. "Hindi ka pa rin nagbabago, Avriella, marunong ka pa ring sumampal." sabi niya na dahilan upang tumawa ako ngunit pinigilan ko agad.
Sinamaan ko siya ng tingin. "Huwag mo ngang ibahin ang topic. Bakit ka andito?!"
"Alam kong kinamumuhian niyo ako ngunit wala akong magawa kundi lumapit-lapit sa inyo upang bantayan kayo sa mga panganib na darating at --" pinigilan ko siya sa kanyang sasabihin.
"Tama na. Minsan mo na kaming nilinlang. Hindi mo na kami maloloko pa. Lalong-lalo na ako, hindi na ulit kita pagkakatiwalaan pa." sabi ko, aalis na sana ako nang hawakan niya ang kamay ko at pinigilan ako.
Tinanggal niya ang kamay ko sa kamay niya. "Teka lang, Avriella. Alam kong alam mo na hindi ko kayo nilinlang. Nagsasabi ako ng totoo sa inyo, never ko kayo niloko o nilinlang. Alam mo 'yan."
"Tama na, Abraham. Ayoko ng makarinig pa ng salitang hindi naman totoo galing sa 'yo."
"Alam kong dahil sa 'kin kaya nabuwag tayong apat nina Iceandra at Clyde. May pagkukulang ako, galit na galit nga ako sa sarili ko dahil sa nagawa ko sa inyo noon, pero hindi ko kayo nilinlang, Av. Kaya kailangan ko kayang bantayan at lapitan ngayon, lalong lalo na ang mga taong kasama ninyo para mapakita na totoo ninyo akong kaibigan at hindi isang manloloko." hindi ko siya pinaniniwalaan ngunit nakikita ko sa kanyang mata ang sakit. "I can't change myself and what I've done, Avriella. But please trust me na totoo ako sa inyo, iyon lang ang hinihiling ko."
Umiling ako. "No, you can't have our trust, Abraham. You done it once, you can't never do it again."
Lumuhod siya at hinawakan ang kamay ko habang nakatingin sa akin. "Please, Avriella. Hindi kita pipilitin, bibigyan ko kayo ng mahaba-habang oras para ibalik ang tiwala ninyo sa akin. Basta payagan niyo akong lapitan kayo at bantayan kayo sa anumang panganib."
Tinanggal ko ang kamay niya sa kamay ko. "No. Wag ka nang magpapakita sa amin, Abraham. Kinalimutan na kita, kinalimutan ka na naming lahat. Wala ka ng dapat gawin dito." sabi ko at iniwan siyang nakaluhod.
Pagtalikod ko palang sa kanya ay bumagsak na ang kanina pang mga luhang gustong lumabas sa mga mata ko.
Kinalimutan na nga kita, e! Pati na rin yung nararamdaman ko sayo! Dati nalang iyon! Ba't ka pa ba nagpaparamdam at nagpapakita? Ginugulo mo ang utak ko! Ngunit ang gusto ko nalang ngayon ay hindi ka makita at makausap, dahil matagal na kitang kinalimutan, hindi na kita kilala!