Chapter 12: Back To The True Living/World

1399 Words
This chapter is dedicated to moon_raise KAIRI'S POV "Hi tao." Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang isang nilalang na may pakpak na makulay ngunit agad niya iyong itinago pagkatapos kong lumingon. Sa tingin ko, mas bata ito sa 'kin. "Anong meron?" tanong ko. Nakatago ang isa niyang kamay sa likod niya. Bakit kaya? May nagpapabigay sa 'yo nito. Inilabas niya ang isang bouquet ng roses galing sa nakatagong kamay niya. Kaya pala. "I just want to give you this bouquet." sabay abot niya sa 'kin. Kumunot ang noo ko. "Para saan to?" Ngumiti siya. "May nagpapabigay lang po, ate Kairi." Napaisip ako. Sino naman magbibigay sa 'kin ng bulaklak? "Sino at bakit mo alam ang name ko?" "Ayaw niya po ipagsabi ate, eh." yumuko siya. Hinawakan ko ang balikat niya. "Bakit niya daw ibinigay?" Ngumiti ulit siya. "Kasi malungkot ka raw po, ate Kairi, kailangan daw po masaya ka lang, mas maganda ka raw po pag nakangiti." nagulat ako and at the same time napangiti. Bakit hindi nalang mismo ang nagbigay ang nagbigay nito? Nginitian ko ang nilalang na ito. "Pakisabi sa kanya salamat dito." sabay amoy sa bouquet, ang bangooo. "Huwag na ate, rinig naman niya." rinig niya? Lumingon lingon ako sa paligid ngunit wala akong nakitang kasama namin. "Kailangan ko na pong umalis, ate. Nice meeting you." hindi na niya ako pinagsalita at agad na niyang nilabas ang pakpak niya at lumipad palayo. "Kairi!" Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Nakita ko sina Iceandra, Avri, Clyde at Zian. Tinignan ko si Clyde dahil nararamdaman ko siyang tumitingin sa 'kin. Pagkakita ko sa kanya ay nakita ko silang dalawa ni Zi na tumitingin sa hawak kong bulaklak. Hindi ko nalang iyon pinansin nang magsalita si Avri. "Pupunta tayo ngayon kay Sin Wern, siya ang makakatulong upang makabalik sa mundo ninyo." Tumango nalang ako at nagsimula na kaming maglakad. Habang naglalakad kami ay sinubukan kong tignan si Clyde, ngunit agad kong iniwas nang tumingin ito pabalik. Luminga linga ako sa paligid upang hindi ko maisip ang pagtatampo ko kay Clyde. Nakita ko si Abraham sa hindi kalayuan. Nginitian niya ako, nginitian ko rin siya pabalik pagkatapos ay yumuko. Biglang lumapit sa akin si Avriella. "I know who gave you that bouquet." sabi niya sa akin sabay turo sa bouquet at nag smirk. "Sino?" tanong ko naman, dahil gusto ko itong malaman at kung yung taong gusto kong magbigay neto ang nagbigay. Hihi. "I won't tell you." sabay tawa niya dahilan upang tumingin sina Clyde at Zi sa amin. "Ansama mo. Sabihin mo na." pagpupumilit ko ng tumalikod na sila Clyde at pinagpatuloy ang paglalakad. "Wala. Soon sasabihin ko." sabi niya at magsasalita pa sana ako nang nag sign of the language siya na hindi na raw ako magsasalita. Nagkibit-balikat nalang ako at tumingin sa dinadaanan namin. Napatingin ako sa bulaklak. Isa kaya sa mga lalaking ito ang nagbigay sa akin? Rumehistro sa isip ko ang mukha ng pinapangarap kong nagbigay nito. Sana siya ang nagbigay. Habang nag iisip ako ay nagsalita si Clyde. "Narito na tayo." Tinignan ko ang paligid at nakita ko ang isang kubo, may mga bulaklak na nakapaligid dito at may sapa rin sa bandang kanan nito. "Kubo? Dito nakatira si Sin Wern?" tanong ko. "No, no, no. Mahiwaga siya. Iceandra gawin mo na." tumingin si Avri kay Iceandra at mayroon siyang ginawa na parang daanan, ahh lagusan ata ang tawag dito. "Gamit ng lagusan na ito, makakapasok tayo sa kung nasaan si Sin." "Uom omon ots ouokapy angaris it etxiona" Hindi ko alam ang sinabi niya pero biglang bumukas ang lagusan na agad kong ikinamangha. "Tara na." agad na sabi ni Clyde at akmang hahawakan ang kamay ko ngunit hinawakan ito agad ni Zi. "Ako ang kasama ni Kairi papasok." sabi ni Zi at di na nagpumilit si Clyde. "Okay, ako na ang unang papasok." sabi ni Clyde at agad ng pumasok. Sumunod kami ni Zi at nasa likod namin sina Avri at Iceandra. Pagpasok ko, naramdaman ko na naman ang nararamdaman ko kapag hinihigop ako ng rosas. Kinakabahan ako ngunit hinawakan ni Zi ang kamay ko, hindi ko alam pero kumalma ako agad. At nang makapasok na kami sa mismong lugar ni Sin Wern, nawala ang liwanag, tumigil ako sa paggalaw at nawala ang lagusan na pinasukan namin. "Ito ang bahay ng mahikerong si Sin Wern." sabi ni Avriella. Nakita ko ang isang gubat at isang bahay. "Eto na? Eto na ang bahay ng Sin na sinasabi ninyo?" tanong ni Zi. "Oo, ngunit wag kayong papalinlang, isa lang iyang mahika." Mahika? Magaling sa mahika itong si Sin kung ganoon. May lumabas na lalaki na nakasuot ng mahabang kulay asul, may suot pa itong asul na sumbrero na sosyal, at asul din ang nasa paa niya. "Iceandra, Avri, Clyde, naparito kayo? Anong magagawa ko sa inyo?" sabi niya habang nakayuko kaya hindi ko makita masyado ang itsura niya. "We're here because we want you to help us bring back Kairi and Zian into their world." explanation ni Iceandra. "Mga tao?" follow up question ni Sin Wern. "Oo, hinigop si Kairi ng isang rosas at itong isa ay hindi niya daw alam." sagot ni Avri. Unti-unting tinaas ni Sin ang kanyang ulo at tumingin sa akin. Nakita ko sa mata niya ang pagkagulat. "Ah dumating na pala." ngumiti siya habang tumitingin sa akin. "Kayo ay aking matutulungan." Iniwas ko ang tingin ko dahil naiilang na ako. Dumating na pala? Ang ano? Ano ang ibig niyang sabihin? ----------------------------------------------------------------- "Babae?!" Nagulat ako ng pagpasok namin sa bahay ni Sin Wen ay nagbago siya ng anyo, kanina lalaki siya ngunit ngayon babae na siya pero ganun pa rin ang kulay ng buhok at ayos niya. "Babae talaga si Sin Wern." sabi ni Iceandra. "Are you kidding me?" tanong ni Zi. "Kanina lalaki lang siya ha? Bakit ngayon babae na?" "Because I am a mahikera." sagot ni Sin. "At kailangan kong protektahan ang sarili ko kapag lumalabas ako ng bahay kaya nag-aanyong lalaki ako. "Mahikera? Diba pareho lang naman iyan sa mga nilalang dito na may kapangyarihan?" tanong ko. "No, no, no. Ang mga may kapangyarihan, ginagamit nila ang kanilang bahagi ng katawan upang makagawa ng hindi inaasahan, at ako na mahikera ay gumagamit ng mga salita lamang." mahabang paliwanag niya. "Gets, tao?" sabay ngiti niya sa akin. Ngumiti nalang ako at yumuko. "Mas gets ko kung ibabalik mo na kami sa mundo namin." biglang sabi ni Zi. "Kung gayon, simulan na natin." sabi ni Sin habang nakatingin sa akin. "Ngunit, pinapaalala ko lang sa inyo mga tao, na isang beses ko lang kayo matutulungang makabalik. Pag bumalik pa kayo rito ay hindi ko na kayo matutulungan." sabi niya habang hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa 'kin. Iniwas ko na ang tingin ko dahil nakakailang. Magsasalita sana si Zi ngunit nagsalita ulit si Sin. "Pero puwera nalang kung--" pagtingin ko sa kanya, ay nakatingin parin siya sa akin, bindi na niya naituloy ang sasabihin niya, hindi ko alam kung bakit. "Dalian mo na!" pagmamadali ni Zi. "Una, humarap kayo sa isa't isa at maghawakan kayo ng kamay." sabi niya. Agad na humarap sa akin si Zi at nahihiya akong humawak ng kamay niya, kaya siya na mismo agad ang humawak sa kamay ko. Napansin kong nakatingin si Clyde. Tinignan ko siya at matalim ang tingin niya ngunit bigla nyang binalik sa dati niyang aura ang mukha niya nang napansin niyang tumingin ako. Why? "Then next, pumikit kayo at isipin niyo ang mismong bahay ninyo." agad akong pumikit at inisip ang bahay namin. Babalik na ba talaga ako sa mundo namin? Ayoko na dun! Mas gusto ko dito, pero wala akong magagawa. Babalik na naman ako sa paghihirap. Kasabay ng pag-agos ng luha ko ay ang paghigop sa amin, babalik na talaga ako sa mundong masakit, sa mundong puro nalang problema ang dala sa akin. Naramdaman kong tumigil ang paligid, unti-unti kong binuksan ang mata ko at nakita kong nasa bahay na nga ako, sa garden. Nakita ko ang nag-iisang rosas. Please bring me back to Gracean, please. ***************************************** A/N: Sa mga hindi po nakakaalam ng pronunciation at meaning ng magic word kanina. Ito po: Uom omon ots ouokapy angaris it etxiona (om omon ots owkapie angaris it etyona. Greek word po iyan na binaliktad means "bukasan ang lagusan, sundin ang aking kautusan." Salamat kay bb moon_raise sa magic word. Ily bb! ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD