KAIRI'S POV
"HAHAHA, gusto mong bumalik sa Parcean?" tanong ng isang boses galing sa kung saan.
"Gusto ko sana pero mukhang ayaw din nila sa 'kin." naramdaman kong parang lumalapit ang nilalang na kausap ko.
"H-huwag ka ng bumalik doon." bulong niya sa tainga ko.
"Bakit naman po?" usisa ko.
"Dahil papatayin kita!" pagkasabing-pagkasabi niya nun ay bigla na lamang niya ako sinakal.
Sumigaw ako ng sumigaw pero walang nakakarinig sa 'kin. Ayoko na. Hindi na ako makahinga dahil sa sakal niya. Sinubukan kong sumigaw ulit, nagawa ko pero ...
"PAK!" isang malutong na sampal ang nakuha ko dahilan upang mapabangon ako sa kama dahil sa gulat.
Nakita ko si Tita at galit na galit. Heto na naman ako. Aapihin na naman.
"Jusmiyo kang bata ka! Anong oras na ha! Diba sinabi ko sayo, maglaba ka! Anong ginawa mo? Natulog!" sabay sabunot niya sa buhok ko.
Umiyak ako.
"Anong iniiyak iyak mo diyan!" sigaw ni Tita at sinampal ulit ako.
Asan ka na ba Clyde? Bakit hindi mo ko pinagtatanggol ngayon? I need you.
Umiyak lang ako ng umiyak hanggang sa lumabas ako ng kwarto at lumabas ng bahay. Hinayaan ako ni Tita, hindi siya nagtanong kung saan ako pupunta, syempre wala namang pake iyon e.
Habang naglalakad ako, nakayuko lang ako at andaming iniisip like pagod na ako, hindi ko na kaya, pati sa mundong gusto ko, ayaw din pala ako. Saan ako tutungo nito?
Sa dinami-rami ng iniisip ko ay may nabunggo akong tao. Agad akong yumuko at humingi ng tawad.
"Kairi."
Unti-unti kong tinaas ang ulo ko at nakita ko sa harapan ko si Clyde sa Gracean. Bakit siya nandito?
"C-clyde..." mahinang sambit ko.
"Saan ka pupunta? Bat ka mag isa? Anyare sayo?" sunod sunod niyang tanong.
"Ikaw? Bat ka andito? Anong ginagawa mo rito?" hindi ko siya bagkus ay sinunod-sunod ko rin siya ng tanong.
"Narito ako para sabihin sa yong kailangan mong bumalik sa Gracean, kayong dalawa ni Zian." seryosong sabi niya.
Umiling ako. "No, ayoko ng bumalik doon. Diba nga ikaw mismo nagsabi na ayaw mo ako roon?" tanong ko habang nakapamewang.
"Basta. Balik na tayo sa Gracean." seryoso nga talaga siya.
"Ayoko nga. Bakit ba?" tanong ko at kinunutan ko siya ng noo.
Tumingin siya sa mga mata ko. "Umiyak ka ba?"
Iniwas ko ang tingin ko. "Wala kang pake doon." sabi ko.
"Sino nagpaiyak sa 'yo?" tanong na naman niya.
"Bakit ba ang kulit mo?" irita kong sabi.
"Sino nga?" ayoko na makipagusap. Akmang aalis na sana ako pero pinigilan niya ako, hinawakan niya ang kamay ko at pinaharap niya ako sa kanya.
"Balik na tayo sa Gracean." seryosong titig niya sa akin. "Diba gusto mong doon ka nalang magstay?"
"Ayoko na. Ayoko nang magstay doon, Clyde. Kaya please lang, umalis kana dahil hindi mo ako mapipilit na bumalik." sabi ko at umalis na. Binilisan ko ang paglakad ko upang hindi niya ako sundan.
Pinagtatabuyan mo ako noon tapos ngayon gusto mo akong bumalik? Hindi ba ikaw mismo nagsabi na hindi na dapat ako bumalik? Kinain mo lang sinabi mo e!
Pero ayoko na. Pagod na ako. Lahat nalang ng pupuntahan ko, ayaw sa akin. Puro nalang problema, sakit, ang nararanasan ko. Hindi ba pwedeng saya naman?
Habang naglalakad ako ay may lumapit sa akin na tatlong lalaki na medyo malalaki ang katawan. Hinarangan nila ang dinadaanan ko.
"Umalis nga kayo diyan!" matapang kong sabi. "Kung hindi, sisipain ko kayo sa baba!" pananakot ko ngunit ni katiting hindi man lang sila natakot.
"Ano ba, miss, umaarte ka pa." sabay kindat niya. Eew. "Alam ko namang gusto mo rin ang gagawin namin sa 'yo." sabi nung isa na may nunal sa ilong.
"Anong umaarte? Tanggalin mo muna ang nunal mo sa ilong bago niyo magawa sa 'kin ang gusto niyong gawin." kahit kinakabahan ako ay pinipilit kong maging matapang. Dahil sa buhay kong ito, dapat maging matapang lang ako.
Tumawa ang dalawa niyang kasama sa sinabi ko.
"Ah ganon?" sabi niya. Naku! Wrong move, Kairi!
Sinampal niya ako. Masakit 'yon a!
Akmang sasampalin ko rin siya nang hawakan ako ng dalawa niyang kasama sa kamay dahilan upang hindi ko siya masampal.
"Ano ha? Papalag ka pa?" tanong niya. Hindi na ako makapalag dahil ang higpit ng hawak sa akin ng dalawang depungal na 'to. Paano na 'to?
Nakaisip ako ng plano. Akmang sisipain ko na sana ang ari ng lalaki ngunit bigla na lamang siyang bumagsak sa lupa ng may sumipa sa kanya sa likod niya. Pagkabagsak niya ay umalis na ang dalawang kasama niya.
Nakita ko si Clyde ng Gracean, siya ang sumipa sa lalaking depungal na ito.
Lalapitan na niya sana ako pero pinigilan ko siya.
"Diyan ka lang. Huwag kang lalapit." sabi ko pero hinahakbang niya ang paa niya.
"Kairi, tara na kasi." pilit niya.
"Ayoko nga, diba!" irita kong sabi. "Diyan ka lang." tumigil siya ng nagsign ako sa kanya ng stop. "Huwag mo akong susundan ulit, kundi!" sabi ko at sinamaan siya ng tingin.
Tumakbo ako at naisipan kong pumunta sa puntod ni ina.
Narito na ako, umupo ako sa damuhan.
"I-ina, kamusta ka riyan? Ako p-po k-kasi pagod na po ako. P-puwede na po ba akong s-sumunod s-sa inyo? S-sige na please? A-ayoko na p-po r-rito. H-hindi ko naman m-mahanap si Ama e, w-wala na akong s-silbi rito." at doon ulit kusang umagos ang luha ko.
"Maging matapang ka naman, Kairi!" tumingin ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko na naman si Clyde. Kanina pa to ah? Diba sabi ko wag na nya akong sundan?
"At bakit andito ka ha? Diba sabi ko wag mo na kong sundan! E ano naman kung hindi ako matapang? Alam mo ba kung ano ang pinagdaanan ko, ha?! Hindi! Wala kang alam!" iyak kong sabi.
"Oo, wala nga akong alam. Pero sana naman maging matapang ka kapag nasasaktan ka o kapag sinasaktan ka nila." walang emosyon niyang sabi.
"Nila? Wow ha, bakit hindi mo sinali sarili mo?"
"Cause I know myself, I've done right for you to be safe." napanganga ako sa sinabi niya. "And I will done right forever to protect you."
"Nyenye. Ang dami mong alam e noh?" wala akong masabi e, bat ba?
Humarap siya sa ibang direksyon.
"Kairi, lumaban ka. Di sa lahat ng oras, duwag ka." tumingin muna ako sa kanya bago ibinaling ang tingin ko sa tinitignan niya.
Nakita ko ang sunset. Ang ganda.
"Sana all marunong lumaban, Clyde." sabi ko at umagos na naman ang luha ko.
"Tignan mo ang sunset." utos niya, agad ko itong tinignan. "Kay ganda diba?" tanong niya.
Tumango ako. "Ganyan ka kaganda kapag tinigil mo nang umiyak at sinimulan mo ng ngumiti."
Tinignan ko siya sa mata at nakita ko sa mga mata niya na seryoso nga siya. Aackkk bakit ka ganyan, Clyde?
Aalis na sana siya pero pinigilan ko siya.
"Clyde!" tawag ko.
Bahagya siyang lumingon. "Bakit?"
Yumuko muna ako at saka siya hinarap. "Bakit mo ba ako gustong pabalikin sa Gracean?"
Tumingin siya sa paligid. "Dahil meron kayong dapat malaman, lalong-lalo na ikaw." sabi niya na ikinagulat ko.
"Tungkol saan? Ano iyon?"
"Basta. Kaya kailangan niyo ng bumalik sa mundo namin sa lalong madaling panahon."