Guys ito yung scene before Chapter 13. Thanks.
AVRIELLA'S POV
"Kailangan nating mahanap ang nawawalang prinsesa sa lalong madaling panahon." sabi ko kina Iceandra, Sin at Clyde dahil nakita ko na naman ang buwan at ang simbolo ng nawawalang prinsesa.
Pagkatapos na pabalikin ni Sin sina Kairi sa kanilang mundo ay napagdesisyonan naming mag-usap kaya narito kami ngayon sa living room ng bahay niya.
Tumingin si Sin kay Clyde at Iceandra. "Tama si Avri, kailangan na nating mahanap ang mahal na prinsesa baka tayo'y maunahan pa."
"Ano ba! Mas mahalaga na ba talaga sa inyo ang rank na 'yan?" galit na tanong ni Clyde at hinampas ang lamesa.
"Tama si Clyde, 'yang rank lang ba ang habol ninyo kaya gusto niyong pumunta sa mga tao upang mahanap ang nawawalang prinsesa?" sabat naman ni Iceandra habang nakakunot-noo.
Tumayo ako at nag-iba ang kulay ng buhok ko. "Ayun ba ang alam ninyo?" tinignan ko sila ng matalim.
"Ano ba dapat? Sige nga! Bakit gusto niyong makipag-unahan sa paghahanap sa prinsesa kung hindi dahil sa rank, ha? Ano pa!" galit na galit na sabi ni Clyde.
Yumuko si Iceandra. "Isa na iyon sa gusto namin, aminin ko. Ngunit may isa pa kaming rason ni Av kung bakit."
"At ano iyon? Sabihin niyo na nang magkaliwanagan na tayo rito." sabi ni Sin.
"A-ano k-kasi..." hindi ko masabi ang rason namin ni Iceandra.
"A-ano?!" tanong ni Clyde, namumula na ang kanyang mukha dahil sa galit.
"Eto na sasabihin ko na, mula kasi noong dumating si Kairi dito, nang makilala ko siya, ang gaan ng loob ko sa kanya." yumuko ako.
Dapat ko bang sabihin sa kanila ang nararamdaman ko? Baka kasi mali itong akala ko.
"Ano ang meron kay Kairi?" tanong ni Sin.
"I think, este we think..." tumingin ako kay Iceandra. "Kairi is the long lost princess." sabay naming sabi.
Namataan namin sa mukha nina Clyde at Sin ang pagkagulat. Tumingin naman kami sa isa't isa ni Iceandra.
"Ano?! Si Kairi ang nawawalang prinsesa?!" pag-uulit ni Sin habang si Clyde ay bakas pa rin ang pagkagulat.
"Hindi pa kami sure. Guts palang namin iyon. Diba Iceandra?" tumango siya.
"So, ano ng gagawin natin ngayon?" tanong ni Sin.
"I don't know, maybe si Clyde ay puwede niyang sunduin sina Zi at Kairi sa mundo ng mga tao tutal siya lang naman ang may mas maraming kapangyarihan na pumunta roon at sabihin sa kanila na nanganganib sila upang bumalik sila rito." mahabang paliwanag ko na ikinasang-ayon ni Iceandra at Sin.
Gulat pa rin si Clyde hanggang ngayon, I use my hand to make him go back to his wakeness, at nung nahimasmasan na siya, agad ko ng sinabi ang plano ko.
Dumating si Abraham.
Bakit na naman ba nagpakita ito? Diba sabi ko wag na siyang magpapakita!
Hindi ko siya pinansin bagkus ay umupo ako sa kama at inayos ang buhok ko. Sila Iceandra ang kumausap sa kanya, nakikinig lang ako.
"Uhm, naparito ako upang sabihin ang nararamdaman ko. Diba normal lang sa atin na may maramdaman na kakaiba o na malapit sa katotohanan?" tanong niya na ikinanuot ng aking noo. Anong katotohanan?
"Pinagsasabi mo, Abraham?" tanong ni Sin.
"Hindi ko sure pero I felt it since I started talking with Kairi. Sa palasyo noon na kasama niya si Zi. Pagkakitang pagkakita ko palang kay Kairi, alam ko ng parang may kung ano sa kanya."
Anong ano?
"Kung ano?" Clyde.
"I think siya ang nawawalang prinsesa." huwaw. Parehas kami ng conclusion, ano 'to meant to be? De joke lang. Hindi ko siya kilala, diba?
"Wow naman, parehas kayo ng thoughts ni Avri at Iceandra, ha? Pero paano ninyo naisip 'yan?" tanong ni Sin. Tinignan niya ako at sinamaan ko siya ng tingin.
Sumingit ako. "Basta ako, noong panahong naglalakbay tayo papunta rito sa Labelone at nung inakay siya ni Clyde sa likod dahil sa paa niya, parang may nakita akong lumiwanag sa likod niya sa bandang baba ng batok niya kaya sinabi ko kay Iceandra iyon." mahabang paliwanag ko.
Tumango-tango si Sin. "Ikaw naman Abraham? Paano?"
Tinignan niya muna ako. "Yun nga, nung nakausap ko sila sa harap ng palasyo noon, tas yung way ng pakikipag-usap niya sa 'kin at 'yung boses niya medyo magkalapit sa ating Mahal na Hari." mahabang paliwanag niya rin.
Sabagay, siya madalas ang nakakasama ng Mahal na Hari kaya alam niya na ang boses, galaw, at iba pa nito.
CLYDE'S POV
Umalis muna ako roon, gusto kong mapag-isa upang makapag-isip isip sa nalaman ko.
Ginamit ko ang kamay ko pansalok sa tubig sa dagat at ihinaplos ko ito sa aking mukha upang mahimasmasan ako.
Kung si Kairi nga ang anak ng mahal na Hari? Paano? Malabo dahil wala naman siyang alam tungkol dito. Pero sabagay, ang naaalala kong sinabi ng Hari about sa kanyang anak ay tao raw ito, kakapanganak lang daw ito nang iwan niya sa kanyang asawa, pero namatay naman ang kanyang asawa, hindi niya alam kung saan niya binigay ang anak niya.
Ngunit, may palatandaan daw siyang iniwan noon sa anak niya, isang tanim na rosas. Mag-isa lang daw iyon.
Ayon kay Kairi, rosas ang humigop sa kanya papunta rito. Tumango-tango ako, mukhang siya nga ang nawawalang anak ng Hari.
Bumalik ako kina Avri at nakita ko ulit si Abraham. Akmang susuntukin ko na sana siya pero hinawakan ni Iceandra ang kamay ko at pinigilan ako.
"Huwag mo siyang sasaktan, Clyde." sabi niya. "Halika, punta tayo sa loob, may dapat kang malaman."
Kumunot-noo ako bago sumunod sa kanila sa loob.
"Ano ba iyon?" tanong ko agad.
"Isa kang tao." sabi niya na ikinagulat ko.
Tao? Paano? Saan? Kailan? Kanino niya nalaman?
"Paanong--"
"Ako ang iyong ama, Clyde. Alam kong mahirap paniwalaan ngunit hindi mo kasi maalala dahil nalagyan ng gamot na pampawala ng alaala ang gatas mo noong bata ka pa." paliwanag niya. No. Hindi ako tao. Hindi ako kagaya ni Kairi.
"Paanong ang isang mapanlinlang na katulad mo ang siyang ama ko?" tumulo ang luha ko. "Sino ang ina ko, ha?"
"Hindi ko na alam kung asan siya, Clyde, ngunit alam ko ang pangalan niya, Ariela Quintos." yumuko siya.
"Bakit ngayon mo lang 'yan sinabi?" umiiyak kong tanong.
"Dahil natatakot ako. Baka kamuhian mo 'ko, baka ayaw mo sa 'kin." umiyak na rin siya.
"Ang totoo niyan....ayaw ko talaga sayo una palang." sabi ko at agad na umalis.
Pumunta ulit ako sa dagat, nakakita ako ng bato kaya binato ko ito sa dagat.
"Bakit ngayon pa!" sigaw ko.
"Clyde!"
Tumabi sa akin si Avriella.
"Bakit mo 'ko sinundan?" tanong ko at nagbato ulit sa dagat.
"Kasi nga si Kairi at Zian dapat mo ng ibalik dito. Para matignan natin kung siya nga ang nawawalang prinsesa."
"P-pero--"
"Wala ng pero pero! Dali na, ayaw mo ba siyang makita?" tanong niya na ikinasaya ko.
"Gusto." sabi ko agad.
"Oh, ayun naman pala e! Dali na tayo ka na diyan! Hanapin mo na sila sa mundo nila!" sabay tapik niya sa akin.
Habang nag-eensayo ako sandali kung paano makarating sa mundo nila, nakita ko si Sin, anyong babae siya ngayon.
Nilapitan niya ako.
"Clyde, sundin mo sina Kairi at Zi sa mundo nila." seryoso niyang sabi. "Pagkatapos ay buuin niyo na ang nabuwag niyong grupo noon nina Abraham. Dahil ayon sa propesiya ng Mahal na Hari, kailangan may apat o higit pang miyembro ang makakapagbigay o makakapagturo sa kanyang mahal na prinsesa."
"Ayoko ng ibalik iyong dati, Sin." sabi ko. "Tama na ang isang beses na nilinlang kami ni Abrah--ng ama ko." diniinan ko ang pagkasabi sa ama.
"Pero Clyde! Kailangan niyong gawin iyon! Pag tatatlo lang kayo, hindi iyon counted at mapapahamak kayo!" sabi niya na nagpakaba sa 'kin.
Mapapahamak? Ano ibig niyang sabihin?
Magsasalita na sana ako nang bigla na lamang siyang nawala.
Hays, anong gagawin ko? Ang g**o!