Chapter 15: Silencio

795 Words
KAIRI'S POV "Bakit ba tayo sumasama rito sa lalaking 'to, Kairi?" tanong ni Zi. Nung pumayag akong pumunta kami ng Gracean ay sinundo namin siya. "This is k********g, you know?" "Tumahimik ka nalang diyan, Zi." sabi ko. "Kilala natin siya, wala ka lang maalala." "Anong kilala? Alam mo ba ang pinagsasabi mo, Kairi? E ngayon ko nga lang siya nakita e." pagpupumilit niya ngunit hindi nalang ako nagsalita. Napansin kong natigil sa paglalakad si Clyde. Pinapakiramdaman nya ang paligid. "Anong meron, Clyde?" "Parang may sumusunod sa 'tin, isang kakaibang nilalang." Kakaibang nilalang? Napasigaw ako nang may yumakap sa leeg ko at itinutok sa leeg ko ang isang kutsilyo. "KAIRI!" sabay na sigaw nila Clyde at Zi. Kinakaladkad ako ng mabilis ng nilalang na may kutsilyo. "Sleep well, Silencio." Hindi ko alam pero may tinurok siya sa 'kin at unti-unti akong nakatulog. "Gumising kana, Silencio." Nakarinig ako ng tinig pero hindi ko iyon pinansin. "Gumising kana, kundi papatayin kita, Silencio." nagulat ako at napabalikwas ako sa kamang kinahihigaan ko. Luminga-linga ako sa paligid. "Nasaan a-ako?" "Nasa Labelone ka ulit, Kairi." sabi ni Sin, nasa isa siyang sulok, inaayos ang kaniyang buhok. "Anong nangyari?" tanong ko at bahagyang kumirot ang leeg ko. "Tinamaan ka ng pana kanina sa leeg, pero huwag kang mag alala, dahil nagamot agad ni Avri at natanggal niya ang lason kaya makakaalala ka rin mamaya o bukas." paliwanag niya. "Kairi." Bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Zian. "Iwanan ko muna kayong dalawa." sabi ni Sin at umalis na. Lumapit sa akin si Zi. "Ayos ka na ba?" tanong niya nang may pag-aalala sa kanyang mata. "Oo, ayos na ako, bahagya lang sumasakit ang leeg ko." sagot ko. "Gagaling na rin iyan mamaya at makakaalala ka na dahil ginamot ka na ni Avri kanina." sabi niya at nginitian ako. Nginitian ko siya pabalik. "Nakakaalala ka na?" "Oo, si Sin ang nagpabalik sa alaala ko. Tinulungan ka namin ni Clyde kanina nang atakehin ka ng mga Graceanian, buti nalang nakapasok kami agad sa palasyo. Thanks to Abraham." "Si Abraham? Kamusta naman daw siya?" tanong ko. "Ayos lang siya, ayun inaalagaan ang Mahal na Hari dahil may sakit." malungkot niyang sabi. "Nga pala, kailangan mo pang magpahinga. Maiwan muna kita diyan." Tumayo na siya pero nagulat ako nang bumaba siya sa katapat ng mukha ko at hinalikan ako sa noo. "I'm just worried. Hindi na naman kita naprotektahan." sabay kamot niya sa ulo at agad na umalis ng mabilis na hindi man lang niya ako pinagsalita. Kinagabihan, lumabas muna ako at nagpahangin. Nakita ko ang isang medyo madilim na pasilyo, pumasok ako at may narinig akong boses. "Kinakabahan ako. Alam na ng Mahal na Hari na umaalis ako sa aking trabaho, ngunit hindi niya alam na pumupunta ako sa inyo." pamilyar ang boses na iyon kaya tinignan ko kung sino ito. Si Abraham! at may kasama siya. Kasama niya si.... Clyde? Ayos na sila? Bat sila nag uusap? "Ahh, bakit ka kasi pumupunta sa amin? Dahil sa sinabi mo tungkol sa 'tin?" tanong naman ni Clyde. Anong tungkol sa inyo? "Totoo iyon, Clyde." seryosong sabi ni Abraham. "Kapag kami ay nilinlang mo na naman, hindi ako magdadalawang-isip na patayin ka." "Hindi ko nga kayo nilinlang dati, nagpada lang kayo sa nabigay sa inyong impormasyon na peke at hindi totoo. Ngayon, I'll tell you, you must trust me." sabi niya kay Clyde at mataman itong tinititigan. "Aalis na ako." sabi ni Clyde at mukhang papunta siya rito sa kinatatayuan ko, at hindi nga ako nagkakamali. "Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. "Ahh ehh, ano kasi, napagpasyahan kong lumabas, at nakita ko itong pasilyong 'to, parang sinasabi nito na pumunta ako rito kaya pinuntahan ko tas hindi ko sinadyang marinig kayo. "Okay. Magpahinga kana agad." tinignan niya ako. "Pag magaling kana, tuturuan namin kayo ni Zi ng technics kung paano lumaban at malabanan ang kalaban ng mag-isa mo lang." sagot niya. Umalis na siya. Ngunit wala pang apat na hakbang ay tinawag ko siya. "Clyde! Sino si Silencio?" Kumunot ang noo niya pagkalingon niya sa akin. "Saan mo nalaman ang pangalang iyan?" tanong niya. "Sagutin mo nalang. Napapanaginipan ko kasi lagi ang pangalang iyan, may nagsasabi ng Silencio na boses sa panaginip ko." sabi ko naman. "Gusto mong malaman kung sino 'yan?" pagkulit niya. "Yes. Sino kasi iyon? Curious na curious ako. Tapos isa pa, lagi kong napapanaginipan na naka dress ako, magarbo ang mga suot ko, at narito ako sa Gracean that time." I said. "Ikaw kasi ang mayroon ng rosas na nag-iisa. At si Silencio, siya lang naman ang aming Mahal na Hari." ***************************************** A/N: Short update guys! Sorry inaantok na kasi ako. It's already 3:48 in the morning, wala pa akong tulog jusme HAHAHA. Enjoy reading!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD