Chapter 16: Farewell, Labelone

1139 Words
This chapter is dedicated to Chanel_15_Black KAIRI'S POV Hindi ako makatulog. Nakaupo lang ako sa kama dito sa silid na tinutulugan namin. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Clyde kanina. Hindi iyon mawala sa isip ko, kahit ano mang gawin ko ay binabagabag ako nun. "Ikaw kasi ang mayroon ng rosas na nag-iisa. At si Silencio, siya lang naman ang aming Mahal na Hari." Literal na napanganga ako. Pero naguguluhan pa rin ako. "I-big s-sabihin..." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil hindi ko naman maituloy. "Oo, Kairi, ikaw ang nawawalang anak ng Mahal na Hari." Kung kanina ay napanganga na ako, mas napanganga ako lalo sa sinabi niya. Halos ayaw magsink-in nito sa utak ko. As in? Ako talaga? Bakit? Paano? Di ako naniniwala! Tumingin siya sa 'kin ng seryoso. "Tama ang narinig mo, Kairi. Ikaw si Grace, ikaw ay kalahating tao, at ang mas malala at pinakaimportante doon ay ikaw ang nawawalang anak ng Haring Silencio." Nangilid ang luha ko. Paano? "Iniwan ng Mahal na Hari ang iyong ina nung bago ka ipinanganak dahil ayaw sa kanya ng pamilya ng iyong ina. Ngunit sinubukan ka naming hanapin, nagtulong-tulong kaming mga Graceanian na pumunta sa mundo ninyo at hanapin ka ngunit hindi ka namin mahanap, at nalaman naming namatay na ang iyong ina nang isilang ka." Kaya pala hindi ko na nakilala ang ama ko. Kaya pala. Dahil isa siyang ibang nilalang. Siya ang Mahal na Hari rito. "Paanong--p-aano?" hindi ko na alam ang sasabihin ko. "Paano ko nalaman?" tumango ako. "Dahil na sa 'yo ang rosas, dahil sabi ng Mahal na Hari sa amin noon, na binigay niya iyan sa ina mo at itanim sa bakuran ninyo. Simula palang, nung sinabi mong nanggaling ka sa rosas para makapunta rito ay naisip ko ng parang may iba...Ngayon ko lang narealize ang mga detalye." Humikbi ako. Hindi ko alam ang gagawin ko. Napaupo ako sa sahig habang umiiyak at gulong-g**o ang isip. Tumingala ako sa kanya. "Nasaan ang Mahal na Hari?" tanong ko. "Nasa palasyo, may sakit siya at kailangan ka na niyang makita at makasama. Ngunit may reyna doon na nagbabantay, na nagsisilbi na niyang bagong asawa, ngunit hindi niya iyon tinuturing. Malupit ang reynang iyon, ayaw niyang magpapasok ng kahit na sino maliban sa mga kawal niya at sa mga may mataas na rank sa palasyo." Paano ko na siya makikita nyan? Umiyak nalang ako ng umiyak. "Nga pala, ang bracelet mo." tumingin ako sa bracelet na suot ko, sinuot ko ito bago ako makapunta rito. "Iyang bracelet na iyan ay binigay ng Hari sa iyong ina, sobrang bait pala ng iyong ina at binigay niya sa 'yo lahat ng binigay ng Haring Silencio. Ang dalawang maliliit na puso riyan ay simbolo ng pagmamahal ng iyong ina at ama? At ang roses sa magkabilang gilid, 'yan yung isang simbolo na ikaw ang nawawalang anak. Alam mo bang ang bracelet na 'yan ay ang pumoprotekta sa 'yo sa kapahamakan? Kaya gumaling ka agad nang matamaan ka ng pana, iyon ay dahil diyan sa suot mong bracelet." Napanganga ako. All this time, kaya pala ako hindi masyado napupuruhan at nasusugatan ay dahil sa bracelet na ito. Umalis na si Clyde habang nakabulsa sa suot niyang pang-ibaba ang mga kamay niya. Hinawakan ko ang bracelet ko at sinabing salamat. Huminga ako ng malalim. Ako ang nawawalang anak ng Mahal na Hari? At isa akong kalahating tao? Hinawakan ko ang bracelet ko. At ito naman ay binigay ng ama ko kay ina nung magkasama pa sila at simbolo ng pagmamahal nila sa kin? Kaya pala lagi kong napapanaginipan itong mundong ito. Dahil may malaki akong parte rito, napakalaking parte. Sa mundong mahiwaga na ito. Napabuntong-hininga ako. Kailangan ko ng matulog. Gusto ko pang malaman ang buong katotohanan tungkol sa mundong ito--namin. Sinubukan kong matulog at ilang sandali lang ay nakatulog na rin ako. Nagising akong humihingal at pawis na pawis. Nanaginip ako ng masama. Mayroon daw pumana sa aking dibdib, punong-puno ito ng dugo pero nang tignan ko kung sino ang pumana ay hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Bakit ganun? Napatingin ako sa pintuan nang bigla itong bumukas at iniluwa nito si Zi. Humahangos ito palapit sa akin. "Kairi, bumangon ka na. Kailangan na nating umalis dito." sabi niya habang humahangos. Tinulungan niya akong tumayo sa kamang hinihigaan ko. "Anong nangyayari?" tanong ko. "Sinusugod ngayon ng Reyna ang Labelone, hinahanap ka para tugisin. Dali na!" Ang reyna? Ang malupit na reyna? Kinuyom ko ang kamao ko. Lumabas na kami ng silid at tumakbo palabas. Maririnig ang mga espadang ginagamit sa paglalaban, at ang mga iyak ng nilalang dito sa Labelone. Napahinto kami ni Zi nang may Graceanian na kawal ng mahal na reyna sa daraanan namin. Nagtago kami sa isang maliit na kubo. "Dito ka muna, Kairi. Kakalabanin ko lang sila." Nakita kong may macheteng dala si Zi, tiyak kong binigay iyon nila Avri. Tumango ako at hinawakan ko ang kanyang braso. "Mag-iingat ka, Zi." tumango siya at ngumiti bago lumabas na ng kubo. Sumilip ako sa isang butas na kita sila Zi. Nakita ko kung paano siya makipaglaban. Noong una, akala ko matatamaan siya pero hindi. Nung pangalawa, ay muntik na siyang matamaan sa dibdib buti nalang at nakailag ito. Ayoko manood. Lalabas na sana ako nang may biglang humawak sa braso ko. "Abraham." "Huwag kang lalabanas, tao. Ako na ang bahala sa kaibigan mo." hindi na niya ako pinagsalita pa at pumunta na sa kinaroroonan ni Zi. Pagkatapos nilang makipaglaban ay bumalik sila rito. "Kamusta ka, Kairi?" Tanong agad ni Zi. "I'm okay. Ikaw?" "Ayos din." sabi niya. "Halina kayo, hindi kayo ligtas dito." sabi ni Abraham. Lumabas kami at nakita ko ang ibang parte na nasusunog at halos lahat ng nilalang ay wala nang natira. Naiyak ako, mukhang ako kasi ang may kasalanan kung bakit ito nangyayari ngayon. "Nasaan sila Avri?" tanong ko. "Nakikipaglaban din sila sa mga Graceanian kanina. Kikitain daw nila tayo sa Peace Mountain." Humiwalay muna ako sa kanila. Tinignan ko ang buong paligid. Naiiyak talaga ako. Kung hindi dahil sa 'kin, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Nilapitan ako ni Zi. "Kairi, halika na kailangan na nating makaalis dito." "Iiwan natin na ganito ang Labelone?" iyak kong sabi. Lumapit na rin si Abraham. "Tao, alam mong delikado rito, kaya tara na!" pagpipilit niya. "Huwag muna. Huwag nating iwan itong Labelone na ganito." umiyak na ako sa harapan nila, hindi ko na kaya. "Mas hindi namin kayang makuha ka ng Reyna, Kairi. May oras din para rito. Kaya halika na!" hinawakan ni Zi ang kamay ko at umalis na kami papuntang Peace Mountain. Don't worry, Labelone. Kapag alam na ng ama na ako ang nawawala niyang anak at nakita na niya ako, ibabalik ko kayo sa dati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD