Chapter 17: Actualization

1362 Words
ICEANDRA'S POV "Bakit tayo umalis doon?" tumulo ang luha. "Bumalik tayo roon!" Hinawakan ni Avri ang kamay ko. "Iceandra, alam mo namang delikado roon diba?" Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. "Iniwan lang natin ang Labelone na ganun?" iyak kong sabi. "Iceandra, alam kong mahirap para sayo 'yon." she tapped my shoulder. "Pero wag na tayong bumalik, hintayin nalang natin sina Kairi na pumunta rito." "Parang awa niyo na, huwag nating iwang ganun ang Labelone." lumuhod ako. "Tumigil kana riyan, Iceandra." sabi ni Clyde. "Hindi lang ikaw ang nawalan ng kababayan, remember?" Ang ina rin kasi ni Clyde ang nawala dati nung bata pa siya. Namatay siya sa isang--ay 'di pala ako ang dapat magkwento. "Tumayo ka na diyan." utos niya. Pinunasan ko muna ang luha ko at tumayo. Pagkatayo ko ay siyang pagdating nila Kairi, Abraham at Zian. Nakita kong nagkatinginan sina Clyde at Kairi ngunit isinawalang-bahala ko nalang iyon. "Tara na." sabi ni Avriella. "Kailangan na nating umalis dito. "At saan naman tayo pupunta, Avriella?" tanong ni Clyde. "Sa kung saan ako nanggaling, sa Ferrynx." seryoso niyang sabi. ABRAHAM'S POV "Dito muna tayo." umupo si Avriella sa isang malaking tipak ng bato. "Magpahinga muna tayo, malayo pa ang Ferrynx mula dito." "Sigurado ka bang walang makakasunod na Graceanian sa 'tin dito?" tanong ni Zi. Ako ang sumagot sa tanong niya. "Hindi mo nasisigurado, tao. Habang nandidito ka, ay wala kang kasiguraduhan, kaya dapat kang maging alerto, dapat andyan lang sa iyo ang macheteng iyan." sabay turo ko sa hawak niyang machete. Hindi niya ako pinansin bagkus ay tumingin siya kay Kairi at nginitian ito at saka ito nilapitan. "'Wag kang mag-alala, Kairi. Sisiguraduhin kong ligtas ka rito." sabi niya at ngumiti. Nginitian siya ni Kairi pabalik. "Salamat, Zi. Pwede bang magliwaliw dito?" "Bawal!" mahinang sigaw ko sa kanya, este kami pala ni Abraham at Clyde. Tumawa si Abraham. "Hindi puwede, Kairi. Delikado pa rin dito, hindi natin alam kung may Graceanian sa paligid." Nagsalita si Avriella habang ginagawa ang pansamantala naming tutuluyan. "Samahan mo na siya, Abraham." bakas pa rin ang galit niya sa akin sa kanyang boses. Ayaw niya talaga akong makasama. "Halika na, binibini." Nilapitan ko siya at akmang hahawakan ko na ang kamay niya nang banggain ni Clyde ang balikat ko. "Sorry." malamig niyang sabi. "Magliliwaliw din muna ako, titignan ko ang buong paligid kung merong mga Graceanian." Hindi na niya kami pinagsalita. "Ayos ka lang ba?" tanong ni Kairi. Malakas si Clyde at tiyak kong nabalian ata ako ng buto sa balikat sa pagbangga niya sa 'kin. Nginitian ko si Kairi. "Oo naman, tao." "Ako na ang sasama kay Kairi." sabi ni Clyde pero pinigilan siya ni Avriella, gamit ang pagpulupot nito ng isang bagay sa kanyang paa at inilayo sa amin. Agad kong niyaya si Kairi, hinawakan ko ang kamay niya at naglakad na kami palayo. Nang makalayo kami sa kanila ay tinanggal niya ang kamay niyang hawak ko. "Tingin mo ba, malalaman din ni ama na andito ang nawawala niyang anak?" "Alam mo na?" di ko makapaniwalang tanong. "Oo, alam ko na." sagot niya. "Kaya ako may rosas sa bahay ay dahil iyon ay binigay ng Mahal na Hari sa aking ina, at itong bracelet ko ay binigay niya rin, simbolo ng pagmamahal nilang dalawa sa 'kin at nagpoprotekta sa akin sa anumang panganib." "May hindi ka pa alam pero sasabihin ko na." ani ko. Tumigil kami sa paglalakad. "Maaaring mabuhay mo ang iyong ina kapag nagkasama na kayo ng mahal na hari." Nagulat siya sa sinabi ko. Nagtagal pa kami roon hanggang sa makatulog siya sa isang malaking tipak ng bato. Hindi ko maiwasang tignan ang napakaganda niyang mukha. Hinawi ko ang buhok na tumabing sa kanyang mukha. Hindi ko napansing nakangiti na pala ako habang tinitignan siya. Bakit ganito ang nararamdaman ko sayo, tao? ZIAN'S POV "Welcome to Ferrynx!" maligayang bati sa amin ni Avriella. Tinignan ko ang paligid. Apakaraming puno na kumikinang. Ngunit ang iba ay nagsilagasan na at halos wala ng dahon. Lalong lalo na sa punong asul ang mga dahon, tila ito ay nakalbo na. "Anong nangyari rito?" tanong ni Kairi. Mukhang parehas kami ng iniisip. "Naging ganito ang Ferrynx dahil sa nangyari noong pagsugod ng mga tao rito sa Gracean." Walang umimik. Sa pananalagi namin dito, naisip kong minamahal ko na ang mundong ito. At gusto kong protektahan ang mga narito. "Magliliwaliw lang muna ako." sabi ni Iceandra. Hindi na niya kami pinagsalita at umalis na siya agad. Bumuntong-hininga si Avriella. "Hindi niya pa rin makalimutan ang nangyari sa Labelone." Nakatingin siya sa papalayong si Iceandra. Tinignan ko si Clyde at nilapitan. "Susundan ko lang si Iceandra, bantayan mo si Kairi habang wala--" "Hindi mo na kailangang sabihin 'yan, binabantayan ko siya lagi." sabi niya sabay kindat. "Wala akong tiwala sa 'yo." sinamaan ko siya ng tingin. Sinamaan niya rin ako ng tingin. Umalis na ako para hanapin si Iceandra. Nakita ko siyang namamana ng mga dahon. Nakakamangha, ang galing niyang pumana. Tumingin siya sa direksyon ko at itinutok ang pana sa akin. "Oops, ako lang 'to." nginitian ko siya at tumawa. Mabagal niyang ibinaba ang pana niya. "Bakit mo naman ako sinundan?" tanong niya. Tinignan ko ang mga pinana niyang mga dahon. "Hindi ko nga rin alam, e." Tinaas niya ang kilay niya. "Alam mo, gwapo ka sana e, pero napaka-peculiar mo." Nginitian ko siya. "Thank you." "Sinundan mo ako, diba?" sabi niya at pinana na naman ang mga dahon. "I think you need a handsome man with you." Kita ko sa gilid ng mata ko na tumingin siya sa 'kin. Tumingin ako agad nang napansin kong nakatutok ang pana niya sa akin. Paglingon ko ay muntik ng matamaan ang tainga ko sa panang pinawala niya, rinig na rinig ko pa ang tunog ng pana na dumaan sa tainga ko. Ngumisi siya sa akin saka hinipan ang kamay niya at nawala ang hawak niyang palaso. Naghanap siya ng mauupuan at umupo. Napabuntong-hininga siya. "Kailangan ng malaman ng mahal na Hari na nandito ang kanyang anak. Tumango ako. "Sa lalong madaling panahon." "Para maibalik na sa dati ang Gracean, at mawala na ang napakawalang hiyang reyna na iyon." Tumango ulit ako. Anong gagawin namin upang malaman na ng mahal na hari ito? KAIRI'S POV "Narito kayo sa bahay ko, kasing ganda ko diba?" masiglang tanong sa min ni Avri. "Oo naman." agad namang sagot ni Abraham. Inirapan lang siya ni Avri. Pumasok na ito sa kanyang bahay at sumunod naman kami. "Ligtas tayo rito." sabi niya. Naalala ko ang nangyari sa Labelone ng dahil sa 'kin. "Paano kung masundan tayo ng mga Graceanian?" nag-aalala kong tanong. Ngumiti si Avri. "Hindi ka namin hahayaang masaktan, Kairi." "Ang inaalala ko ay ang lugar na ito, Avri. Ayokong mangyari ulit dito ang nangyari sa Labelone." malungkot kong saad. Nagkatinginan silang tatlo ni Iceandra at Abraham. "Hindi na namin hahayaang mangyari iyon, tao." sagot ni Abraham. "Paano kayo nakakasigurado?" tanong ko. "Alam kong, kahit hindi ninyo sabihin, na ako ang may kasalanan kung bakit nagkaganun ang Labelone. Na dapat kasi kailangan ko ng magpakita sa mahal na hari upang makasama ko na siya at malaman na niyang ako ang nawawala niyang anak. Dapat kayo ang pinoprotektahan ko, hindi 'yung ganito, na ako ang pinoprotektahan ninyo." pinunasan ko ang luha ko at seryoso ko silang tinignan. "I want to know all the things about Gracean. Sabihin niyo sa akin lahat, walang sobra, walang kulang." Walang umimik. Tahimik ang paligid. Lumapit sa 'kin si Abraham at hinawakan ang magkabila kong balikat. "Wag kang mag-alala, tao. Wala kang kasalanan. Responsibilidad naming protektahan ang mga nilalang dito, kasama na rin kayo." Napatigil ako. "Hanggang kailan, Abraham? Hanggang kailan niyo ako poprotektahan? Ayokong may mamatay sa inyo dahil sa akin. Ayoko." "Hindi iyon mangyayari." biglang sabi ni Clyde. Bumilis ang t***k ng puso ko nang tumingin siya sa akin. "Ayokong mamatay hangga't hindi ko nasisiguradong ligtas na ligtas ka." Hindi ko expected ang mga sinabi ni Clyde. Sa mga sinabi niyang iyon ay lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam pero may isa akong narealize about dito. Mahal ko na si Clyde.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD