KAIRI'S POV
"Kairi!" nilapitan kaagad ako ni Zi sa ginawang pag-atake sa akin ni Clyde. "Okay ka lang?"
"A-ayos lang ako, Zi."
Sinamaan niya ng tingin si Clyde. "Pare naman kasi, alam mo namang hindi pa masyadong malakas si Kairi, inatake mo na agad ng lakas mo."
"Gusto niyang palabasin ang kakayahan niya kaya dapat ilabas ko na ang pinakalakas ko." seryosong sabi ni Clyde.
Kaya dapat Kairi, sa lalong madaling panahon dapat alam mo ng gamitin at ilabas ang kakayahan mo. Dahil makakatulong 'yan sa 'yo pag may tumangka sa 'yong pumatay.
"Ang kakayahan ni Kairi ay nanggagaling sa bracelet niya." dumating si Iceandra, hinipan niya ang kanyang kamay at lumabas ang kanyang palaso at tinignan si Zi. "Huwag mo nga silang guluhin, Zian, halika rito tututuan kita."
"Ehh"
"Anong ehh ehh ka d'yan? Gusto mong tamaan kita ng pana?"
"Hayst." napabuntong-hininga si Zi. Tinignan niya muna ako ng may pag-aalala. "Magiging maayos ka ba?" tanong niya. Tumango ako.
Umalis na sila at naiwan kami ni Clyde. Nakakailang plus mo pa 'yong mga seryosong tingin niya.
"Kairi, ilabas mo ang lahat ng kaya mo." malamig na sabi niya. "Kaya kita ineensayo para roon." lumapit siya sa 'kin. "Tandaan mo, dapat kailangan mo akong matalo, matatalo mo dapat ako kahit sa ano man." seryosong sabi niya.
"Pero training naman ito, hindi ko naman kailang--"
"Kailangan Kairi, kailangan mo."
Nalilito ko siyang tinignan. "Pero, hindi ko pa alam kung paano. Hindi ko alam kung anong kakayahan meron ako."
Bumuntong-hininga si Clyde. Bigla siyang tumalikod at sumipol sa hangin. Nabigla ako nang may narinig akong pumapagaspas galing sa langit pero napangiti ako nang bumaba ito malapit sa amin at narealize kong si Pana iyon.
Nilapitan ito ni Clyde. Nilapitan ko rin siya at agad na hinaplos ang ulo nito. Pagkahawak ko palang sa ulo niya ay humuni ito ng maliit pero magandang pakinggan.
"Pana." sambit ko habang nakangiti. Hinaplos haplos ko pa ito hanggang sa tinawag ako ni Clyde, hindi ko napansing nakasakay na pala siya kay Pana.
"Sakay." utos niya. "Diba gusto mong lumipad?"
Wala akong pag-aalinlangan. Lumapit ako agad, bumaba muna si Clyde at pinauna akong sumakay.
Nang tatapak ako sa may tapakan ng katawan ni Pana ay hindi ko ito natapakan ng maayos bagkus ay muntik na ako mawalan ng balanse, buti nalang at may humawak sa bewang ko.
Pagtingin ko, muntik ng magdikit ang labi namin ni Clyde, ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa. Bumibilis ang t***k ng puso ko lalo na't nakatitig siya sa 'kin.
Umiwas naman kaagad ng tingin sa 'kin si Clyde. Tumayo na kami ng maayos.
"A-ayos ka lang?" tanong niya. Tumango naman ako.
Nauna na siyang sumampa sa likod ni Pana. Inilahad niya ang kamay niya sa 'kin. Nag-alinlangan pa akong kunin ito pero sabi niya wag daw ako mahiya. Kaya agad ko itong hinawakan at agad din akong nakaramdam ng kuryente na bumalot sa aking katawan magmula sa aming mga kamay na magkahawak.
Sumampa agad ako sa likod niya at tinanggal agad ang kamay ko sa kamay niya.
Nagulat ako nang hablutin niya ang kamay ko at ipinulupot sa kanyang bewang.
"Humawak ka lang sa 'kin." sabi niya. Nagdikit ang aming katawan dahilan upang bumilis ang t***k ng puso ko. Mukhang aatakihin ako sa puso sa ginagawa mong ito, Clyde.
Kung alam mo lang ang nararamdaman ko sa 'yo, Clyde.
Nang ipagaspas ni Pana ang kanyang mga pakpak ay napapikit ako. Nang nasa mataas na kami ay napakapit pa ako lalo kay Clyde at pinikit ulit ang mga mata ko.
"Imulat mo ang iyong mata." utos ni Clyde sa 'kin.
Unti-unti kong minulat ang mga mata ko at agad na bumuo ng ngiti ang aking mga labi sa nakita kong napakagandang tanawin. Unang beses ko lang nakakita ng ganito. Napakasarap pa sa pakiramdam ang pagaspas ng hangin sa mukha ko.
Sinubukan kong ibuka ang aking kamay nang nasa part na kami na maulap. Napangiti ako nang mahawakan ko ang ulap.
Nabigla ako nang hawakan ni Clyde ang kamay ko at ibinalik sa kanyang bewang.
"Baka mahulog ka sa ginagawa mo."
Lihim akong napangiti sa sinabi niya.
Nahulog naman na ako sa 'yo kahit hindi ako kumapit.
Bumababa na ang lipad ni Pana. Tiyak kong malapit na kami sa pupuntahan namin. At nang bumaba na si Pana ay tinulungan ako ni Clyde na bumaba na rin. Napatingin ako sa paligid, nababalot ng dilim, walang buhay na mga halaman, at walang dahon na mga puno, in short lagas-lagas.
"Anong nangyari rito at anong lugar ito?" tanong ko.
Pinulot niya ang isang dahong lanta. "Ito ang lugar kung saan ako nagmula, ang Grover."
"Dito ka nagmula?"
Nakatingin lang siya sa dahong lanta. "Naging ganito ang Grover nang salakayin ito ng mga Graceanian, gaya ng Labelone."
binitawan na niya ang dahon.
Kinuha ko ito bago pa man ito malaglag sa lupa at saka tinignan si Clyde. Naawa ako sa kanya dahil nakikita ko ang lungkot sa kanyang mukha, lalong-lalo na sa kaniyang dalawang mata.
Naisip kong pumikit at isarado ang kamay kong hawak ang dahong lanta. Pagkatapos ay iminulat ko ang aking mata at nabigla ako nang tingnan ko ang dahon, ay bigla na lamang itong naging makulay at masigla.
Tinawag ko si Clyde. "Clyde, mukhang napalabas ko na ang aking kakayahan." sabi ko at ipinakita sa kanya ang dahong makulay.
"Isa iyan sa kakayahan mo, ang bumuhay ng patay." seryosong sabi niya. "Pero hindi lang iyan ang kaya mo."
"Kaya kong bumuhay ng patay? So mabubuhay ko ba si ina?" tanong ko na ikinabigla niya.
"Hindi. Kapag itinadhana ng mamatay, ay hindi mo na ito mabubuhay."
"Bakit hindi? Diba kailangan kong ibalik ang lahat sa dati, dapat sana buhay din ni ina ang maibalik ko." nalulungkot kong sabi.
Umiwas siya. "Hindi. Baka ikamatay mo iyon, ayokong mangyari 'yon."
Ngumiti ako sa sinabi niya. Biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Mula nung narealize kong mahal ko na siya ay mas lalo pa itong lumala kapag magkasama kaming dalawa.
"Sinasabi mo ba iyan dahil gusto mong maibalik ang mundong 'to sa dati o nag-aalala ka sa akin?" assuming na kung assuming pero sana naman nag-aalala siya sa 'kin.
"Walang ibang dahilan kundi maibalik sa dati ang Gracean."
Sumimangot ako sa sinabi niya ngunit hindi ko naman siya masisisi. At isa pa, ako lang ang may kakayahang ibalik ang mundong 'to sa dati.
Pero naiinis pa rin ako. Tinalikuran ko siya at naglakad nang mabilis. Sa sobrang inis ko ay hindi ko napansin ang isang humps sa daraanan ko.
Mawawalan na sana ako ng balanse nang may humawak sa bewang ko.
"Sa susunod kasi mag-iingat ka." seryoso niyang sabi.
Namula ang pisngi ko at bumilis ang t***k ng puso ko. Buti nakatalikod ako sa kanya at hindi niya nakita ang namula kong pisngi.
Itinayo niya ako ng maayos at nagsimula na siyang maglakad palapit kay Pana. Nahihiya ako kaya nagpahuli ako.
"Magpapaiwan ka ba?" tanong niya.
Inirapan ko siya at yumuko.
"Kairi, dapa!" bigla niyang sigaw sa 'kin habang papalapit, hindi ko alam ang nangyayari basta narealize ko nalang na nakayakap siya sa akin. Biglang may paparating na machete at agad itong tumagos kay Clyde.
Tinignan ko ang sarili ko ngunit wala akong nakitang galos o sugat o dugo man lang.
Tinignan ko siya. "C-clyde." umagos ang luha ko, tinignan ko ang sugat niya sa tiyan.
"U-umalis k-ka n-na." nahihirapan niyang sabi.
Nakita ko ang lalaki na pinulot ang espada niya. Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng malakas na enerhiya, dumilim ang aking paningin, at nagsimulang kumidlat.
Nakita kong natatakot ang lalaki nang makita ang mata kong bahid ng lakas at tapang.
May lumabas na liwanag sa aking kamay. At bigla na lang akong umangat sa lupa habang nababalot ng liwanag.
Nakita ko ang ibang Graceanian na paparating kaya agad ko silang pinalutang sa ere gamit ang kanang kamay ko at binalibag ko sila sa puno. Nakita ko ang lalaki at ginamit ko naman ang kaliwa kong kamay upang ipulupot siya sa puno gamit ang mga ugat. Nakita kong bumangon ang mga binalibag ko kaya ipinulupot ko rin sila sa mga puno.
Hindi ako satisfied sa ginawa kong pagpulupot sa lalaking iyon sa puno kaya pinakawalan ko siya at hinawakan sa leeg.
"Pagsisisihan mo ang ginawa mo kay Clyde." akmang sasakalin ko na sana siya ng mahigpit nang pigilan ako ni Clyde.
"H-huwag m-mo siyang patayin, Kairi. Wag kang pumatay."
Dahil doon ay kumalma ako at tinigilan ko na ang lalaki, ibinalik ko na lang siya sa pagkakapulupot niya sa puno.
Unti-unti na akong bumaba sa lupa. At nawawala na rin ang liwanag sa akin. Bumalik na rin sa dati ang mata ko. At nawala na rin ang kidlat, bumalik na sa dati ang paligid.
Itinapat ko ang kamay ko sa tiyan ni Clyde. "You will be healed." sabi ko.
Nakatingin lang sa akin si Clyde habang ginagamot ko ang kanyang sugat. Pagkatapos ay bigla nalang ako nakaramdam ng panghihina.
"K-kairi."
"Y-you're o-okay." sabi ko habang nakangiti kahit nanghihina na.
After I said it, bigla na lamang akong napapikit at nawalan na ng ulirat.