Matabang

488 Words
"Magpagaling ka. Sige na matutulog na ako." Paalam ko sabay baba ng telepono. Wala na ang tamis. Ramdam ko may nagbago. Sa akin sya nakatali at alam ko hindi sya makakawala sa tali na yun. Tadhana ang nagtali sa kanya sa kin. Sa mata ng mundo, ako at siya ang tama. Hawak ko sya pero sa pamamagitan na lang ng tali na nag-uugnay sa min. Hindi ko sya masisi sa panlalamig na naramdaman. Umalis ako para sa magandang kinabukasan. Wala sya pinagpilian. Tatahakin nya ang buhay mag-isa habang nakatali sa kin. Hindi naging madali ang buhay sa banyagang lupa. Mapalad na lang ako at andito pamilya ko. Marahil dala ng pagod at hirap na naratamdaman, distansya at magkaibang oras... Hindi ko sya napag-ukulan ng panahon. May mga oras din sa kanya ko naibubuhos ang pagod na nararamdaman lalo kapag nagsabing kulang pa ang mga binigay ko. Mas laman ng aming pauusap ang pagtutuos nya sa kin ng mga pinuntahan ng pinadala ko. Kadalasan magtalo dahil kahit para sa kin sobra na, kulang pa din sa tuos nya. Yung pagod at hirap ko ang naging dahilan ko para maging kalaban ang tingin ko sa kanya. May mga oras na mas pinili ko paniwalaan ang mga kaibigan ko kaysa sa kanya. Aaminin ko minsan mas tinuan ko rin ang pagkamusta sa mga kaibigan kaysa sa kanya. Sa isip ko dapat maging ok sya dahil sa dami ng binibigay ko. Hindi ako nagkulang - yan ang alam ko. May mga oras na ramdam ko ang sadyang pag iwas nya sa pakikipag-usap sa kin. Marahil dala ng umay sa walang katapusang tanong ko na may kasamang duda at mangilang pagkakataon na sinaktan ko sya sa pamamagitan ng salita ko. Mga salitang alam ko sumusugat sa pagkatao nya. Lumalayo siya pero di ko alintana. Sigurado ako sa tali na nagbubugkos sa min. Binibigay ko ang lahat kaya dapat suklian nya. Sa isip ko basta naiibigay ko ang pinansyal sa kanya ay di ako nagkukulang. Nagkasakit sya at nadagdagan ang dahilan nya pra sumunod sa hila ng tali namin. Lumalaban sya sa sakit kasabay ng pagtupad nya sa responsibilidad ng tali namin. Sumusunod sa kumpas ng hila ng tali na kontrolado ko. Alam kong sa mga sandali na yun bukod sa pinansyal ay kailangan nya ang pag-kalinga ko pero di ko magawa sambitin sa kanya. Mahal ko pa ba siya o sinusunod ko na lang ang responsibilidad na kaakibat ng tali naming dalawa? Minsan napapaisip na rin ako. Ramdam ko ang pader sa pagitan namin dalawa. Ramdam ko ang paglamig ng puso nya. Sino ba sa amin ang nagkulang? Sino ba dapat sa min ang umabot? Ako ba na malayo o sya? Sa mga oras na nararamdaman ko nawala na higpit ng tali sa min, sa mga minuto ng pangungulila.. sino ang dapat umabot? Marami pang bukas ang aming pagsasamahan. Subalit kagaya ng isang kape - malamig na ito at matabang. "Tara kape tayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD