Chapter 3 - 3in1
"Tara dito picture tayo. Yung background ang taal" sabi ko sabay hila sa kamay niya papunta sa balkonahe.
Niyakap nya ako at humarap sa camera ng phone ko. "Cheese" sabay pindot sa cp ko. Pang ilang litrato na ba namin yun. Di ko na mabilang.
Hinigpitan nya akap sa kin sabay sigaw "akin sya". Kinilig ako sa ginawa nya. Ako na ata pinakamaswerteng babae sa mga oras na yun. Di man sya kagwapuhan pero ang sweet nya.
"Prepare ko lang lunch natin ah." Paalam ko sa kanya.
Naiwan sya sa balkonahe. Nakatanaw sa taal. May ngiti sa labi pero may lungkot ang mga mata. Parang may inaalala sya na kung ano.
Andun na yung lungkot na yun bago pa maging kami. Minsan nawawala pero kadalasan kong nakikita. Hindi nya ikikwento pero nararamdaman ko. Yung lungkot na yun ay dala ng sugat mula sa dati nyang relasyon.
Nung una ko hawakan ang kamay nya habang naglalakad kami tinitigan nya mga kamay namin at nagbuntong hininga. Dun ko una nakita yung lungkot. "Tara"sabi ko at muli kami naglakad.
Sumagi na naman sa isip nya - siya.
Hindi ko alam ano ang istorya nila o kilala kung sino sya. Wala ako nakitang pictures nila o narinig na kwento tungkol sa kanya. Minsan nga naiisip ko baka nainlove ang bf ko sa multo. Wala kasi silang bakas kundi yung lungkot sa mata niya.
Sinubukan ko magtanong. Sinubukan ko maghanap pero wala akong nakita. Basta ramdam ko na mayroon isang siya.
Siya na sobra nya minahal. Siya na kasama niyang nangarap. Sila na ginusto niyang magtagal. Siya na hanggang ngayon andun sa puso niya.
At sa tuwing makikita ko ang lungkot na yun alam kong may nagawa ako na hindi nya nagawa kasama siya. May pangarap sila na kami ang tumupad.
Kasama ko siya pero hindi kami buo.
Sa paglipas ng araw pinuno ko sya ngpagmamahal. Umaasang hindi ko na masisilayan yung lungkot. Umaasang makalimutan na nya sya.
Mahirap ang may kahati. Ayoko sa 3in1.
Sana matutunan na nya pakawalan sya. Yung sila sa isip niya mapalitan na ng kami. Sana maging buo na kami.
"Tara kape tayo"