Nilaro ng mga daliri ni Viz ang mga hibla ng buhok ng natutulog na ‘asawa’ na naglalaro sa gilid ng mukha nito. Himbing na himbing ito at bahagya pang nakaawang ang mapupulang mga labi. Mukhang napagod niya nang husto si Nessa. Napangiti siya habang nakahiga patagilid sa tabi nito, nakatukod ang siko niya sa kama at nakadampi ang kamay sa isang pisngi. “I’ll make it so that being just a friend isn’t the first thing on her mind when she thinks of me,” ulit niya sa sarili sa mga eksaktong katagang sinabi niya kay Neza nang tanungin siya nito na paano kung kaibigan na lang talaga ang tingin sa kanya ni Nessa. Ngayon, iisipin pa ba nitong magkaibigan lang sila? Walang puro at tunay na magkaibigan ang ‘nagkakainan.’ Minukbang pa man din niya ito kanina. Pero gutom pa rin siya. Hindi siya mab

