Pigil na pigil ni Viz ang pagtigas ng panga niya, subalit kusa iyong nagtutumiim habang nakaupo siya sa loob ng opisina ng ama niya. Pinapunta siya nito sa Castoldi Corporation—isa iyon sa mga higanteng korporasyon sa bansa, at kilala rin sa buong mundo. Imperyo iyon ng kanyang ama, at kahit saang sulok siya tumingin ay nakikita niya ang marka ng kapangyarihan at impluwensya nitong nakaukit sa lahat ng haligi ng matayog na gusali. His father's massive office had an expansive floor-to-ceiling windows, overlooking the breathtaking city skyline. The huge, intricately carved desk sat at the center of the spacious office, and his father sat on it as if he was the King of the land. Mula ulo hanggang paa ay puro mamahalin ang suot nito—the strong business suit, the leather shoes, the expensive

